Chapter 4

11.1K 267 2
                                    

Lilian's POV


Napatingin ako sa paligid at sinundan ko yung tingin ng crowd. May babaeng halatang nagmamadaling naglakad papuntang stage.


"Woah, nandito na siya guys ang prinsesa ng banda" sigaw naman ni Hailey.


Nakita kung masama yung tingin ng babae kay Hailey at napakamot nalang sa ulo nito ang huli. 'Ang cute! wait what?? bakit ko siya sinasabihan ng cute??'


"Hoy H, anong pinagkakalat at pinagsasabi-sabi mo tungkol sa akin?" galit na kompronta nito, nalimutan yata nito na naririnig sila dito sa buong conference hall dahil sa microphone na nasa harapan nila.


"Ha? wala" tarantang sagot naman nito.


"Anong wala? akala mo ba wala akong mga  mata at tenga dito, FYI lang H kahit wala ako sa paligid niyo hindi ibig sabihin wala na akong alam sa mga nangyayari, may mga loyal sa akin at reliable source ako noh!" dagdag taray pa nito kay Hailey.


"Hey guys, sabi niyo tutulungan niyo ako?" hinging saklolo naman niya sa mga audience.


"Hindi naman namin sinabi na ilalaglag mo siya" sagot ng isang estudyante.


"Hindi mo rin sinabi na mala-tigre pala yung vocalist niyo" sigaw naman ng isa.


"At napakaganda pa, parang anghel" sigaw din ng isang guy.


"Wala namang ganyanan guys, baka hindi na ako makauwi ng buhay nito"


"Anong sabi mo" mataray at nakapameywang na sigaw na naman nito kay H, wow FC lang, kasi naman ang haba na eh.


"Patawarin mo na siya Yuri, ginawa niya lang yun para hindi kami mabored" sigaw nung isang girl.


"Oo nga naman, napatawa at nag-enjoy naman kami sa performance niya" dagdag pa nung isa.


"Ang cute at ang ganda naman din ni Hailey eh, pagbigyan mo na siya, sigaw naman ng isang girl sabay tili at ng mga kagrupo nito.


Tumingin naman si H sa kanila sabay kaway at kindat pa. Hmmm..malandi at bakit ako nagkakaganito? Oh no, nababaliw na talaga ako.


"Sige, pagbibigyan kita sa ngayon H, pasalamat ka at may mga  nagtatanggol sa'yo dito. Kayo namang mga lalaki kayo bakit hindi niyo pinigilan itong isa? Ikaw Andy akala ko ba loyal ka sa akin?" baling naman niya sa ibang kagrupo nila. Napayuko lang yung tinawag niyang Andy at yung iba pang miyembro. Mukhang takot na takot sila sa Yuri nato. In fairness sa kanya, kaya niyang i-handle yung mga guys, halatang under sa kanya hehehe..


"Siguro guys mag-chill muna tayo, mamaya natin pag-usapan ito at kailangan na nating magperform. Mahaba-haba na din ang hinintay ng mga audiences natin" pumagitna naman yung violinist nila, mukhang ito yung matured at peace keeper ng grupo.


"Okay, pero tandaan niyo hindi pa tayo tapos" matulis na tingin ni Yuri sa kanila except dun sa violinist.

"Pasensya na kayo guys sa paghihintay at sa eksena kanina. Siguradong mag-eenjoy at magrerelax kayo sa kantang ito, para ito sa inyong lahat.."


'Adik sa yo, awit sa akin

Nilang sawa na sa aking mga kwentong Marathon

Tungkol sa yo at sa ligayang

Iyong hatid sa aking buhay

Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw..'


Wow, ang ganda ng boses niya, parang anghel at ang lamig lamig pakinggan. Biglang natahimik ang crowd, tiningnan ko si best at tulaley na naman. Pagtingin ko sa kanang side ko, nalimutan ko nandito pa pala si Harold at matiim niyang tinitinggnan si Yuri, hmmm..mukhang hindi pa nakamove on.


Ibinalik ko nalang ang tingin sa stage at sakto namang nagtama ang tingin namin ni Hailey.


Biglang nag-slow mo sa paningin ko ang lahat, wala na akong naririnig kundi ang tambol sa dibdib ko. Oh my gosh! mahihimatay na yata ako nito at sinabayan niya naman ng pagkatamis-tamis na ngiti. Patay! tinamaan na yata ako, nakatitig lang ako sa kanya the whole time hanggang sa kalabitin ako ni best.


"Hoy best, okay ka lang? para ka namang na-engkanto diyan, kanina ka pa kaya namin kinakausap ni Harold."


"Ha?" puzzled na tanong ko sa kanya.


"Anong ha? nganga lang best, tinatanong tayo ni Harold kong gusto ba natin makipagkilala sa lahat ng miyembro ng HARMONY, medyo close daw siya sa kanila kung alam ko lang eh! hindi ko na sana tinarayan tong si Harold, boto na ako sa kanya for you best" tukso naman nito at sabay pakita ng nanunuksong ngiti.


"Baliw ka talaga best, si--ge.... su--re Harold kung hindi sila bu--sy" hesitant na sagot sa kanya.


"Okay lang sa kanila yun, mga friendly silang lahat at kaya talaga close ako sa kanila kasi sabi ko nga sa'yo pinsan ko yung drummer nila" pag-aasure naman niya.


"Yun naman pala eh, tara na best! go na tayo!" excited namang sabi nito.


"If I know best, isa lang naman yung gusto mong makilala si Richa----rd..." hinila na ako ni best palayo para hindi marinig yun ni Harold hahaha' huli ka best.


*****

Thanks for reading it :])
You're the best ;)

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon