Chapter 14

7.1K 161 4
                                    

Lilian's POV


Magsisimula na ang gig nila Lee ngayon sa isang bar dito sa Makati. Hindi ako familiar sa name ng bar pero sabi nila medyo sikat daw ito at maraming mga tao ang pumupunta sa naturang bar.


Invited naman kami ni best, syempre nandun boyfriend niya kaya medyo sa may unahan din kami makakaupo at siguradong this time mag-eenjoy ako dahil mas kita ko si Lee kahit second voice lang ang pwede niyang gawin while naggigitara din siya.


"Best, excited na ako, siguradong pagkakaguluhan ang baby ko dun" sabi ni best na parang kinikilig. Papunta na kami sa location ng bar at kasalukuyang nakasakay kami ng taxi.


"Wow best, kung makapagsalita ka parang si Richard lang ang miyembro ng banda ah!" biro ko kay best.


"Ikaw naman best, bakit hindi ka nalang sumabay. Alam ko naman na mas hot at gwapo yung crush mo pero para sa akin si baby ko parin ang the best!" sagot naman ni best.


"Okay best, sige na nga! Ikaw na ang inlove."


Marami pa kaming napagkwentuhan ni best dahil malayo-layo din ito sa tinutuluyan naming apartment. Hanggang nakarating na kami sa "Serenade Bar". Nagbayad na kami ng pamasahe at pumasok sa bar.


Marami ngang tao sa bar pero nakakadaan pa naman kami ni best. Nagtext din si Lee sa akin at pinapapunta na kami sa isang VIP room kung saan din yung room ng rehearsal nila.


Nagtext na ako sa kanya na dumating na kami ni best pero hindi pa ito nagrereply. Tinatawagan din ni best si Richard pero sabi nito out of reach daw. Baka naka-off mga cp nila or lowbatt ito.


"Yan! Yan! Lilian!" may naririnig akong tumatawag sa akin at paglingon ko sa may bandang dulo ng bar. Nandun si Lee na kumakaway at nakangiti sa amin. Hinila ko si best para pumunta kami sa direksyon ni Lee.


"Salamat at dumating kayo" bati niya sa amin ni best. Pero bigla nalang akong niyakap nito kaya nabigla ako at nung matauhan gumanti din ako ng yakap dito. Ang bango naman ni Lee at bagay na bagay sa kanya ang looks niyang nakalugay lang ang buhok nitong blonde at light na make-up. Nakasuot ito ng black leather jacket with white v-neck shirt ang pinatungan nito. Naka-blue skinny jeans ito at naka black boots.


"Ahemm..." bigla naman akong bumitaw sa yakap dito at muntik ko nang makalimutan si best na nandito pa pala sa tabi namin. Nagbeso lang naman sila ni Lee at pinapasok na niya kami dun sa room nila.


Pagpasok namin ni best ay nagkwe-kwentuhan lang sila sa mahabang couch at parang nagrerelax lang bago magsimula ang show nila. Sinalubong naman agad si best ni Richard at kinantyawan silang dalawa ng kabanda nito.


"Lil, salamat at dumating kayo" bati sa akin ni Yuri at nakipagbeso na ito sa akin.


"Syempre naman, nangako kaya kami ni best" sagot ko lang sa kanya.


"Ang ganda at ang sexy mo naman Miss" bati sa akin ni Andy at lumapit pa ito sa akin. Nahiya naman ako sa pagpuri nito. Nakadress kasi ako ngayon ng black na hanggang tuhod lang ang taas. Nakalugay lang din ang buhok ko at light make-up with red lipstick. Si best din nakadress pero mas maikli yung sa kanya at yellow naman ang color dahil yun kasi favorite color niya. May belt din siya na black upang mas may style tingnan ito which is mas nagpaganda sa outfit nito.


"Ikaw naman Ands, dumadamoves ka na naman! tingnan mo tuloy nagbublush na si Yan" tukso naman ni Lee if alam niya lang sana na siya ang reason kung bakit ako nagbublush, kanina pa kasi niya ako tinitingnan ng kakaiba medyo conscious na din nga ako.


"Hayy..nako H kung alam mo lang sana" ngiti at sagot naman ni Andy na pinandilatan ko naman ng mata.


Nakita ko ang pagkunot nito ng noo pero nawala ito ng may kumatok at siya narin ang nagbukas nito.


"Oh! Harold, pasok ka" yaya naman ni Lee.


Pumasok naman si Harold at nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin kay Yuri. Binati siya ng miyembro ng banda maliban kay Yuri na medyo awkward ang naging pakiramdam nito. Mukhang hindi sila in good terms ng maghiwalay sila nito hanggang ngayon.


"Hi Lililian, you look beautiful tonight! I mean you always look beautiful pero you really look amazing tonight" bati naman nito sa akin na nagpablush sa akin. Ngayon lang kasi may pumuri sa akin ng sobra at sa harap pa talaga ng mga kakilala at kaibigan ko.


"Ah..salamat" sagot ko nalang.


"Wala ka pala Ands eh! laos na kasi mga lines mo, may pamiss-miss kapa" biro naman ni Lee kay Andy pero nagkibit balikat lang ito at ngumiti sa akin.


May kumatok na naman sa pintuan at isang empleyado naman this time ng bar ang pumasok. Pinagre-ready na sila dahil mag-uumpisa na sila in about 20 mins.


*****

Comments at votes po, salamat :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon