Chapter 18

6.6K 152 2
                                    

Hailey's POV


"Oh my gosh!" rinig kong reaction ng tao sa may pinto ng cr.


"Best yung first kiss mo!" yung reaction naman ng isa.


Magsasalita na sana ako pero wrong move kasi yun din ang ginawa ni Yan at parang napadiin pa lalo yung labi niya sa labi ko at nakapasok na ng bahagya yung dila niya sa bibig ko. Napasinghap naman ako sa sensasyon at hindi ko napigilan na ipikit ang mga mata ko.


Napahawak naman ako sa hips at bewang ni Yan habang narinig ko din ang pagmoan niya ng mahina.


"Hmmmm...."


"Oh my god! Are you two making out?" doon naman kami parang binuhusan ng malamig na tubig kahit medyo naging mainit na ang pakiramdam ko.


Tumayo agad si Yan at sumunod naman ako. Parehong namumula ang mga mukha namin sa hiya at nakayuko, hindi namin kayang harapin sina Yuri at Joy.


"Oh, magcoconfess na ba kayo?" tanong ni tigre.


"Wala bang magsasalita sa inyo?" May relasyon ba kayong dalawa?" tanong naman ni Joy.


"Wala kaming relasyon" naisipan kong ako nalang ang unang magsalita para kay Yan. Kitang-kita ko parin ang shock na reaction nito at ang labis na pamumula ng mukha nito.


"Aksidente lang yung nanyari"


"Talaga H? Sa tingin namin mukhang nag-enjoy ka naman" tukso pa ni tigre sa akin.


"O-o ..I mean hi-n-di..na out of balance lang si Yan at yun natumba siya sa akin tas yun na yung eksenang naabutan niyo" nauutal na paliwanag ko sa kanila. Bakit ba ako nagsta-stammer?.


"Hey guys, ang tagal niyo naman? Akala namin nakidnap na kayo dito sa cr" biglang sulpot naman ni Andy kasama sina Sarah at Nelson.


"Nadulas lang kasi itong si H sa cr, akala namin may dugo na yung ulo niya kaya chineck muna namin at mukhang okay naman siya" palusot naman ni Yuri at binigyan ko siya ng thank-you-look.


"Ano!" gulat na reaksyon naman ni Sarah at agad na lumapit sa akin at chineck ang ulo ko. Sigurado nga tama si Yan na may gusto ito sa akin.


"May bump ka sa likod ng ulo mo Hailey" sabi nito at hinimas ito ng mahina. Duon ko lang naramdaman na masakit nga ang bandang parte na yun ng ulo ko, bumagsak nga naman pala ako sa sahig at nafeel ko nga yung bump na sinasabi ni Sarah.


"Aray" medyo mas nararamdaman ko na nga ang sakit nito.


"Hihingi nalang ako ng ice pack kay manang para mawala ang sakit na iyan" biglang salita naman ni Yan at lumabas na ng cr, sumunod naman kami sa kanya at pinuntahan na ang iba pa naming kasamahan.


Nakaupo lang ako sa may couch habang nagkukulitan lang yung ibang kasamahan namin. Buti nalang wala silang hinala sa nangyari kanina. Dumating naman si Yan na may dalang ice pack at tumabi sa akin. Siya na ang nagpress nito sa ulo ko.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon