Chapter 1

23.8K 348 12
                                    

Lilian's POV

Nandito ako ngayon s Conference Hall ng Braxton University dahil sa mini concert na mangyayari mamayang 6:45pm.

Welcoming program ng school para sa mga estudyanteng katulad ko na galing sa summer vacation. 'Ang cool talaga ng University nato at napaka-thoughtful' medyo sarcastic na isip ko dito sa school.

Ako nga pala si Lilian Rivera, third year college na sa pasukang ito at nagti-take ng kursong nursing.

Kung ako lang ang  masusunod, ayaw ko talaga sa kursong ito. Mas gusto ko education pero mapilit kasi parents ko. Kasi nga mas may direksyon daw ang buhay ko sa pagiging nurse since may Tita Cely naman ako na nurse na sa Canada at matutulungan daw ako nito makapasok after ko maka-graduate at makapasa sa mga exam.

Hay! sana nga at saan na ba yung si Joy! 6:30pm na. Sabi pa niya mas mauuna siya sa akin!.

Sana pumayag na nga lang ako sa pustahan namin, siguro hindi ako naiinip ng ganito at may libre pa sana akong breakfast, lunch at dinner bukas galing sa kanya.

Pero for sure matatalo ako nun, kaya siguro hindi nagmadali kasi wala namang mawawala sa kanya kung mahuhuli siya ng dating..Ugh!..

"Hey miss, mukhang inip na inip kana ha? tanong sa akin ng lalaking hindi ko kakilala.

"May hinihintay lang" tipid kong sagot sa kanya.

"Mind if I join you?" pacute na tanong sa akin ng lalaki.

Well, hindi naman masama itsura niya. Mukhang disente siyang tingnan, gentleman at maganda ang pangangatawan.

Halatang maalaga din ito sa sarili dahil makinis din ang balat nito.

"Ahmm.. sur---", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may impakta lang naman na humila sa akin.

"Ano ba Joy! huwag ka nga manghihila ng ganun-ganun nalang. Kita mong may kausap yung tao eh!" reklamo ko sa kanya.

"Kausap lang ba talaga? Kita naman na interesado yung lalaking yun sa iyo at tsaka magsisimula na yung concert ng HARMONY kaya kailangan pumwesto na tayo sa pinakaunahan" depensa naman nito.

"Hay naku Joy, ewan ko sa'yo kaya siguro hindi ako nagkakaboyfriend dahil hinaharangan mo. Daig mo pa parents ko ha! gwardiyado mo talaga ako!."

"Hoy Liliana, huwag mo nga isisi sa akin ang pagiging NBSB mo!" nakapameywang na turan niya sa akin.

"FYI lang, naging magbestfriend lang tayo nung nagcollege tayo at hindi ko kasalanan kung hindi ka lumandi nung high school tayo, kaya never been kissed and never been touched ang peg mo ngayon. At tsaka masyado ka ding mapili no? bawas- bawasan mo din yang pagiging masungit at suplada mo" dagdag pa nito.

"FYI din Joy noh! pero hindi ako masungit o suplada, hindi lang ako palangiti at kaya NBSB ako kasi hinahanap ko yung the right one ko at siya lang ang dapat makatikim ng first kiss ko at may karapatang hawakan ako" depensa ko naman.

"Whatever Lil, nasa 20th century na tayo, hindi na uso yan. Pwede ka nang magkaboyfriend through text, chat at skype."

"Yeah, diyan tayo magaling ang makiuso. Kaya yung iba hindi na naisip na may ibang motibo yung ka-chat nila or modus talaga nila yun. Kaya in the end nanakawan, nagagahasa at ang worst napapatay" ang mahabang sagot ko naman sa kanya.

"May point ka naman best pero teka, teka, teka, bakit ba tayo umabot sa patayan na yan? nandito tayo para mag-enjoy right? pag-iiba naman ni Joy ng usapan.

"Right, makinig at mag-enjoy nalang tayo best."

"Yeah naman best" biglang sigaw naman ni Joy, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Nakayuko nalang ako sa kahihiyan.

"Ikaw kasi eh! may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman diyan" reklamo ko sa kanya.

"Oo na, nadala lang yung tao noh, paki ba nila? sungit na turan naman nito at tiningnan ng masama yung iba pang nakatingin pa rin sa amin.

"Good evening students" biglang sigaw naman ng emcee sa naturang program. Si Mrs. Solis pala yung pinaka-cool na teacher ang emcee sa program nato which is understandable naman kasi siya lang naman ang nakakarelate sa lahat ng mga students ng University.

"Halatang inip na inip na kayo but don't worry hindi ko na pahahabain ito, just relax and enjoy the night guys with the HARMONY!!" sigawan naman agad ang mga estudyante sa paligid namin at parang nasira talaga eardrums ko. Talo pa nila si best ha!, pero teka, hindi yata tumili si best himala!!

*****

Thanks for reading guys, I hope you enjoyed it :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon