Chapter 28

6.3K 154 3
                                    

Hailey's POV


Nasa apartment lang ako ni Yan buong araw, gusto ko sana i-open yung topic tungkol sa kung anong meron kaming dalawa ngayon. Pero sa tuwing naaalala ko si Faith at yung pagkikita namin kanina hindi na ako sigurado. Kailangan kung makausap si Yuri tungkol dito.


"Malapit na mag-gabi, hindi ka pa ba uuwi" biglang tanong naman nito sa akin.


"Pinapalayas mo na ba ako? Sawa ka na ba sa akin?" tampu-tampuhan ko at nagpout pa na tanong ko dito.


"Hindi naman Lee, baka lang naman may gagawin ka pa. Okay lang naman akong mag-isa dito kahit wala pa si best at pansin ko din minsan mukhang malalim ang iniisip mo, panay pa ang pagbuntung-hininga mo" sagot naman nito, hindi ko alam na pinag-mamasdan din pala  niya akong mabuti.



"Sorry Yan, may iniisip lang. Tama ka naman gabi na at kailangan ko pa palang puntahan si Yuri, nagtext siya sa akin kanina at may gusto daw siyang sabihin sa akin ng personal" sabi ko dito.



"Ganun ba?, sige mukhang importante ang gustong pag-usapan ni Yuri ah!"



"Oo nga, mag-ingat ka dito ha? Maglock ka ng pinto, huwag mong bubuksan kung hindi mo alam kung sino ang nasa labas. May habit ka pa namang basta-basta nalang nagbubukas ng pinto ng hindi mo man lang tinatanong o tinitingnan kung sino ang  nasa labas" pagsesermon ko dito.


"Opo nay, gagawin ko lahat ng binilin niyo" biro niya sa akin.


"Mabuti na yung nakakasiguro at nag-iingat tayo anak, malaman ko lang na hindi mo sinunod ang mga bilin ko sa'yo papaluin talaga kita" ganting biro ko sa kanya.


"Sira ka talaga Lee" hampas naman nito sa akin ng mahina sabay tawa.


"Sinabayan lang naman kita..hahaha..pero seriously Yan pag-nagkaproblema tawagan mo agad ako ha?" biglang seryosong sabi ko dito.


"Oo na Lee, huwag mo akong alalahanin masyado. Kaya ko naman sarili ko eh, sige na umalis ka na habang hindi pa masyadong madilim at mag-ingat ka sa daan" paalala din nito sa akin.


"Siyempre naman, ayaw ko yatang nag-aalala ka sa akin" biro ko dito sabay kindat.


"Tse! Baliw ka talaga" pagtataboy nito sa akin ng nakatawa, alam ko na nagbu-blush siya at ayaw niyang makita ko ito.


"Sige Yan, aalis na ako at sundin mo sana yung bilin ko sa'yo" paalam ko dito sabay halik sa forehead niya. Hindi ko na siya hinayaan pa na ihatid ako sa labas. Diretso na akong lumabas at nagdrive papunta kina Yuri.


Pagdating ko kina Yuri, sinalubong agad ako ni Manang Flor, siya ang naging pangalawang ina ni Yuri dahil nga sa busy yung parents niya sa negosyo katulad ko.


"Dumiretso kana H sa kwarto ni Yuri, naghihintay na sa'yo yun kanina pa. Ewan ko ba dun sa batang yun kanina pa hindi mapakali!" sumbong naman ni Manang Flor sa akin.


"Sige po manang, ako nang bahala sa tigre na yun. Baka gutom lang yun manang at nagpapalambing. Kailangan lang ng kunting himas sa amo niya" pagbibiro ko dito.


"Ikaw talagang bata ka, baka marinig ka nun, sige ka! Oh sya, maiwan na kita at may kailangan pa akong tapusin" tawa naman ni Manang Flor sa biro ko. Umakyat na nga ako papunta sa kwarto ni Yuri. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ito binuksan, marami kasi talagang rules itong si Yuri na kailangang sundin.


"Oh, kamusta na mahal na prinsesa at ano yung sinasabi ni Manang Flor na hindi ka daw mapakali dito sa kwarto mo?" tanong ko agad dito.


"Eh..ka--si...H..hmmm..si..And-y..kasi.hmm..nag--ta--pa-t..sa.......ak--in.." nauutal na sabi nito sa akin.


"What???!!!, seryoso?!" gulat na tanong ko dito.


"Oo, nung nasa Midnight Bar tayo, dun siya nagtapat. Sinabi kong pag-isipan niya muna ang pinagsasabi niya baka nabibigla lang siya kaya ganun. Sinabi ko munang maghintay siya ng one week para maging sure siya sa nararamdaman niya para sa akin at alam mo naman na ayoko na magkaroon ng romantic relationship tayo sa kabanda natin. Ako pa naman din ang gumawa ng rule na yun. Pwede siyang matanggal sa banda at ang worst baka ito din ang maging simula ng pagkawatak-watak ng banda natin" mahabang eksplanasyon naman ni Yuri.


"Okay fine, gets kita Yuri pero ano ba ang nararamdaman mo kay Ands? At kung makapagsalita ka naman parang habang buhay talaga tayo dito sa pagiging miyembro natin sa banda. Alam mo naman na after natin makagraduate ng college may iba't-iba tayong priority na dapat harapin. We have to accept the fact na hindi forever itong banda natin. So, kung magiging kayo man ni Andy hindi din yung relasyon niyo ang bubuwag sa banda natin. Honestly, maybe two or three years from now pwede nang mabuwag ang banda dahil alam mo at alam ko kung saan tayo papunta after nating makatapos ng course natin. Tayo na ang hahawak sa negosyo ng parents natin. May training agad tayo para mahasa tayo at handa tayo pag-dumating na nga yung time na tayo na ang matatake-over ng business ng family natin. Gusto ko din mapractice agad yung course natin at makapasa sa board exam" mahaba din na sabi ko dito.


"Ganun nalang ba talaga yun H? Alam kong tama ka pero ayaw kong tanggapin yun dahil mahal na mahal ko na ang banda natin. Sana hindi lang hanggamg two or three years ang banda natin" malungkot na sabi nito.


"Nalulungkot din akong isipin yun Yuri pero mas maige ng tanggapin ito ng maaga. Ako pa naman din ang gumawa ng banda kaya napakasakit din nito sa akin, siguro we just have to enjoy it while it last" sabi ko na lang dito.


"Tama ka H" pagsang-ayon naman nito.


"So, ibig bang sabihin niyan. May pag-asa na si Ands?" pagtaas-baba ko naman sa kilay ko. "Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala nagpapa-under sa'yo!" tukso ko pa dito.


"Hmm... tingnan nalang natin kung hanggang saan siya tatagal. Hindi kaya ako easy to get!" pagtataray naman nito sa akin sabay tawa namin pareho.


Matapos magkwentuhan ng mga non-sense na topic. Nakiusap naman ito na sabayan ko siyang kumain at tabihan ko siyang matulog. Ayaw ko sana eh! Pero tiklop din talaga ako sa tigre na ito.


"Anong iniisip mo? Mukhang ang lalim-lalim ah? At syanga pala, may utang ka pang kwento sa akin, tungkol sa inyo ni Lil!" excited naman nitong tanong. Nasa kama na niya kami at nakahiga lang na nakatingin sa kisame ng kwarto niya. Hay...napabuntong-hininga nalang ako at nagsimula ng ikwento sa kanya lahat.


"So kayo na?" excited na tanong na naman nito.


"Hindi eh..hindi pa... I mean may problema kasi Yuri eh! Nakita ko kasi si Faith kanina nung papunta ako sa apartment nina Yan at medyo nalilito ako sa nararamdaman ko kay Yan. May hindi pa ako sinasabi sa'yo, alam kong maraming beses mo na akong tinanong kung bakit ko nasabi kay Yan na flirt siya noong isang gabi sa bar at sa tingin ko nagseselos ako nun pero hindi lang yun ang dahilan nun"


"Anong ibig mong sabihin H?" nalilitong tanong nito.


"Nakita ko din si Faith nun sa likod ni Yan at may kasayaw na lalaki. Ibang-iba na siya sa Faith na nakilala natin noon. Mukhang malaki ang naging impluwensiya ng states sa kanya, yung pananamit niya, yung pagtawa at pagsasalita niya. Ibang-iba na talaga siya at yun din ang nagtrigger kaya nasabi ko yun kay Yan hindi yun intended for her but it is for Faith" pagpapaliwanag ko dito at shocked naman ang naging reaksyon nito sa sinabi ko.


*****

A/N: Anong masasabi niyo sa update? Honestly, hindi ko din alam saan papunta itong story na ito..hehe..

Thanks sa reads and votes :])

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon