Humugot muna sya ng malalim na hininga bago tumayo, para syang zombie na mahina ang katawan.

"Fck! Stop them! He'll kill her!" Dinig nyang wika ni Griffin kay Theron. Pero parang bato naman si Theron na walang pake alam.

She closed her eyes and took a deep breath again.

"Umatake ka naman Amaris! " Nang uuyam na sigaw ni Ray.

Habang nakapikit ang kanyang mga mata, naramdaman nya ang mabilis  na pag hilom sa loob ng kanyang katawan. She heard from her mother that the Barize clan have a very special healing ability. They can heal their internal wounds very fast.

Nang imulat nya ang kanyang mga mata, tuluyan ng nawala ang nararamdaman nyang sakit. Tanging ang mga sugat nya sa balat ang natitira.

"Kung hindi ka aatake, uunahan na kita!" Ray charged towards her again.

"Amaris!" Narinig nyang sigaw ng mga tao sa paligid nya, ngunit malinaw sa mga boses na yon ang tinig ni Griffin.

Naramdaman nya ang malakas na ihip ng hanging na dumaan sa kanyang mukha. At sa isang iglap, nasa harap na nya ito.

Parang napakabilis ng nangyayari, pero  sa mga mata nya ay tila dahan dahan ang galaw ni Ray. She can see her enemy's movement in a very slow motion.

Napangisi sya, at nawala naman ang ngisi ng kalaban nya nang makita ang ngisi sa kanyang labi. But it was already too late for him to step back, because it was her turn to return the favor.

Napakabilis ng kanyang mga kamay at sinunggaban  ito sa leeg saka ginamit ang buong pwersa na ibinato ang katawan nito. Ray was obviously taken aback at the amount of strength she has. Especially when he  couldn't prevent the huge blow his body is about to receive.

Naunang tumama sa lupa ang ulo ni Ray bago sumunod ang katawan nito. Narinig pa nila ang pagkakabali ng buto nito. Maraming napasinghap lalo na nang makita nila ang malaking gasgas sa mukha nito na ngayon ay nagsisimula ng dumugo ng malala.

Halos lahat ay natahimik dahil sa ginawa nya, lalo na ang mga midyears at lower year. Ngunit tila inaasahan na ng mga seniors ang ginawa nya dahil mas malala pa dito ang laban na pinag daanan nya noon para sa entrance exam nya.

"Tumayo ka dyan, nagsisimula palang tayo. Wag mong sabihin na yon lang ang kaya mo" wika nya sa kaaway habang naglalakad palapit dito.

Hirap na hirap na tumayo si Ray ngunit saktong nakatayo na ito ay nakalapit na sya. Hinawakan nya ito sa balikat at malakas na sinuntok sa sikmura kasabay ng isa pang suntok sa mukha.

As a rouge, sanay na syang makatanggap ng atake. Sa dami ng mga nakakalaban nila sa gubat, sanay na sanay na sya sa mga mabibilis at patalikod na atake. She fought many experienced wolves before, at walang binatbat si Ray sa kanila.

Kaunti palang ang nagagawa nya ngunit halos maligo na ito sa sariling dugo. But she's not satisfied yet. Sinubukan sya nitong suntukin at tinangkang makawala sa kanyang kamay ngunit nagmistulang mga bakal ang kamay nya na nakahawak sa leeg nito.  She saw him about to cheat, he was about to shift! Inunahan na nya ito at malakas na ibinalibag ang katawan nito sa lupa upang pigilan ito. 


Malakas na napasigaw sa sakit si Ray  pero wala syang pake alam. Pinagsisipa nya ito sa sikmura tulad ng ginawa nito sa kanya. Hanggang sa sumuka ito ng dugo, saka nya ito sinipa sa mukha. And just like what he did to her, she spat in his face before he lose his consciousness.


Habang naglalakad palapit sa instructor, pinunasan nya ang ilang dugo sa kanyang mukha.

"Challenge over! Amaris won!" The instructor announced. Many students cheered, but some are still speechless from the fight that ended quite fast.

Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now