Epilogue

885 34 18
                                    

After 3 years

Jane's POV

Antagal na rin pala when that incident happened. Nasa Canada kami ngayon, specifically in the cemetery.

"Hey, where's Maxine?" Kuya Jerome shouted kaya napalingon ako.

Then, a little girl hugged me.

"She's here, kuya Jerome!" I shouted back, tumawa naman ang batang nakayakap pa rin sakin.

Nakakatunaw ang gummy smile nito, sobrang cute. Also, it's cute how kuya intentionally named her first child after the name ng yumao kong asawa, Janella Maxine.

Flashback

"Jea!" Napasigaw na lang ako when I saw my wife covered with blood, natumba rin siya pero gladly nasalo ko siya.

She says something pero parang nabingi ako sa nangyayari, I just hold her while finding my phone dahil hindi ako marunong magmaneho.

"Brian, tulungan mo kami!"

"Huh? Anong nangyari?"

"Si Jea, Bry... She's bleeding." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Natataranta at the same time, natatakot ako para kay Jea dahil tatlo ang tama ng baril na nahawakan ko sa likod niya.

"Nandito kami sa pinakamalapit na mall sa subdivision." Nilibot ko ang mata ko at sa di kalayuan, I saw Jea's ex, Markus, na may hawak na baril at nagmamadaling pumasok ng kotse.

"Okay, papunta na kami, bestfriend!" I ended the call right away.

May mga lumapit na ring guard sa'min na tumawag din kaagad ng ambulance.

"Hey, love! Don't sleep, okay? May darating ng ambulance." I even hold her hands as an assurance, she just smiled at me despite the pain she felt.

Maya-maya pa ay nagsabay lang sila Brian at ang pagdating ng ambulansya. Nilagay na agad sa stretcher si Jea at sumama ako sa loob nito.

"Baby, hold on... Malapit na tayo." Nakasunod lang sa'min ang kotse nila kuya Jameson.

"Lo-love... If e-ever na I... I cannot make it, be brave ha..." Mula kanina umiiyak na ako pero mas lumuha ako sa sinabi niya ngayon.

"Baby hindi, mabubuhay ka, please... Hindi ko kakayanin na mawala ka!" Hinigpitan ko pa ang paghawak sa kamay niya.

"Do-don't cry... Kanina ka pa umiiyak. Also, you already suffered a lot because... Because of me..." Hinaplos niya naman ang mukha ko habang pansin ko na unti-unti nang bumibigat ang mata niya, tila papikit na siya.

"Wag ka na magsalita, love. Lalo ka lang mahihirapan." Namumutla na siya dahil marami na ring dugo ang nawala sa katawan niya.

"Le-let me love...

I-it's been exactly 60 days since you become my wife, baby... And... And I want you to know that those 60 days are the happiest days of my life... I am thankful that I met someone like you..." She gasped for air which is very painful to watch.

"I-It was a short time having you but... But it's the best and memorable days I ever had... I love ---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang napapikit... bumagsak na rin ang kamay niya...

"Janella, gumising ka! Hindi pwede!!!" I shaked her shoulder kasi hindi siya pwedeng matulog.

Nagsimula na siyang i-cpr ng isa sa kasama namin dito sa ambulance habang patuloy ako sa pag-iyak sa gilid.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now