01

2.4K 63 3
                                    

Jane's POV

"Hoy Jane, baka naman pwede kang magbayad ng utang niyo?! Ipapapulis ko na kayo!" Malakas na sigaw ni Mang Dodong, kinatok pa nito ang pinto na nagpamulat ng mata ko.

Agad-agad akong tumayo at binuksan ang aming pintuan.

"Mang Do naman, kaaga-aga high blood agad. Alam mo naman na hindi pa ako nakakapaghanap ng trabaho diba?" Malumanay na pagrarason ko.

"Kelan ba ako nahuli nang pagbibigay ng pera sa inyo? Nito lang diba nong natambay ako." Umakbay pa ako rito para mas kumalma/utuin ito.

"De Leon, ayusin mo ha. Hanapbuhay ko rin 'to, lahat tayo nahihirapan pero maging matino ka naman sa pagbabayad. 'Yong upa ng bayad wala pa, bayad sa kuryente at tubig wala din, tas ito pang utang mo nong nakaraan pa. Konti na lang papalayasin ko na kayo diyan, wala kong kinikita sa inyong maglola eh. Tsk." Umalis naman na si Mang Do pero napaupo na lang ako dito sa harap ng bahay namin.

Tama siya, baon na talaga kami sa utang. Bakit kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon.

To be honest, college graduate naman ako kaso mailap talaga siguro 'pag walang backer o connection.

Ang hirap talaga maging mahirap.

"Huy Jane, ano na naman 'yang iniisip mo? Kape ka muna." Si Brian na may hawak na dalawang baso ng kape, siniko pa ako nito dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Ang ganda-ganda mo tapos nakasimangot ka diyan." Pang-aasar pa nito, kahit kelan talaga epal 'tong bestfriend ko.

"Wushu, crush mo na naman ako. Akin na nga 'yang kape." Pumasok na ako sa bahay at umupo sa sofa, sumunod naman ito.

"Hoy, naka-move on na ko sa'yo no. Kasalanan ko bang walang talab kagwapuhan ko sa'yo kasi babae rin pala gusto mo HAHAHAHAHAHA" Tumawa na lang kami sa sinabi niya. Ang yabang talaga ng kumag na 'to.

Bilang bestfriend ko, sinabi ko na sa kaniya na bisexual ako. Out na rin ako kila lola at sa kapatid kong si Ding kaya wala ng problema doon.

"Buti ka pa kamo pulis ka na, samantalang ako tambay na naman. 'Langyang buhay 'to." Pag-iiba ko ng topic.

"Huh? Wala ka na namang trabaho?" Gulat na tanong nito.

"Di ko naman kasi alam na may toxic masculinity palang norm don sa office, bawal na nauungusan sila ng babae. Mga ewan, ayon tuloy, tinanggal ako."

"Alam mo, sundin mo na lang 'yong payo ng iba na mag-asawa ng matandang mayaman na madaling mamatay." Tumawa naman ito ng malakas.

"Pwede rin na maghanap ka ng AFAM, maganda ka naman eh. Maraming nagkakagusto sa'yo, gamitin mo 'yan."

'Yan, diyan siya magaling, ang asarin lang ako. Pasalamat lang talaga at kaibigan ko 'to.

"Wala na bang matinong sasabihin 'yang bibig mo? Kahit kelan ka talaga."

"Oh, Jane at Brian, aga niyo naman magsigising. Kumain na ba kayo?" Si Lola na kakabangon lang.

"Ayyy tapos na po ako 'la. Ligo na po pala muna, mag-7 na rin. Maligo ka na rin Jane, baho mo na." Tumayo na si Brian, nagmano muna kay lola at saka lumabas na rin.

Epal talaga 'to kahit kailan.

---

"La hayaan mo, gagawa ko ng paraan para makapaghanap agad ng trabaho." Hinawakan ko rin ang balikat niya at ngumiti.

Habang kumakain kasi kaming tatlo, naisipan ni lola na magtrabaho na lang ulit bilang labandera.

Syempre hindi ako papayag, matanda na siya, baka kung ano pang mangyari sa kaniya.

"Pero apo, palagi na lang ikaw ang kumikilos sa ating tatlo. Alam kong nahihirapan ka na rin kakaisip sa'min. Hindi mo kami obligasyon pero parang ikaw na sa lahat."

"Anong hindi obligasyon, la? Simula una ginagawa ko naman lahat 'to para sa inyo ng kapatid ko. Kaya natin 'to, la."

"Lola, ate, bumalik na lang kaya tayo sa probinsya? Doon mas maayos buhay natin. Medyo mahirap din pero andon din mga kamag-anak natin na alam kong tutulong sa'tin." Napatingin naman kami parehas ni lola kay Ding, tama siya. Doon mas okay buhay namin.

Gaya ng iba na galing probinsya, akala ko madali lang ang pakikipagsapalaran dito sa Maynila. Pero ibang-ibang nong nandito na kami.

Maraming opportunities pero marami ring kaagaw. Sa tulad ko na probinsyana, mahirap na makipagsabayan sa kanila.

"Babalik naman talaga tayo don, Ding. 'Wag kayong mag-alala, hintayin niyo lang ako na makapag-ipon para mapagamot ko muna kayo ni Lola. Pagkatapos non, doon na tayo sa probinsya for good."

Kaya lang naman kami pumunta dito sa Manila ay para mapagamot ko silang dalawa. Si Ding kasi ay bulag at si Lola naman maysakit sa puso.

"Basta apo 'wag mo rin gaanong pagurin sarili mo. Tulala ka kasi palagi. Bahala ka, baka mabaliw ka niyan." Joker 'tong si Lola minsan e HAHAHAHAHA

Nagtawanan na lang kaming tatlo at nagkwentuhan tungkol sa ibang bagay habang kumakain.

"Good morning ulit, Lola! Hi, Ding! Shout-out sa bestfriend ko!" Hayop talaga 'tong si Brian, shout-out amps, ginawa pa akong fan.

"Tignan niyo la, ang angas ko talaga sa uniform ko." Ang energetic talaga nitong si Brian, nag-macho pose pa, akala mo naman bagay.

"Ang pangit mo, muntimang." Walang gana ko namang sabi dito.

"Lola oh, salbahe na naman 'yang apo niyo sa'kin." Nagpa-cute pa talaga, kadiri. Tinignan rin siya ng ibang kapitbahay namin kasi nasa labas lang siya pero tumatawa/nangingiti naman sila sa'min.

"Kahit demonyo ka mahal kita pero as a friend lang ha. 'Wag ka umasa sa'kin." Dagdag pa nito.

"Kapal mo talaga, sino kayang umasa sa'ting dalawa?" Asar ko pabalik.

"Sabi ko nga, alis na ako lola at Ding. May nanri-realtalk dito."

"Ingat ka apo." Sabi ni Lola, nagsabi rin kami ni Ding sa kaniya.

"Pero bago ko po pala makalimutan, Jane handa mo resume mo bukas ha, ako bahala sa'yo." Sabi nito bago tuluyang umalis.

Joke lang pala na epal siya, dabest talaga 'tong bestfriend ko hihihihi

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now