13

1K 52 8
                                    

Jane's POV

"Loveeee, let's go!" Pagkasaradong-pagkasarado ko ng pinto, rinig ko na agad ang sigaw ni Jea.

Well, consistent na kasi siya na sunduin si Jude sa school para daw hindi na kami mainitan pa ng bata pag-uwi namin.

"Baliw ka, Jea! Rinig na rinig ka ng mga kapitbahay, nakakahiya." Nagmamadali na me para makapasok na kami sa sasakyan niya.

"Oh wow, so ikinakahiya mo na ako ngayon?" Tumaas pa ang isang kilay nito. Kakaupo lang namin ngayon sa loob ng kotse, binuksan niya pa kasi ako ng pinto.

Hindi ko na maintindihan, para akong baliw. Mapa-galit 'to, naiinis, cold or sweet, isa lang talaga nararamdaman ko, kilig. Weird no?

"Ang cute mo, Jea." Habang nakatitig ako sa kaniya, kita ko naman kung paano mamula ang pisngi niya. Pero nag-focus na lang siya sa pagmamaneho.

Mukha na kaming happy couple ano? Kaso, hindi talaga consistent eh. May mga times pa rin na sobrang cold or strict niya sa'kin pero okay lang, atleast ngayon hindi na siya rude.

"Labas na De Leon, we're here." See? Nagbago agad tawag niya sa'kin pati treatment pero still, respectful na. Pinagbuksan pa ako nito ng pinto.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa school ni Jude at may ilan-ilan na ring students na lumalabas.

"Babyyyyy, I miss youuu!" Sigaw ko habang nakabukas ang mga bisig dahil patakbo sa'min si Jude. Niyakap naman ako ng mahigpit ng bata.

"I miss you, too, mama; also you, mommy! Look at my stars, guys! I recited many times kanina." Pinakita nito ang dalawang braso niya na puno nga ng stars.

"Wow, my baby boy is intelligent talaga. Because of that, let's go to the mall!" Nagtatalon-talon naman ang bata dahil dito.

---

"Go, mommy! Talunin niyo po si mama Jane!" Nasa arcade kami ngayon, ang heaven para kay Jude.

May bet kasi kami, paramihan ng shoot ng bola. Kung sino ang panalo, ayon ang masusunod kung ano ang papanoorin naming movie sa sinehan.

Kampi sila ni Jude at pinili nila is Partners in Crime. Aliw na aliw kasi ang bata sa trailer at girl crush niya daw si Ivana Alavi. Ako naman, ang gusto ay ako si Jea jk! (AN: Movie siya ghourl?).

Pinili ko ay 'yong kay Nadine Lustre, Deleter. Gusto ko kasi ng horror, mystery and thriller movies.

"In your dreams, baby. Weak kaya mommy Jea mo, pero malakas sa'kin 'yan." Tinusok ko pa ng mahina ang tigiliran niya.

"Wala na, cheater, nandi-distract si mama Jane." Si Jea habang nagshu-shoot pa rin ng bola.

In fairness, hindi ko inexpect na kaya niya pala 'to. I mean, mukha kasi siyang puro office lang, keri niya pala mag-enjoy HAHAHA!

"Hala, we lost mommy." Naka-pout pa nga ito. Halata naman na kasi hindi naman lahat ng shinu-shoot ni Jea ay pumapasok sa ring.

"I'm sorry, baby. Watch na lang tayo ng want ni mama Jane mo. I'll cover your eyes na lang pag horror scene na lang."

"No need to do that. Kahit sino naman manalo, masusunod ang gusto ni... Jude!" Tinuro ko pa ito na parang 'yong sa mga magician pag lumalabas mga assistant nila, 'yong shina-shake 'yong kamay ganon.

"Yeheeey, thank you mama!" Well, okay lang naman sa'kin kahit ano ang panoorin actually. Sadyang competitive lang ako sa laro kaya gusto ko manalo hihihihi

"Pero before that, let's go muna sa third floor, I'll just buy a dress and other outfits since I have alis this week." Paliwanag ni Jea na tinanguan naman namin ni Jude.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaМесто, где живут истории. Откройте их для себя