32

796 33 0
                                    

Jane's POV

"Good morning, mahal! Kain ka na, pinagluto kita nong daing na sabi mong love mo!" Kakalabas ko lang ng bahay. Nagising ako na wala si Bella at Jude sa tabi ko.

Nakita ko naman agad ang dalawa sa hapagkainan. Nandito na rin sila ang mga kamag-anak at kaibigan ko.

"Good morning, San / Jane / bestfriends / apo / mama!" Hindi sabay pero ayan naririnig ko nang makaupo na ako.

"Wow, andami namang ulam. Marami kang huli tito?"

"Ayy nako... Magthank you ka dito kay Jea, nagrenta pa ng mas malaking bangka. Sinamahan niya ako pati sila Ali, Noah, Brian kaninang madaling-araw." Tumango na lang ako habang kumakain.

"Nagustuhan mo? Ako nagluto niyan." Nakangiti pa ito sa'kin. Pinipigilan ko naman na 'wag gaanong magpakita ng reaksyon.

Nasa iisang upuan lang kasi kami, nasa gitna namin si Jude.

"Ahhh... Kaya pala, mas gusto ko luto ni lola." Naubo naman si Brian dahil sa sinabi ko. Si Bella nailing tapos 'yong iba nabigla. Kita ko namang medyo lumungkot 'yong expression niya.

"Ganon ba... Lola Berta turuan mo ako para naman mas mag-enjoy 'tong Babi ko." Babi?!

Sabi mo kaya ayaw mo nong ganong endearment kasi baduy.

Chill, Jane. Bawal kiligin.

Tinukso naman nila kami dahil dito.

"Busog na ako, igib muna ako ng tubig pampaligo ko at ni Jude." Tumalikod na agad ako kasi nangingiti na talaga ako eh. May gripo naman dito sa bahay kaso wala talagang tubig ngayong araw.

"Ako na lang mag-iigib, kumain ka na muna rito." Jea please lang dahan-dahan naman, marupok ako oh.

"Wag na ate Maxine, kami na bahala." Si Caloy na nagpresenta.

"Ayy hindi na Loy, kumain ka diyan. Nakita ko naman na san banda 'yong poso eh." Kinuha na nga nito ang balde sa gilid ng bahay namin at naglakad ka.

Kawawa naman 'yon, hindi sanay sa mga ganiyan 'yon eh.

"San patulong naman sa bubuhatin ni Janella, sabihin mo utos ni lola Berta."

"Hala ka, dinamay mo pa talaga ako apo." Rinig kong sabi ni lola pero pumasok na rin ako sa loob ng bahay at naghanda ng damit para sa amin ni Jude.

---

"Binigyan ako ng flowers ni Maxine." Si Bella na tinabihan ako sa favourite part ko dito sa tabing-dagat.

After naming maligo, natulog din kami agad kasi inaantok pa talaga ako at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay Jea.

"Ay weh? So ikaw na gusto niya?"

"Gaga ka! Ansabog mo kausap HAHAHA! Peace offering kasi sa nangyari siguro ganon. Well, pinaliwanag ko lang na galit ako dahil sa ginawa niya, not directly to her. Kaibigan ko kayo at mahal ko kayo parehas so ayon, okay na kami." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Medyo nabawasan na isa sa mga iniisip ko like ayon, 'yong relationship ni Jea sa mga bestfriends niya naaapektuhan din dahil sa'min.

"I know na torn ka pa between papatawarin mo na ba or gusto mo ng more time to make sure if genuine pa mga actions niya. Kung ako rin nasa kalagayan mo, mahihirapan din akong pumili pero I think, it is better to choose the latter muna para may assurance ka."

"Tara guys, manginginas na tayo~" Ang energetic din talaga nitong si Noah eh. Tumayo na kami ni Bella at nagsimula na rin.

---

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now