14

1.1K 51 3
                                    

Pag-alis kagabi ni Jea, hindi naman ito nagkulang sa pakikipag-video call sa amin ni Jude. Dapat uuwi na nga siya kanina eh kaso nag-overnight sila sa condo ni Noah.

Tapos, ayaw na sana niyang sumama pa sa 3 days outing nilang magbe-bestfriend, gusto niya na lang daw dito sa bahay kaso hindi naman siya pinayagan ng dalawa kaya natuloy pa rin sila.

"Alam mo, halos kalahating buwan ka na nandito pero ngayon mo lang ako ininvite." Si Brian habang kumakain ng pizza na pina-deliver namin.

Actually, kahit magsabi si Jea na i-chat o tawagan siya pag may kailangan, hindi ko na ginagawa kasi binibigyan niya naman ako ng pera.

Oh diba, literal na sugar mommy. Kaya ayokong nagbibigay pa siya ng kung ano kila Lola kasi sobra-sobra na talaga. Nakakahiya.

"Eto naman, kada magkikita kami puro tampo." Siniko ko pa siya.

Hindi naman kasi ako makakapag-rebutt sa sinabi niya kasi totoo naman.

"Miss mo talaga ko siguro no?" Inasar ko pa ito.

"Aba'y syempre bestfriend! Wala na kayang sumisira ng araw ko ngayon." Hindi ba 'to nakakain ng ilang araw? Tinalo si Jude sa pagkain eh.

"Tito Brian, why don't you stay here na lang din po?" Ayyy, balak pa atang ampunin ni Jude si Brian HAHAHAHA

"Talaga, baby? You want tito to stay here na lang?" Ginulo pa nito ang buhok ng bata.

Medyo naging close na sila agad kasi kahit saan dalhin ng anak ko si Brian, go lang din ito. Tsaka, energetic din 'tong bestfriend ko kaya magkakasundo talaga sila ni Jude.

"Yes po, tito! Wala rin kasing tagalinis ng car ni mommy tsaka tagadilig ng halaman ni mama." Halos mabuga naman ni Brian ang iniinom niyang juice.

"Pigilan mo ko bestfriend, lumalaban ako sa bat--"

"HAHAHAHAHAHA oo nga no baby. Bagay sa tito Brian mo 'yong ganon. I-hire na lang natin siya." Mukhang nagjo-joke pero seryoso kasi mukha ni Jude kaya ginatungan ko pa.

"Aba'y loko kayong magnanay ha. Ako pa talaga ang pinagkaisahan. Lagot ka sa'kin Jude." Tumayo ito at unti-unting nilapitan si Jude kaya tumakbo naman ang bata. Ending, nagsimula na ulit sila magtakbuhan at magkilitian.

Tinignan ko na lamang sila habang iniisip kung ayos lang ba si Jea.

---

"Brian, diyan ka na sana mag-stay hanggat hindi pa ako nakakauwi. Okay lang ba?" Magkausap ngayon si Jea at Brian through video call.

Nasa sala ako at nag-aayos ng kinalat ng anak ko. Si Jude naman nasa lap ni Brian.

"Ah, eh... Wala kasi akong dalang damit ma'am Maxine. Hindi ko kasi alam na gagabihin ako rito." BWHAHAHAHAHAHA ewan ko ba pero parehas kami ni Brian na mej takot kay Jea kasi nakita na namin gaano siya kasungit, una pa lang, memories~

Nag-upgrade lang talaga level of closeness namin kaya mej sanay na ako.

"Hmmm... If that's the case, I'll call my secretary na para ibili ka ng damit. What do you need pa?"

"Also, don't call me ma'am na Brian; you're my wife's bestfriend." Ngumiti naman ito.

Hindi man ako gaanong kita sa screen pero natatawa ako kasi si Jude panay try ng kung anu-anong filter, buti hindi nadi-distract si Brian at ang mommy niya.

"Speaking about her, where's my wife?" Potacca, Jea. Pinapabilis mo na naman tibok ng puso ko.

"Tara na, Jude. OP na tayo dito. Bebetime na sila." Pang-aasar ni Brian habang ibinibigay sa'kin ang cellphone pero nag-make face lang ako sa kaniya.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon