33

787 35 0
                                    

Jane's POV

"Mama is it true po ba na you and mommy broke up na?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Jude. Nasa labas lang kami ng bahay para dito magpahangin, fresh air tsaka tipid pa sa kuryente.

"Huh? Saan mo naman narinig 'yan, baby?"

"Sa'yo po, when you are talking with Lola Berta last night. So, is it true po ba?" Hindi ko alam paano ipapaliwanag lahat kay Jude.

"No, baby. Mama and I are okay na po. We just argued back when we are in Manila pa pero ngayon, ayos na kami, right mama Jane?" Ang hilig sumulpot nitong babae na 'to pero buti na rin kasi hinotseat ako ng anak namin. Sabay pa akong tinignan ng mag-mommy.

Gusto kong hindi sumang-ayon kay Jea pero mas magandang alibi naman 'yong sinabi niya.

"Yeheeey! I thought you guys will be separated. Please mommy, be good na to mama Jane." Jude cupped Jea's face.

"I don't want other mama unless it's mama Jane, okay?" Kinikilig naman ako sa batang ito.

"Of course baby, me too! I only want mama Jane." Kumindat pa ito sa'kin pero nagpoker face lang ako bigla.

Bigla namang nagring 'yong phone ni Jea na sinagot niya rin agad.

"Hey, where are you na ba?"

"Okay, just tell me if malapit ka na sa place ha."

"Sge, ingat Juls!"

Ayan 'yong mga naririnig ko na nagpataas naman ng kilay ko. Sino si Juls?

Sa harap pa talaga namin ng anak natin, Jea?

"Love, gusto mo sumama? My friend which is also here in Cebu invited me to play volleyball kasi."

"Yes mommy, we'll watch and cheer you po ni mama!" Ayoko sana pero wala naman akong nagawa dahil pala-desisyon ang aming Jude.

---

"Tssss... Kung makayakap naman 'yan akala mo siya asawa." Nakakairita kasi eh, ayan pala 'yong friend na tinutukoy niya.

Ang ganda, mestiza ganon basta ang perfect tignan. Julia Barretto ang name nito. Nalaman ko rin kila Ali na muntik na 'tong maging girlfriend ni Jea kaso naudlot because mas pinili ng aking asawa na mag-focus sa pag-aaral.

"Hihiwalayan mo na diba bestfriend? Okay lang 'yan!" Sinamaan ko naman ng tingin si Brian.

"Talo ka na Jane oh, may pagpunas pa ng pawis eh."

"Isa ka pa, Noah. Kitang papatay na 'yong tingin ni Jane eh."

"Hindi ka nakakatulong, Ali. Baliw talaga kayong tatlo." Saway ni Bella.

"Pero unfairness Ja, mas sweet talaga siya kay Maxine. Well, kung ako rin naman mas matutuwa kapag ganyan." Nagtawanan naman silang apat.

"Ang gagaling niyo kamo, nakakagaan ng pakiramdam pinagsasabi niyo." Inirapan ko pa sila at tumingin na ulit sa laro nila Jea.

Hindi ko alam na magaling pala ito mag-volleyball. Grabe nga ang tilian eh, mapababae o lalaki eh. Ang ganda ba naman ng asawa ko tapos ang ganda rin ng Julia. Lahat talaga busog ang mata dahil dito.

Nagseselos na nga ako don kay Julia, naiinis pa ako sa tilian ng mga tao rito na tapos etong mga kaibigan ko grabe din 'yong ambag para pakalmahin ako.

"Mama, you're stil prettier naman po eh." Buti pa 'tong anak ko, yinakap at kiniss ko lang ang forehead nito.

---

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon