05

1.1K 67 7
                                    

Jane's POV

"Don't bother to assume, all of those sweet lines are fake. Andoon kasi 'yong Lola, kapatid at kaibigan mo and I don't have choice but to act." Kaaga-aga naman nito manakit.

Oo na, act nga lang.

Kasalukuyan kaming papunta ng airport para salubungin ang anak niya. Tapos na kaming magligpit at mag-ayos kanina ng mga damit ko.

We decided na kami ng anak niya ang magtatabi sa pagtulog kesa naman kami no, over my dead body.

Flashback

"I am going to sleep in right side, ikaw naman sa left side." Nag-iisip pa ito kung tama ba ang sinabi niya.

"Pinagsasabi mo? Sabi mo fake mag-asawa lang tayo, so bakit need na magkatabi tayo matulog?" Bara ko naman, siyempre no, conservative ako kahit papano.

"Sige nga, ano bang ginagawa ng mag-asawa? Sleeping in one bed diba?" Nag-rolled eyes pa ito.

"Wag kang mag-alala, I won't rape you pero if ever lang na want mo, go naman ako." Tinaas baba pa nito ang kilay niya.

"A-ang manyak mo, wala naman sa agreement natin 'yan."

"Sa laki ng bahay niyo, hindi ba pwede na doon ako sa ibang kwarto?"

"De Leon, Jude will not be convinced if we're sleeping in separate room, okay?"

"Owwww, better idea! Tabi na lang kami ni Jude matulog para maalagaan at makilala ko rin siya. No ifs and buts, uuwi ako sa'min bahala ka." Tumalikod na ako kahit rinig ko ang reklamo niya.

End of Flashback

"If Jude is not around, we can be casual naman. Ayokong trying hard ka to make me feel na mahal mo ako and vice versa." Aray naman, ano ba 'tong babae na 'to, sunod-sunod pananakit.

"I just want someone to take care of my Jude since tayong tatlo lang sa bahay." Dagdag pa nito.

Wala akong energy na sumagot pa kasi inaantok pa talaga ako to be honest. Hindi ko naman kasi nasunod 'yong sabi niya na don't sleep late kasi nag-o-overthink ako ano mga pwedeng mangyari kapag magkasama na talaga kami sa iisang bahay.

WAAAAH! Naloloka na ako.

"We're here, lumabas ka na." Hindi ko namalayan na pinagbuksan na pala ako nito ng pinto.

"Follow me." Yes, boss. Man of few words talaga eh.

Nakailang hakbang pa lang kami, tumigil na ito kaya nauntog ako sa likuran niya.

"Hold my hand, papunta na sila sa'tin." Bago ko pa gawin, siya na ang humawak ng kamay ko at naglakad na kami papunta sa isang bata na tumatakbo papalapit sa'min.

"Mommyyyyyy, I miss youuuu!!!!" Sigaw ng bata na binuhat ni Maxine at nagyakapan sila. Mukhang ito na nga si Jude, ang pogi.

"Hi, are you my mama Jane?" Bumaling ang tingin nito sa'kin, nakangiti pa ito.

"Yes baby, I am your mama Jane." Nakangiti kong sabi at yumakap ito sa'kin kaya sobrang magkadikit na kaming tatlo nila Maxine.

Hindi ko alam kung namamalik-mata ako pero nakita kong nginitian ako bigla ni Maxine pero nag-iwas din ito ng tingin, weird, imagination lang ata.

"Long time no see, mom and dad! Thank you for this." Niyakap naman ito Maxine kaya ako na ang bumuhat ngayon kay Jude. Okay, so sila pala ang naghatid sa bata.

"By the way, I want to introduce you to my wife, Jane." Napatingin naman sa'kin ang mag-asawa na talagang mahahalata mong elegante din.

"Love, my parents that officially your parents na rin." Anong love?!

Dama ko kung paano uminit ang pisngi ko, kainis talaga 'tong si Maxine.

"Nice meeting you po, Mr. and Mrs. Salvador." Nagmano pa ako sa mga ito para hindi nila mapansin ang kilig moments ko.

"Wow, you're wife is beautiful Max ha. Mana ka talaga sa'kin, magaling pumili." Umakbay pa ang daddy niya sa kaniya.

"Of course dad, hindi lang maganda 'yan, ma---" hindi ko na narinig dahil binulong niya na lang ito.

"Kayo talagang mag-ama, don't be so formal na nga iha, call us mom and dad na rin, okay?" Tumango naman ako rito.

"Anyway, we won't be here for long din anak. May appointments pa kami sa Macau and you know naman, I don't want to be late kaya we need to go."

"Jude, enjoy your stay here! Jane, tell me kapag pahirap 'tong asawa mo. Ingat kayo palagi!" Kiniss na nila kami at umalis na nga.

Grabe, ang welcoming ng family niya. Sayang, we're just a fake couple after all.

---

"Jane, wake up. Lunch is ready." Minulat ko naman ang mata ko at nakita ko si Maxine sa gilid, naka-apron pa. Cute.

"Ikaw nagluto? Sana ginising mo ako. Asan si Jude?"

"For the 1st question, yes. Tulo laway ka pa kaya hindi na kita ginising." Tumawa pa ito.

"Kapal mo naman."

"For the 2nd question, Jude is waiting for us kaya bangon ka na diyan." Nagmamadali naman akong bumangon at tumingin sa salamin.

"Wala ngang laway eh, epal talaga." Nag-ayos muna ako bago tuluyang bumaba.

"Hi, mama Jane! Are you fine lang po?" Ang cute at bait naman ng batang 'to, halatang hindi nagmana sa mommy niya.

"Yes baby, okay lang ako. You're so sweet po, pa-kish nga ako." With that, kiniss niya ang right cheeks ko.

"Jude, your mama Jane will take you tomorrow in the learning center near our subdivision." Ayyy, panira moment naman 'tong kakababa lang ng hagdan.

Teka nga, bakit nag-change outfit pa ito.

"You're leaving po, mommy?"

"Yes, I have a meeting with clients. Then, I'll go to work--"

"Maxine, it's your-- I mean, our first day kasama ang anak natin. Can you just postponed muna or kumain ka muna saglit para makasama ka namin." Call me assuming sa part na 'yan pero kasi sobrang halaga ba non para ipagpalit sa moment na 'to?

"Jude don't forget what I told you a while ago, okay?" Parang hangin lang 'yong sinabi ko, galing!

She just kiss Jude's forehead at umalis na nga.

Grabe naman 'tong si Maxine. Akala ko ba bonding para sa anak niya, mukhang work pa rin naman iniisip niya.

"Mama Jane, don't be shock na po. Baka mag-away pa po kasi kayo. Although, I miss mommy so much; she's always been like this. I think she hate me, mama."

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ