34

797 37 1
                                    

Jane's POV

Ngayong araw wala naman kaming ibang ginawa. As usual, si Jea nagluto ng pagkain namin. Siya rin nagte-take initiative na mag-igib ng tubig sa poso kasi palagi na lang nawawalan ng tubig pero syempre, lagi kong sinasabihan mga pinsan ko na tulungan siya.

Ayoko namang mapagod 'yon no, wawa naman.

Tapos ngayon since kakatapos lang namin kumain, nandito lang ako sa tapat ng bahay namin.

'Yong mga kaibigan namin at si Jude naglalaro ng saranggola kasama rin nila si Ding at iba pa naming pinsan. Ewan ko ba, wala kong energy ngayon kaya andito lang me.

"Hey, love! Okay ka lang?" Naputol naman ang pag-iisip ko dahil dumating na si lola at Jea galing palengke.

Grabe talaga 'to manuyo, hindi lang ako 'yong kinukuha ang loob eh. Maging mga kamag-anak ko. Hindi pa naman siya sanay sa mga ganitong gawin.

"Oum, okay lang ako." Maikli kong sabi at umiwas na rin ng tingin sa kaniya.

"Ako na po magpasok niyan lola, pahinga po muna kayo." See? Kaya ako na-fall eh.

Pero miski naman nong nasa Maynila na kami ganito naman na siya, I mean caring. Kaso ayon, sadyang naging ewan lang siya nong mga last days na ko don.

"Sabi ni lola gusto mo daw 'to." Inabot niya naman sa akin 'yong ensaymada ng Julie's Bakeshop. Totoo naman 'yong sinabi niya, since malayo mga panaderya dito. Truck ng Julie's lang palaging nakakapunta rito.

Hindi naman ako nagpabebe pa, kinuha at kinagat ko na ito.

"You really love that? If you want let's franchise a Julie's Bakeshop para may malapit dito sa inyo." Luh, ganito ba talaga mang-spoil ang mayaman?

"Hindi na." Syempre in character pa rin ako no.

"Good afternoon, Jane!" Shems, JC bat ka nandito.

"JC iho, kamusta ka? Maupo ka muna riyan kila Jane." Lola naman hindi marunong makiramdam dito.

"Okay lang po, lola! Eto po pala pasalubong galing po kasi sila papa sa Switzerland." Inabot naman nito ang isang malaking bag kay lola.

"Tssss... Showoff, yabang." Rinig kong bulong ni Jea, gusto kong matawa kasi ansama pa ng tingin nito.

"Nako iho nag-abala ka pa. Pasabi na lang na salamat sa mama't papa mo para dito."

"No big deal, lola. Alam mo namang parang pamilya na rin namin kayo."

"Gaya-gaya ng line." Iritado talaga 'tong si Jea kay JC, ang cuteeeeeee.

"Anyway, before I leave, I just want to invite you, Jane and your fam to Malapascua tomorrow."

"Hala, 'wag na JC, nakakahiya." Tanggi ko kasi syempre, ayokong ma-misunderstood niya kapag pumayag ako.

"Please, Jane. I just want you guys to have experience naman in other island, especially your so---"

"She already said no." Tumayo na si Jea.

Saglit naman siyang tinignan ni JC na masama na rin nag tingin pero tumingin din agad sa'kin.

"But I already rented a boat, Jane. I also reserve a hote---"

"Sabing ayaw niya nga daw." Mas lumapit ito kay JC.

"Don't worry, money is not an issue her---"

"Talagang money is not an issue here, magkano ba lahat? I'll just transfer it to your accou---"

"What if itigil niyo muna 'yang sagutan niyo? Gusto kong magpahinga pero mas nastress ako sa inyo." Napahawak pa ako sa ulo ko. Effective naman at naputol ang pagtatalo nilang dalawa.

"Ganito na lang, since you already planned na rin JC and gusto rin talaga ni Jude, sasama na kami; but 'wag mo sana bigyan ng kahit anong malisya 'yong pagsama ko. Please." Nag-yes at okay sign naman ito.

"Jane, I also have rented boat. Pwedeng don na lang tay---"

"Bakit? Sinabi ko bang sasama ka?" Duh, baka akala nitong si Jea goods na kami.

"But I thought family and friends mo sabi nito eh." Tinuro pa si JC.

Ang kulit mo, Jea.

"And? Feeling mo belong ka don?" Nakita ko namang lumungkot ang expression ng mukha nito.

Harsh ko na ba talaga? Sorry, Jea.

"If ever na gusto mo sumama, humiwalay ka na lang ng boat." Tumalikod na ako kasi masyado akong marupok para dito sa isa, baka hindi ko na kayanin at yakapin ko na ito.

---

"Ano ba naman 'yan, Janella?! Iinom tas hindi marunong magcontrol." Akay-akay ko ito ngayon papunta sa bahay nila Ricky, isa ko pang pinsan kung saan sila tumitira nila Brian.

After kasi nitong pumunta sa bahay kanina, nag-aya pala 'to ng inuman sa mga pinsan ko, kaya tuwang-tuwa talaga mga kamag-anak ko rito eh. Apakagaling!

Gabi na ngayon at kung hindi ko pa sila pupuntahan nila Brian sa bahay ng isa naming tito, hindi pa 'to titigil.

Malamang nag-aalala ako sa kaniya kasi totoo namang mahal ko pa rin siya. May tiwala naman ako sa mga pinsan at tito ko pero ayoko lang kasi na panay inom ito kasi ayan nga 'yong dahilan bakit nagbago siya sa'min eh.

Tinutukso pa kami ng mga pinsan, kaibigan at tito ko kanina pero hindi ako natutuwa. Ayokong maging sandalan niya lagi 'yong alak pag hindi siya okay.

Sila Brian, Noah at Ali naman andon pa, after nitong si Jea, sila naman aakayin ko isa-isa kasi lasing na talaga sila eh.

"Sorry na mahal, ansakit kasi nang naramdam ko kanina eh. Feeling ko mas love mo si JC." Nag-pout pa ito.

See? Pag malungkot siya, talagang inom ang gagawin niya.

"Di na ako baby mo?" Wag ka ngang gumanyan baka makalimutan kong galit pala ko sa'yo.

"Ano bang sinasabi mo diyan, magpahinga ka n--"

"Dito ka lang please." Hinawakan pa nito ang kamay ko kaya napatigil ako. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"May sasabihin ka ba?" Shems, namimiss ko 'tong kamay na 'to.

"Love, kailangan kita ngayon." Dugtong pa nito kaya umupo na ako sa tabi niya pero syempre, kunyare naiinis ako.

"Miss na miss na kita, Jane. Alam kong malaki 'yong kasalanan na nagawa ko sa'yo kaya deserve ko rin 'tong ganito pero sana hindi ka mawala sa'kin, hindi ko kaya." Umiiyak na ito habang niyayakap ako pero hindi ko siya niyayakap pabalik.

Miss na miss na rin kita, sobra.

"Bakit ka ba pumunta dito?" Halos hindi ako makahinga kasi eto lang 'yong time na mag-uusap kami in private.

"Para bumalik ka sa'ki--"

"I won't promise na babalikan kita dahil sa ginagawa mo." Tangina, pinapakomplikado ko pa ata 'yong situation namin pero gusto kong iparamdam na hindi na ako basta-bastang aamo na lang sa kaniya gaya ng dati.

Feeling ko maiiyak na ako kaya tumayo na rin ako.

"Pero if ever na si Jude ang habol mo, I'll give him naman kapag alam kong ready ka na para maging mommy niya. Alam ko namang wala akong laban sa kahit anong banda kasi ikaw ang biological mother."

"Alis na ako, kukunin ko pa sila Ali kila tito."

"Jane, just give me this week to prove how much I love you and kapag ayaw mo pa rin talaga, I will give up na...

Ang kaso, wala kong gusto na hindi ko nakuha."

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now