29

774 41 6
                                    

"Dito muna kayo Bella ha, sunduin lang namin si Jea." Dali-dali naman kaming pumasok nila Brian at Noah sa loob ng bar.

As usual, bubungad na agad dito ang amoy ng sigarilyo at alak. Ang foggy din ng area at maingay pero maganda because of different lights.

Hindi naman kami nahirapan na makita si Jea kahit andaming tao kasi nasa counter lang ito, mag-isa. Malayo pa kami rito pero kitang-kita na namin siya.

Nabigla kami nang biglang may lumapit na lalaki dito at yinakap si Jea, itinulak niya naman ito pero nagpumiglas ang lalaki at hinalikan siya sa labi...

Literal na hindi ako makahinga sa nararamdaman ko. Totoo pala 'yong parang may sumaksak sa puso mo.

Habang papalapit kami rito, mas nakikita ko ang halikan nila ng lalaki.

Kanina lang anlakas pa ng sounds dito sa bar pero ngayon, wala akong nararamdaman bukod sa sakit na 'di ko mapaliwanag.

Bumalik na lang ako sa ulirat nang biglang suntukin ni Brian ang lalaking humalik kay Jea. Nasaktan pero napahawak lang ito sa labi niya.

Ang bilis ng pangyayari kasi may dalawang kasama pala 'yong sinuntok ni Brian kaya lumapit din ito sa pwesto namin kay nagkaroon na ng gulo.

Si Brian at Noah doon sa dalawang kasama habang nasa gilid pa 'yong lalaki na pinupunasan ang dugo sa labi niya.

Hindi ko alam anong naisipan ko pero bigla akong kumuha ng bote at pinukpok ito sa ulo niya. Natumba ito pero hindi ako tumigil. Pinagsusuntok ko ito sa mukha hanggang sa tuluyan itong nawalan ng malay.

Naramdaman ko na lang na hinila ako nila Noah palabas ng bar.

Namamanhid ang katawan ko ngayon habang tumutulo lang ang luha ko.

To Bhoxsz Ali:

"Ali, please come. Kailangan kita."

Nakita kong nasa gilid si Jea at okay pa ito. So ano 'yon, sinadya niya ba 'yong kanina?

Walang nagsasalita sa amin. Si Bella at Jude naman, hawak kamay ko parehas.

Since malapit lang si Ali dito, mabilis siyang dumating. Dahil dito, dali-dali kong pinasakay si Jude at Bella sa sasakyan kahit naguguluhan na sila sa nangyayari.

Rinig ko namang sumigaw pa si Noah, Brian at Jea sa amin pero wala na akong pake.

"Mama, why are you crying po?" Tatlo kaming nasa likod (Ako, si Jude at Bella).

"Wala baby, napuwing si Mama. Ang usok kasi sa loob ng bar eh." Kiniss ko pa si Jude. Nakita ko naman sa tingin ni Ali at Bella na nag-aalala sila para sa'kin.

---

"Anak punta muna ikaw sa playroom mo, okay?" Utos ko agad kay Jude pagdating namin ng bahay. Sumunod naman agad ito kaya humagulgol na ako ng iyak.

Yinakap naman ako ni Bella at hinihimas naman ni Ali ang likod ko.

"Ali, pwede favor? Hindi kasi ako marunong, pwede bang ipa-book mo kami ng airplane ticket ni Jude papuntang Cebu." Gulat man pero tumango pa rin ito.

"Make it three, Li. Sasama ako kay Jane." Hinaplos naman nito ang balikat ko.

"Akyat na tayo, impake na natin damit niyo ni Jude." Umakyat naman kami kaagad at mabilis lang ang naging impake namin.

Dati, sa palabas ko lang nakikita 'yong ganitong scene pero ngayon, nararanasan ko na siya. Sobrang sakit.

Hindi ko alam na hahantong kami sa ganito kasi akala ko okay na kami ni Jea.

Alam ko namang may challenges sa relationship pero grabe naman 'to. Hindi lang ako naaapektuhan kasi nararanasan na din ng anak at mga kaibigan namin.

"Bella and Ali, thank you talaga." Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang luha ko.

"Sssshhhh... kaibigan mo kami Jane. Andito kami through ups and down." Bumaba naman agad kami kaya sinabihan ko si Bella at Ali na kunin si Jude sa playroom at dalhin na sa kotse.

Sakto naman na pagpasok nila sa kotse, dumating sila Noah, Brian at Jea.

"Tangina, ano 'to Jane?! Lalayasan mo ako?" Nabibigla na talaga ako sa pinapakitang ugali ni Jea, hindi siya 'to.

"Oo, Janella! Nahihirapan na ako sa'yo, nahihirapan na kami!" First time ko lang itong tawagin sa first name niya.

Ramdam ko ring nasa sa'kin na ang atensyon nilang lahat.

"Wala ngang problema dito sa pera pero papahirapan ka naman mentally and emotionally. Babalik na lang ako kila lola. Doon simple lang ang buhay pero masaya kami."

"Hindi mo ako pagmamay-ari, deserve ko rin na tratuhin ng tama. Sa probinsya mahirap 'yong buhay pero mas dama kong mahal ako ng mga tao don kaya uuwi na ako."

"Sige, ganyan naman kayo eh! Hindi niyo ko nauunawaan!"

"Ayon nga eh, kaya nga ipaunawa mo sa'min. Hindi 'yong mukha kaming tanga na palaging nag-a-adjust sa ugali mo kahit hindi namin alam anong rason non. Nakakagago ka na sa totoo lang."

"Kagaya ka rin pala ng iba eh, go, umalis ka na!" Sigaw pa nito.

"Kagaya ng iba? Janella, nag-stay ako... Tiniis ko lahat alam mo 'yan." Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko.

"Naging maayos na lahat diba? Okay na nga eh, masaya na tayo... kaso ang gara mo, mas worst ka pa sa dating ikaw."

"Akala ko pagod ka lang dahil sa trabaho kaya araw-araw akong nagtitiis, Janella. Araw-araw kong pinipili na manatili sa tabi mo kahit ansakit-sakit na..."

"Pero 'yon ang pagkakamali ko... sumosobra ka na... Kaya aalis na talaga ako pero isasama ko si Jude!"

"Anong sinasabi mo? Anak ko si Jude! Ikaw lang ang lumayas dito, 'wag mo idamay 'yong bata!"

"Tapos ano? Gagawin mo ding miserable 'yong buhay niya gaya ng iyo? Anak mo lang siya biologically pero mas naging nanay ako sa kaniya." Natahimik naman ito dahil sa sinabi ko kaya nagpatuloy na ako sa pagsasalita.

"Tapos 'yong sa kanina, ano? Masaya bang makipaghalikan sa iba? Since hindi mo makuha sa'kin kaya sa iba mo hinanap?"

"Akala ko ba asawa mo ako? Matalino ka namang tao diba pero bakit hindi mo iniisip nararamdaman ko?"

"Gustong-gusto ko na manatili sa tabi mo, gustong-gusto ko na ayusin 'yong kung ano man na dahilan bakit ka ganyan pero nade-drain na ako."

"Mahal kita Janella pero nakakapagod ka na kasi eh. Bakit ba ang hirap mong mahalin?" Nagcrack na 'yong boses ko sa part na 'to kaya naglakad na ako palabas ng pinto.

Pero bago ako tuluyang umalis kasama si Jude at Bella, humarap muna ulit ako sa kaniya. Ipinatong ko rin ang dalawang singsing na bigay niya sa table na nasa sala.

"The wedding is off. Ayoko na."

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now