28

831 32 0
                                    

Jane's POV

"Maganda sa side na 'to may lights din, baby Jude!" Si Bella na nagsa-suggest para saming garden date.

Kahapon kasi pagkauwi namin, nagtatampo pala ang anak namin kasi hindi daw siya kasama sa date namin kayo ayon, I promise today na magpa-family date kami sa garden kasama syempre sila Bella, Ali, Noah at Brian.

Sakto naman na nakauwi si Ali at Bella ng bandang 5:30 PM kaya natulungan nila kami ni Jude for preparation.

Sabi rin ni Bella na maaga daw umalis si Jea at nagmessage rin naman 'to, client meeting daw.

"Start ko na lutuin 'yong steak para all goods na later." Nagpunta na nga ako sa kusina.

"I'll help you na Jane." Sumunod naman si Bella sa'kin.

"Guys, alis lang ako ha. Bili lang ako ng wine for us and chocolate drinks for our baby." Dumiretso ito sa sasakyan niya at umalis na nga.

"So, anong feeling nang ikakasal ulit?" Sa araw-araw na magkasama kami ni Bella, nakaramdam ako na magkaroon ng love mula sa kapatid na babae. 'Yong tipong wala gaanong bargadulan, ang peaceful ganon.

"Nako... Hindi ko pa naiisip 'yan actually kasi hindi naman kasal priority naman ni Jea. I mean, gusto namin both kaso sa dami ng ginagawa niyo this season sa office, parang mahirap na mag-focus muna don."

Habang nag-uusap kami, syempre nagpe-prepare na kami ng mga kakainin later.

"Hmmm... Sabagay, hindi naman din need na i-rush kasi for sure, kayo na till last. Yieeee, JaneNella~"

"Baliw ka pero uyy, thank you Bella ha. Masaya ako na naging close kita. Sa'yo ko kaya nasasabi karamihan ng mga ino-overthink ko." Hindi naman sa bias pero kahit bestfriend ko si Brian, hindi ko masabi lahat sa kaniya gaya nong sa fake marriage, siguradong magwawala 'yon.

"Sobrang comfortable ko sa'yo kaya umaasa akong we're still friends kahit anong mangyari sa relasyon namin ni Jea."

"Ano ka ba? Oo naman no! Sobrang saya ko nga na may nakakausap akong gaya mo eh. Pag si Ali at Noah kasi puro asaran lang although caring naman sila tas si Maxine, ewan ko ba, parang andami niyang tinatago."

"Same thoughts, Bella. Nag-aalala ako kay Jea kasi feeling ko may tinatago siya eh. Not cheating but more of problem na wala siyang mapagsabihan."

"Pero hayaan mo, let's give Max some time para magsabi. Mas okay na nga siya ngayon kasi not malalang version na ng pagiging masikreto eh."

"Anyway, how come na naging magkaibigan kayo ni Jea? As far as I know, si Ali at Noah talaga bestfriends niya eh."

"Una pa lang naman, I attempted na to be with friends with her. Mabait naman kasi siya kaso ayon, ang bilis magbago ng mood. Because of that, napagod na rin akong i-close siya tinanggap ko na lang na boss-employee na lang talaga ang dynamics namin."

"But, there is one time na I saw her na umiiyak sa loob ng cubicle sa females cr sa office. So ayon, kinatok ko siya and suddenly, lumabas ba siya ng cubicle na umiiyak pa rin tapos yumakap na sa'kin. Syempre, I comforted her naman."

"After that moment, nag-open up na siya. Sa taong gaya ni Maxine na akala ko walang kinakatakutan, sobrang nagbago 'yong perception ko. Paunti-unti, I saw Maxine as someone na matapang not because of her attitude, but because of the sacrifices and struggles she face ng mag-isa lang. Simula noon, may mga times na nagiging shoulder to lean on niya ako; hanggang eto na nga, wala na akong choice at naging bestfriend niya na rin ako." Napangiti naman ako sa kwento niya.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora