02

1.5K 72 7
                                    

Jane's POV

"Jane, kumain ka na muna. Siguradong puro lakad ang gagawin niyo mamaya ni Brian." Rinig kong sabi ni Lola.

Nasa kwarto ako ngayon, nag-aayos. Well, kinakabahan din. Sana talaga maging smooth 'yong pag-a-apply ko sa kung saang lupalop man ako dadalhin ni Brian.

"Good morning, Lola at Ding! Jane, ready ka na?" Pumasok na ito sa bahay at dumiretso sa hapag kainan.

"Ang kapal naman ng mukha mo, hindi ka naman inaalok ni Lola, nauna ka pa diyan." Patuloy pa rin si Brian sa paglalagay ng kanin at ulam sa plato na dapat sa'kin.

"For sure naman aalukin ako ni Lola, inadvance ko lang, diba no la?" Joketime talaga 'to. Kumuha naman ako ng bagong plato at umupo na rin.

"Damihan mo pala Jane 'yong copies ng resume ha. Baka kasi hindi ka matanggap don sa unang pag-a-aplyan mo HAHAHAHAHA" asar nito sa'kin.

Napapangiti lang si Lola at Ding sa'min. Sanay naman na sila sa ganitong eksena sa araw-araw. Ang hirap talaga kapag may sapak sa utak ang bestfriend mo.

"HA HA HA patawa ka. Kitang kinakabahan na nga ko eh."

Pero syempre dahil advance din ako mag-isip, marami na talaga akong copies ng resume. Incase na hindi talaga ko matanggap, maghahanap pa rin me sa iba.

"Wag ka mag-alala Jane, nag-leave ako ngayon para sa'yo. Hanggat hindi ka nakakahanap ng trabaho, hindi tayo titigil ngayong araw." Assurance ni Brian sa'kin at ngumiti.

Kahit na parang aso't pusa kami, sobrang thankful ako na mayroon akong kaibigan gaya ni Brian.

---

"Basta Jane maging mabait ka ha. 'Wag mo pakita pagiging competitive tsaka kademonyohan mo." Ngumiti naman ako kay Brian, alam ko namang inaalis niya lang 'yong kaba ko ngayon.

Andito na kami ngayon sa labas ng building na pag-a-applyan ko. Sobrang nakakakaba, shet.

"Loko ka, paano ako maha-hire if hindi ako competitive tignan? Tsaka baliw 'to, parang ansama ko naman talagang tao." Tumatawa lang ito sa'kin.

Nang makapasok na kami sa building, mas narinig ko ang tibok ng puso ko.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Gusto mo hawakan kamay ko?" Dama niya siguro na nanginginig na kamay ko. Hindi naman ako tumatanggi at humawak na rin.

Dama ko na pinisil niya ito na dahilan para kahit papano, mabawasan kaba ko.

"Wag ka ma-fall sa'kin ha. Ginagawa ko 'to para hindi ka mukhang natatae na diyan." Asar na naman nito.

"Mukha ka nang fall kakabanggit mo niyan." Tsaka kinurot ko siya sa tagiliran.

Medyo nagiging okay na talaga ako ngayon kasi nakakalokohan ko si Brian.

Nang malapit na kami sa elevator, may nakabangga akong babae.

"Ayyy sorry miss, hindi ko sinasady--" mabilis na sabi ko kasi napalakas ata talaga pagbangga ko.

"Next time, if maglalandian kayo, 'wag sa workplace. Be professional, please." Maikli at masungit nitong sambit bago tuluyang pumasok sa elevator.

Natulala na lang kami ni Brian at imbes na makapasok rin kami sa elevator, naabutan kami ng pagsasara nito.

Pero bago 'yon tuluyang magsara, nagkatitigan kami nong babae.

Tanginaaaaa, ang gandaaaaaaaaa!

Black na may blonde 'yong buhok niya. Matangkad. Halatang classy ang pormahan. Matalim din ang tingin nito sa'kin. Mukhang galit nga ito dahil sa nangyari kanina.

Napatulala na lang ako nong nagsara na ang elevator.

"Act fool, act fool, act fool." Rinig kong sabi ni Brian.

"Anong sinabi mo? Baliw ka naman, inom ka na nga ng gamot mo."

"Akala mo ba hindi ko napansin? Halos matunaw si Miss Sungit sa tingin mo. Kulang na lang maglaway ka eh. Ganda ba?"

Gagi, halata ba? Shems. Nakakahiyaaaa!

"Hi-hindi ah. Ang sama nga ng ugali eh, nag-sorry na ko tsaka anong naglaway amps, tara na nga." Hinatak ko siya papasok ng elevator.

"Wala ka kasing cellphone at TikTok kaya hindi mo alam 'yong 'Act fool,' duuuuh." Bulong nito at ginaya pa nito 'yong mga spoiled brat sa tv.

---

"Go, Jane! Dito lang ako sa labas. Go for the gold!" Baliw talaga 'tong si Brian HAHAHAHA napangiti naman ako.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng office.

"Good afternoon po, ma'am Racelis." Nakangiting sabi ko. (AN: That's Bella in da haws hihihi)

"Good afternoon! Have a seat." Bungad ng HR staff na sinunod ko naman agad.

Binigay ko na rin agad ang resume ko.

"I'll be straight to the point na Ms. De Leon, actually kung ako lang ang masunod, hire ka na agad. Ang lakas sa'kin ng kaibigan mong si Brian eh." Kinikilig na sabi nito.

Mukhang nagamit na naman ng bestfriend ko ang kagwapuhan niya, pero sana hindi ito maging isa sa mga niloloko ng kumag na 'yon.

"Ang kaso, my boss want to see you." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Boss agad? Takte, bigtime position ba inaplyan ko? Bwisit talaga 'tong si Brian.

"Pa-prangkahin na kita ha. I don't really need your resume na kasi we already have a background check about you kahapon. You're okay naman based sa nalaman namin kaso ayon nga, my boss want to see you personally." Dagdag pa ni Ms. Racelis.

Kanina medyo nawala 'yong kaba ko kaso eto na naman. Okay lang naman sa'kin na mababang position basta may trabaho na agad. Bakit ganito huhuhuhu

Nakita kong may kinausap sa telepono si Ms. Racelis at tumingin ito sa'kin, mas umayos naman ako ng upo dahil dito.

"Okay, papunta na kami." Tumayo na ito sa swivel chair niya at syempre sumunod naman ako dahil dama ko naman na about sa'kin 'yong pinag-usapan nila.

---

Habang naglalakad kami, hindi ko na napigilan at hinawakan sa braso si Ms. Racelis.

"Ma'am okay lang po sa'kin kahit anong work, bakit po boss pa makakausap ko? Kinakabahan po kasi ako, baka masyado akong pinagmalaki ni Brian sa inyo. 'Wag po kayong magpaniwala sa mga sinabi non." Mahaba pero mabilis kong paliwanag.

She just chuckled but also touched my hands.

"Ms. De Leon, don't worry. Mabait 'yong boss natin, well minsan grumpy lang. Tsaka don't address me formally na nga since bestfriend ka ni Brian, call me Bella." Ngumiti ito at nagpatuloy na sa paglalakad kaya siyempre, sinundan ko na rin siya.

Nako naman, ano ba 'tong pinasok ko! Feeling ko ang putla ko na ngayon sa sobrang kaba.

"Ma'am Racelis, pasok na daw po kayo sa office sabi ni Madam." Siguro eto 'yong secretary ng boss namin. Bakit ganon, lahat sila dito ang ganda tsaka ang pogi. Required ba 'yon?

"Ah hindi na, Fia. I have tons of report din na gagawin for BIR. Ms. De Leon, enter the room na. Just remember what I said kanina." Kumindat pa ito at tinulak ako palapit sa pinto bago tuluyang umalis.

Kahit na nanginginig ang kamay ko, lakas loob na akong pumasok at sa bungad pa lang, kitang-kita ko na agad ang kanina ko pa kinakatakutan na boss...

Si Miss Sungit na sobrang ganda...

I love my life talagaaaaaaaa

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon