41

817 35 1
                                    

Jane's POV

"Sa wakas, nakatulog na rin." Bulong ko habang nakatingin kay Jea. Nakapatong ang ulo nito sa balikat ko.

Nasa private plane kami ngayon para mapadali ang pagpunta sa Canda, kung saan nakalamay ngayon si mom.

Simula kasi kahapon nong nalaman namin 'yong masamang balita, puro iyak na lang din ang ginawa ng misis ko. Pero buti na lang at marami kami kasi kahit papano, naging okay ang pakiramdam niya.

Flashback

"She passed away..." Halos manlamig ako dahil sa sinabi ni Jea.

"Huh? Sino nagsabi? Baka naman ---" Hindi ako naniniwala pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, humagulgol na si Maxine.

"Love, iniwan na ako ni mama..." Wala akong ibang maisip kung hindi yakapin ang aking asawa. Si Ali ay nayakap na rin sa'min at umiiyak na.

Lumapit naman ang iba naming kaibigan dahil dito.

"Anong nangyari?" Si Jake na nagtataka dahil wala nga silang ideya.

"Maxine's mother died..." Si Ali na nakatulala lang habang yakap kami. Nag-iyakan na rin ang iba naming kaibigan dahil dito.

Dahil sa malungkot na balita, tahimik lang kami na bumiyahe pauwi ng bahay. Hindi na kami nagmotor kasi baka maaksidente pa kami dahil tulala lang lahat. Hawak ko lang ang kamay ni Jea, yakap ko rin ito.

Nakakabigla. Paano? Totoo ba? Andaming tanong sa isip ko.

Fortunately, sinakay na kami ni JC using his car. Ipapakuha niya na lang daw 'yong mga motor.

"Lola, patay na po si mama..." Si Jea na humagulgol na naman pagkalabas namin ng sasakyan. Tumakbo ito na tila isang bata papunta kay Lola.

Gulat man, walang salitang lumabas sa bibig ni Lola. Niyakap lang nito si Jea. Lahat kami dito sa bahay ay nagsimula na namang mag-iyakan. Maging si Ding, mga pinsan ko, si Jake at JC, naluluha na rin.

Hindi ko alam anong magiging reaksyon ni Jude kasi natutulog pa ito ngayon. Sobrang napamahal pa naman ito sa lola niya in Jea's side kasi sila ang nagpalaki sa anak namin.

---

"Mga anak, kumain na muna kayo." Si Lola na dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. Sobrang tahimik lang talaga namin ngayon, walang naglalakas-loob na magsalita.

"Mahal, gusto mo na ba kumain?" Nakapatong pa rin ang ulo ni Jea sa balikat ko, patuloy lang sa pag-iyak. Umiling lang ito sa'kin kahit nakatulala lang siya.

"Sige lang po la, mamaya na po kami kakain." Ako na ang nagsalita kasi alam kong lahat kami walang gana.

"Ahmmm... La, punta po muna kami sa tabing-dagat." Si Ali na tila tinitignan kaming lahat upang sabihin na ilabas muna natin si Maxine para kahit mabawasan ang lungkot nito.

Naunawaan naman namin 'yon kaya tumayo rin kami. Inalalayan ko naman si Jea habang naglalakad kami.

"I am so busy with my life to the point I forgot that my parents are also growing old. So shame of me, masyado ko nang nilayo ang sarili ko sa kanila." Panimula ni Jea nang makaupo na kami. Nakatingin lang kaming lahat sa dagat.

Andito si Jake - JC - Brian - Ako - Jea - Bella - Noah - Ali. Bale, ganyan 'yong formation namin. Straight line lang.

"Ssshhhh... 'Di ka naman nagkulang sa kanila Max eh, sobrang proud kaya sa'yo si tita." Si Bella na naluluha na naman.

"Alam mo ba, there are times nga na pinapakita pa sa'kin non mga baby pictures mo pag pumupunta siya sa office eh." Dagdag pa nito.

"Sabi niya ikaw 'yong greatest gift niya kasi finally, may babae na rin siyang makakasama sa bahay. Plus, you're so special daw kasi matalino ka, maganda and have pure heart." Nailing pa ito, kita ko namang mas naluluha lang si Jea.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now