47

743 33 1
                                    

Jane's POV

Days have passed and we lived like a big happy family. Sa dami ba naman namin, literal na big family.

Andito pa rin ang lahat sa bahay, kami ni Jea, family niya, family ko, mga kaibigan namin, and lastly, mga anak namin.

"Mama, tingin mo pupunta si mommy ngayon?" Speaking of mga anak namin, nakakatuwa at comfortable na sa'min si Belle.

Nasa restaurant kami ngayon ni Noah at syempre, dahil may ipon na rin naman ako, nirentahan ko 'to para exclusive lang for our family.

About sa tinatanong ng panganay ko, medyo nagkaroon kasi kami ng argument ni Jea kagabi.

Flashback

Since nagwo-work na nga ang mga kaibigan namin, ang naghatid sa mga kamag-anak ko papuntang airport ay sila kuya Jameson, Ding and Jerome.

Need na nilang umuwi kasi syempre, may need din na asikasuhin sa probinsya tapos nag-aaral mga pinsan ko. May nakahanda na rin palang transportation sa pagbaba nila ng eroplano papunta sa barrio namin kaya less hassle na.

Si Belle at Jude naman sinundo na ni Jea tapos sinama niya rin sa work kasi gusto niya na maging aware ang mga anak namin sa field of work niya kahit bata pa ang mga ito.

Since malapit nang mag-dinner time, nakapagluto na rin ako. Katuwa nga kasi si Lola Berta at Daddy ang tumutulong sa'kin.

"Hi, everyone! We're home!" See, andito na nga ang mag-ina ko. Pumunta agad si Jea sa pwesto ko at yumakap sa'kin.

"Love, pawis pa ko." Pano ramdam kong nakasiksik agad ito sa leeg ko.

"It's fine love, I'll still smell you even though you're not taking a bath."

"You're not taking a bath ka diyan, naligo ako no!"

"Just kidding love, you're always mabango. Just let me hug you." Hinigpitan pa nito ang yakap.

Natawa naman ako kasi nasa harap lang namin ang mga bata na hindi pa ako nakikiss kasi nga inunahan ni Jea.

"Mommy, excuse me? Share mama with us!" Si Jude na hinihila pa ang damit ng asawa ko.

"I don't want to, she's only mine!" Ang childish talaga minsan ni Jea, natawa na kami ni Belle dahil sa inakto ng dalawa.

"Mama, mommy, akyat lang po ako. Ibaba ko lang po bag namin ni Jude." Kiniss na nga ako ni Belle sa pisngi at umakyat na sa kwarto nila.

"You're unfair, mommy. I won't play with you na." Si Jude na nakapout pa kaya lumapit na ako rito.

"Ang cute talaga ng bunso namin, how are you po?" Binuhat ko pa ito, si Jea naman naiiling na umakyat na rin, magbibihis siguro.

Umupo naman kami sa sofa para hintayin muna ang lahat bago kumain, nasanay kasi kami na sabay-sabay.

"Mama, si mommy po may kausap na guy kanina." Nagpintig naman agad ang tenga ko sa sinabi niya.

"When we're in office po, someone called her based on miss secretary kaya we went to the near coffee shop to met this guy. Tapos, he's so malandi po." Kumunot na agad ang noo ko dahil sa mga sumunod na narinig ko.

"Ayy nako mama, nagpa-picture pa nga po 'yon kay mommy tas ako pa inutusan. Well, I intentionally make it blurred." Si Belle na hindi ko napansin na nasa tabi na namin.

"Tapos, he gave this personal card para daw makapag-usap sila ni mommy. Buti na lang, Jude and I, already hide it para hindi siya makausap ni mommy. We've got your back, mama!" Nag-apir pa sila at saka binigay sa'kin ang isang maliit na card.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now