24

953 42 7
                                    

Kinabukasan

Jane's POV

Nagising ako na may nakaunan sa braso ko. Ang ganda talaga nito, hindi nakakasawa.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagsimula man kami na medyo kumplikado, malayong-malayo na ito sa mga nangyayari ngayon.

Thank you, Jea. Masaya ako na nakilala kita.

"It's too early to admire me again." Mahinang sabi nito na hindi ko nga sure kung ayon ba talaga ang sinabi niya.

"Huh? Anong sabi mo?"

"Aga-aga crush mo na agad ako?" Nakapikit pa rin ito pero yumakap na sa'kin.

"Aga-aga chansing ka na agad?" Yumakap naman ako pabalik.

"Chansing ba 'to? Parang nag-e-enjoy ka naman." Tumingin pa ito sa'kin.

Tumingin din ako pabalik, lumapit naman ang mukha nito sa akin at bigla niya akong hinalikan... sa noo. 'Wag kayo mag-expect mga beh.

Napangiti naman ako.

"Good morning, I love you." Inilapit lang nito ang noo niya sa noo ko kaya pumikit na lang ulit ako.

"Good morning. I love you, Jea." Response ko nang biglang bumukas ang pinto.

Bumagsak sina Ali, Noah, Brian, Bella at Jude sa harap ng kama namin.

"Bukas na pala 'yong pinto? Bat kasi 'di niyo napansin?"

"Ayan kasi, sabing 'wag diinan 'yong pinto."

"Etong si Bry eh, sumandal pa sa'kin."

Nagtalo pa nga ang tatlong itlog. Tumayo naman agad si Bella at Jude dahil sila 'yong nasa taas. Nagmamadali ding tumayo ang tatlo.

Nakatingin lang kaming dalawa ni Jea sa kanila pero magkayakap pa rin kami.

"Good morning, mommy and mama!"

"Good morning, Max and Jane!"

"Good morning, bestfriends!"

"Good morning, love birds!"

Sabay-sabay pa sila na nagsasalita na ewan, natataranta ganon.

"Explain." Nakatingin si Jea sa kanila pero nasa braso ko pa rin ito at magyakap pa rin kami.

"Tito Noah said kasi mommy na he heard something daw in your room kaya tito Ali and tito Bry became curious as well. Then, tito Bry also dragged us here sa pinto to eavesdrop na rin daw po." Tinuro pa nga nito ang pinto.

"Ang kulit nitong tatlo parang mga baliw eh. Syempre mag-asawa kayo, it's normal na to s--" Tinakpan na agad ng tatlong itlog ang bibig ni Bella.

"Hoy, grabe kayo kay Bella!" Natatawa kong sabi.

Ewan ko ba, chill lang naman kami ni Max kahit andito sila. Hindi nga kami nagulat nong bumagsak sila dito sa lapag eh. Wala naman silang mahuhuli duh~

"Alam niyo, 'yang iniisip niyong tatlo fake news, diba no love? Wala pang lumpuhan na nangyari." Napangisi naman si Jea sa sinabi ko, pinalo pa ako nito sa braso.

"Hoy, hindi naman kasi 'yon iniisip namin no. Green minded kayong tatlo. Tara na nga Bry at Ali." Aba'y napailing naman si Bella sa sinabi ni Noah. Kami pa talaga ha? Kapal niyooo.

"Indeed a good morning, let's go na love!" Hinila naman ako ni Jea at sinabayan na nga naming lumabas ng kwarto si Bella at Jude.

---

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora