22

994 47 0
                                    

Jane's POV

"Love, may lagnat si Jude. Naligo kasi kami ng ulan kanina, I'm so sorry." Pinatay ko na agad ang call, kinakabahan ako kasi baka magalit siya, kasalanan ko rin naman kasi.

Ang boba mo, Jane.

Flashback

Normal day lang naman, sinundo ko si Jude sa school. Nong nasa bahay na kami, biglang umulan kaya nag-aya ang bata na maligo daw kami.

Since gusto ko rin naman, naligo nga kami dito sa garden. Nilabas ko rin ang bike niya para mas mag-enjoy ito.

After naming maligo ng ulan, pinaliguan ko na agad siya sa cr para hindi magkasakit. Ang kulit pa nga niya kanina kasi after maligo, nagpunta agad sa playroom.

Kaso ayon, habang naglilinis ako ng mga kinalat namin sa labas since tumila na 'yong ulan, lumapit at yumakap ito.

"Mama, nilalamig po ako." Walang energy na sabi nito kaya kinapa ko agad ang noo nito.

"Hala ka, nilalagnat ka baby. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Pumasok agad kami sa loob ng bahay at ipinunta siya sa kwarto namin.

Nagmamadali agad akong kumuha ng gamot, tubig, ice bag at palanggana.

"Inumin mo muna 'to baby tapos higa muna ikaw." Sumunod naman ito kaya kinuha ko na rin ang thermometer sa drawer.

Inipit ko ang thermometer sa kili-kili niya, 38°C.

"May nararamdaman ka pang iba baby bukod sa nilalamig ka?" Nasa noo na nito ang ice bag.

"No na po mama, I am fine lang po, don't worry na." Nakapikit ito.

Nako Jude, don't worry talaga, paktay talaga ako kay Jea nito.

End of the flashback

"Anong nangyari, love?" Sa sobrang pag-aalala kay Jude, hindi ko namalayan na umuwi pala agad si Jea.

"Love sorry, hindi ko talaga alam na magkakasakit siya. 'Wag ka sana magalit." Naluluha na ako kasi dalawa iniisip ko. Una, si Jude. Pangalawa is 'yong magiging reaksyon ni Jea.

"Sssshhhh okay lang love, hindi ako galit." Yinakap naman ako nito kaya napaiyak na talaga ako.

"Ang pabaya ko talaga sorry, hindi ko naisip na magkakasakit 'yong bata dahil sa kagagawan ko." Hinaplos naman ni Jea ang likod ko habang magkayap pa rin.

Ang oa ko pero natatakot kasi ako kapag may nagkakasakit sa pamilya namin. Trauma na ako lalo na pag naaalala ko 'yong kay lola at Ding dati. Grabe kasi sila magkasakit, tipong sinusugod sa hospital.

"Mahal, ayos lang talaga. Nauunawaan ko... Tahan na." Hinalikan pa nito ang ulo ko.

"Pero teka nga, bakit ang init mo rin? May lagnat ka b---" Bago niya pa matuloy ang sinasabi niya, bigla na lang dumilim ang paningin ko at unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata.

---

"Oh my god, si Jude!" Ayan ang unang lumabas sa bibig ko pagkagising na pagkagising ko.

Nakatulog pala ako kanina? Wala na kasi akong matandaan.

Bigla namang sumakit ang ulo ko dahil sa biglaang bangon ko kaya napahawak ako rito.

Narinig ko naman ang sunod-sunod na footsteps na for sure kila Jude at Jea na.

"Mommy, mama is awake!" Sigaw ni Jude bago yumakap at tumabi sa akin. Hindi na gaanong mataas ang temperature nito kumpara kanina.

"Finally, how are you love? Sobra akong nag-alala sa'yo. I almost go na to hospital." Tumabi na rin sa akin si Jea. Nasa ibabang side siya ng kama umupo.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon