15

996 54 6
                                    

Kinaumagahan

Jane's POV

"Mama, when will mommy come home?" Pagkagising na pagkagising namin, ayon na agad ang tanong niya.

"I don't know baby, I'll text your mommy na lang later." Tumayo naman ako para magluto na ng breakfast sa'min.

To Love:

When ka uuwi?

From Love:

Why? Miss me agad?

To Love:

Jude asked kasi.

To Love:

Tsaka wow ha? Feeling! Sino kaya 'yong binuking ng mga kaibigan niya nong isang araw?

From Love:

K fine, maybe next week or hindi na talaga ako uuwi. Hindi pala ako miss ng bebe ko.

Luh, lately ang weird nitong si Jea. Bipolar. Minsan sweet, madalas ewan.

Binitawan ko na ang cellphone at inilagay ang hotdog, spam, fried rice and pancake sa table.

"Baby, let's eat na. Gisingin mo na si tito Brian mo."

"Okie dokie, mama! Tito Bry, wakie na po." Kiniss pa ni Jude ang mukha ni Brian kaya napangiti ako.

Effective naman ang ginawa niya kasi narinig ko ang tawa ng bestfriend ko.

"Ansarap pala matulog dito lalo na pag may Jude na bubungad sa'yo." Sabi nito nang makaupo na.

Napatitig naman ako sa mukha nito.

"Huy, bestfriend! May asawa ka na! Tsaka, wala na kong feelings sa'yo." Epal nito.

"Tangek, tignan mo mukha mo. Pwede ka na sa museum." Dali-dali naman itong pumunta sa malaking salamin namin bago mag-cr.

Si Jude hindi na mapigil ang tawa pero nagtago ito sa gilid ko.

"Mama, help me! Tito Bry will kill me." Ang cute talaga nito.

"Ayy nako ka baby, bakit mo naman ginawang drawing book ang mukha ni tito Brian." Natatawa na rin ako. Kaya pala tahimik ito kanina nong nagluluto ako, eto na pala ang pinagkaabalahan niya, ang guhitan ang mukha ng bestfriend ko.

"Judeeeeee, lagot ka talaga sa'kin!!!" At ayon na nga po, naghabulan na naman sila bago magsikain.

---

Dahil sobrang init ngayon, naisipan namin nila Brian na maligo na lang ulit sa pool. Tuwang-tuwa naman ang mokong kasi first time niya lang maligo sa pool na hindi nagbabayad ng entrance fee, loko-loko talaga.

"Hoy Brian, baliw ka! Pag ayan nagalusan, sinasabi ko talaga sa'yo. Wala akong pamalit diyan." Halos ihagis ba naman kasi si Jude sa pool at ang bata, tuwang-tuwa rin.

Ganito 'yong ginagawa namin dati nong naliligo kami sa dagat or ilog. Sa'min okay lang kahit may galos, pero kasi iba si Jude. Malilintikan ako sa mommy niya pag nagkataon.

"Sus, basic! Gawa na kasi kayo ng bago." Patuloy pa rin ito sa kalokohan niya.

Bakit ko ba naririnig 'yang ganyang suggestion huhuhuhu pwede ba, tama na po.

Never in my wildest dream!!!

"Bry, tignan mo muna. May nagdo-doorbell." Sinusubuan ko ng manggang hinog si Jude, pahinga muna daw sila sabi niya kay tito Brian niya.

"Ehhh, ikaw na. Baka makita pa nila sexy body ko." Naka-topless kasi ito pero wala namang abs, assuming lang. Ako naman naka t-shirt, wala naman si Jea eh, bakit ako magto-two-piece charot!

"Kahit kelan talaga 'to, kapikon." Pero tumayo na rin ako pumunta sa gate ng bahay.

"Hello po, sino pong hanap nila?"

"Good afternoon my beautiful neighbor! My name is Mara. 'Yong bahay namin is doon lang sa bandang bungad ng subdivision." Ngumiti lang ako rito.

"Nga pala, chocolates and flowers pala for you." Napatingin ako sa hawak niya.

"Hindi sa'kin galing 'yan ha! Baka ano pang isipin mo."

"Po, kanino daw galing?" Hindi ko pa tinatanggap unless galing kay Jea no. Syempre, loyal ako kahit fake couple lang kami.

"Ganito kasi 'yan, diba lagi kang naglalakad before papasok sa school kasama 'yong junakis mo. So ayon, crush ka daw ng pinsan ko, Richard name niya. Torpe nga lang."

"Tapos hindi ka na daw kasi niya nakikita recently kaya hinanap pa namin kung saan ka banda dito sa loob ng subdivision." Mahabang paliwanag nito na medyo uncomfortable me kasi hindi ko alam ano sasabihin ko.

"Sorry po ha, pero may asawa na po kasi ako." Nakita ko naman na nanlaki ang mata nito.

"Bat antagal mo?" Si Brian na nakasunod na.

"Siya ba asawa mo? Sorryyy. Akala ko talaga single mother ka kasi wala kaming nakikita na kasama mo lagi." Yumuko-yuko pa ito, natataranta rin siya.

"Ayy hindi po, may taste at standard naman ako... joke!" Sinamaan ako ng tingin ni Brian.

"Bestfriend ko po siya. 'Yong wife ko po nasa outing ngayon with her bestfriends."

"Wife? Omg, hindi ko alam. Si Ms. Salvador ba, tama?"

"Ahhh... Opo, si Maxine." Nahihiya ko pang sabi, pabebe 'yarn.

"Hala, sorry talaga miss. Sana hindi ka na-offend, sana hindi rin magalit si Ms. Salvador. Alis na ako ha." Nagmamadali naman itong tumakbo palayo ng bahay namin.

Kung ako rin naman siguro mahihiya pero okay lang naman 'yon.

"Haba talaga ng hair ng bestfriend ko."

---

"So, do you accept the flowers and chocolates?" Magka-video call kami ngayon ni Jea.

'Yong dalawa bagsak na after maligo kaya tahimik saglit ang buhay ko ngayon.

Kinuwento ko rin sa kaniya 'yong nangyari kanina.

"Of course not! May magseselos no, mahirap na."

"Says who? Hindi naman ako magseselo--"

"Ikaw ba tinutukoy ko?'

"Ahhh.. so you have another partner?" Tumaas pa kilay nito, cute.

"I don't know lang." Mas cute siya pag napipikon.

"You cheater."

*Call ended*

Hala, pinatay 'yong tawag. Lagot talaga ko nito.

To Love:

Nagbibiro lang, u know naman na ikaw lang love ko.

From Love:

As you should no, I'll kill you pag hindi.

From Love:

I love you too, night!

Halos mahagis ko naman ang cellphone dahil dito. WAAAAAAAH!

---

The next day

Habang nagdidilig ako ngayon ng mga halaman sa harap ng bahay, naaalala ko pa rin 'yong sabi ng magulang ni Jea.

Hindi nagkamali ang anak namin na pakasalan ka.

So that means ba na boto sila sa'kin for Jea? Hihihihi

Muntik naman akong mapatalon nang may yumakap sa'kin mula sa likuran ko.

"I miss you so much, De Leon."

60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentinaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن