44

729 28 0
                                    

Jane's POV

"Ate kinakabahan ako..." Bungad ni Ding nang makarating kami sa Roselaui. May mountain view rin ito gaya ng iba naming napuntahan kahapon, then may river. Sa ganitong lugar masarap magpicnic or date, tama ng desisyon ang kapatid ko.

"Ding, you look fine! I mean, you're handsome and the outfit is so lit. Of course, Maxine's craft is the best ✨" Jea encouraged him. Ginulo pa niya ang buhok ng kapatid ko.

Maka-craft naman parang siya gumawa, pero siya kasi naghanap ng isusuot ni Ding from the closet of kuya Jerome and Jameson.

"Trust me loverboy, etong babae na gusto mo, maglalaway sa'yo pag nakita ka." Si JC na oa rin i-support ang kapatid ko, may pahawak at masahe pa sa braso.

Kaming apat lang ngayon kasi tinamad na silang lahat na lumabas. Masakit din daw katawan nila kasi andami naming pinuntahan kahapon. Mas mabuti pa daw na magmovie marathon na lang.

"Ding wag ka maniwala sa kanila. Mukha ka pa rin namang ewan. Just don't be yourself na lang kasi." Pang-aasar ko.

"Ate naman, walang pakisama. Kitang kabado na ko."

"Biro lang! Alam ko namang magugustuhan ka non, personal man o sa chat. Mabait ka, gentleman, matured minsan and sige, sabihin na nating may itsura ka naman." Yinakap ko na ito na hindi naman niya tinanggihan.

"Sige na, pumunta ka na don sa specific meeting place niyo at mas maganda na ikaw mauna. Chat or text mo ko mamaya, enjoy!" Tumango naman ito at energetic na naglakad palayo sa amin.

"Hay nako... Third wheeling moment." Si JC na umupo na ngayon sa may bench na malapit dito.

"Truly, baka maging third wheel niyo ko." Sumbat ko agad kasi totoo naman. Andalas na nila mag-usap kasi medyo similar sila ng mga habits.

Mas jowa pa sila tignan eh, sanaol.

"Easy guys, don't argue because of me; but yeah, I cannot blame you both. Alam ko namang gold ako." Ngumisi pa ito bago umupo kaya nasa gitna namin siya ni JC.

Lately, mas nakikilala ko si Jea as funny and energetic person. Ibang-iba sa masungit and supladang asawa ko. Maybe, ganito talaga siya pag comfortable na siya to people around her.

"Feeling!" Sabay pa naming sabi ni JC kaya natawa kaming tatlo.

"Anyway guys, do you want to eat? I know a restaurant that serves fantastic food." Wala nang sagot-sagot tumayo na agad kami ni Jea kasi gutom na rin kami.

---

"I told you, masarap ang pagkain dito, 10/10" May pa-chef kiss pa itong si JC. Tumango naman si Jea. Sabi sa inyo eh, mas close na sila.

Kakatapos lang namin kumain ng mga Swiss cuisine, more on cheese, bread and macaroni 'yong inorder namin.

"Anyway, anong ganap after? Magtatagal pa ata ang loverboy natin." Ang energetic naman nitong si JC.

"Hmmm... You have point. Maybe we can joyride, flyer, glider or rodle. Switzerland offers numerous cool activi---" Hindi na tinapos ni Jea ang sasabihin niya nang mapansin niyang tahimik lang ako.

Hinawakan pa niya ang kamay ko under the table, pinisil niya rin ito kaya napatingin ako.

"You okay?" A concerning look which I nodded naman.

"Nahihilo lang love but I am fine naman." Ipinatong ko pa ang ulo ko sa balikat ni Jea.

"Hala, buntis lang?"

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now