"Asan ang flashdrive na bigay ni Darwin?"

"Nasa opisina niyo Sir. Nilagay ko po sa tabi ng laptop niyo."

"Anong sabi ni Kuya Enrique?"

"Sir, kayo na daw po ang bahala dahil busy daw po silang mag-asawa."

Tumango ako sa kanya at binalingan ang mga printed pictures na kuha sa photoshoot. Kinuha ko lahat ng pictures ng asawa ko at binigay sa kanila ang pictures ng ibang models.

"Sir?" takang tanong nila

"What? Did I told you that I will pick all the pictures that we will put on the magazine? Kayo na ang bahala dyan."

I looked at my wife's photos. She's really a goddess. Her pose are natural. Halatang stolen shots ang ibang pictures.

Kung pwede lang na hindi ilabas ang mga pictures niya na nakalingerie siya gagawin ko. Pero baka patayin ako non. She's right. She's a model. An international model to be exact.

"Darwin, delete my wife's photos on your camera."

"P-Po?" gulat na tanong nito

Hindi ko alam kung saan siya nagulat. Kung sa pagsasabi ko ng wife o sa pagpapabura ko ng litrato ng asawa ko.

"Just delete it when everything's done." madiin na sabi ko

"Y-Yes Sir!"

Binigay ko na sa kanila ang picture na napili ko at ang mga hindi ko napili, kinuha ko na. Mahirap na baka may ibang makakita dito. Sexy pa naman ng asawa ko. Tsk.

Ang hindi ko pinili eh yung mga medyo provocative at masyadong sexy. Ayokong pagpantasyahan ang asawa ko.

Nakapamulsa ako habang naglalakad papuntang elevator nang may makita akong pamilyar na pigura. They look arguing about something.

Lumapit ako dahil syempre siya ang nakita ko. Nope. Sila pala.

"What's happening here?"

Scarlett's POV

"MOM! WAKE UP! WAKE UP!"

I cussed on my mind. These kids keep on bugging me. Inaantok pa ako. Hindi ba nila alam na nagiging witch ako pag ginising habang masarap ang tulog ko.

"Get out sons. I'm still sleepy and I might eat you." inis na sabi ko sa kanila

"But mommy, we want to go to daddy's office!"

"Right! We will bring him lunch!"

"He's working. He's busy." palusot ko at nagtalukbong ng kumot

Niyugyog naman nila ako at pilit na hinihila ang kumot ko.

"Mom! Sige na, please!"

"We want to see him. We want to spend more time with him."

I sat down on what they said. Sabi ko nga, babawi sila sa mga oras na nawala sa kanila. Nag-ayos na ako para makapagluto ako ng lunch na dadalhin namin sa office ni Jack.

"Take a bath. I'll cook lunch for us."

"YEHEY! YOU'RE REALLY THE BEST MOM!" masayang sabi nila

Napangiti ako ng malawak sa sinabi nila. Hearing them happy is enough for me.

Bumaba na ako at nagluto ng mechado. Specialty ko ang mechado eh. Tsaka paborito ito ng kambal.

"Oh anak, nagluluto ka pala." sabi ni mom

"Yes mom. Kinulit ako nung kambal na puntahan sa opisina ang daddy nila kaya nagluluto ako ng lunch namin."

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now