Natahimik naman si Clyde at inayos ang nagkalat na papel. Ngunit makikita ang inis nito dahil sa pagpapahiya ng kaklase nila.



"Dahil pinunit mo yung notebook ni Amaris, ipahiram mo yung notebook mo para makopya nya. Wag kang aangal kase katangahan mo naman yan" wika ng isang seryosong kaklase nila.



"Hindi na" tanggi ni Amaris na ikinagulat nila.




"May quiz tayo sa isang araw, paano ka makakapag review? Just take Clyde's notebook" giit ng kaklase nila.



"Wala din namang silbi kung mahihiram ko notebook nya. Hindi ko rin naman maiintindihan yung pangit na penmanship nya." Sarkastikong wika nito na ikinasinghap ng karamihan.


"Anong sabi mo?" Pikon na wika ni Clyde pero agad itong inawat ng tumatawang kaibigan nito.



"Bro kalma lang. Pikon talo, ikaw naman nauna eh kaya wag kang mabwisit " tawang tawa na wika ng kaibigan.



Sya naman ay mahinang natatawa habang pinapanood ang pagkabwisit ng kaklase. Lalo pa tuloy itong naiinis dahil inaasar ito ng ibang kaklase nila.




Muli syang napatingin kay Amaris nang bigla itong tumayo at ibinigay ang papel na sinagutan nito sa kaklase nilang nabilinan na kumolekta sa mga papers nila. After that, Amaris left the classroom without looking back at them.




When lunch came, napapalingon sya dahil hindi nya makita si Amaris. Pagkatapos ng huling klase nila bago ang lunch, bigla itong nawala.




"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Aya sa kanya.




"Amaris...."tipid na sagot nya.



Napatigil sa pagsubo si Sage at kumunot noo "Bro, everyone knows how much your pack hates rouges. Walang rebelde ang nakakalabas ng buhay pag nakapasok sila sa teritoryo nyo. You all kill them mercilessly. So why are you looking for that rouge girl?"



Totoo lahat ng sinabi ni Sage pero nagkibit balikat lang sya "Wala, just curious what she's up to."




"Don't bother" wika ni Cyra" That girl is too poor to join us. She can't afford not even a single meal on this Academy. It's either she's out there starving herself or nagluto sya sa room nya. So cheap."



"Nagtataka nga kami eh. Kung bakit ipinipilit nyang mag aral dito kung wala naman syang gaanong pera" dagdag na wika ng isa pang kaklase nila. "She barely have money,  and many students doesn't like her. Why does she keep on trying to have something she doesn't deserve. It's not like she can gain respect and recognition after she leave this place."



"How did she even get in?" Nagtatakang tanong ni Aya.




" Nagtataka kayo?" Wika ng isang senior na nasa kabilang table lang at kanina pa pala nakikinig sa pinag uusapan nila.



Agad silang tumango dahil sa kuryosidad.



"You know that this Academy only accepts Alpha blooded children as students. Pero pag hindi alpha ang mga magulang mo, ang tanging paraan para makapasok ka ay dumaan sa test na ibibigay sayo.  The owner of this Academy doesn't want to tarnish the reputation of this school so naturally, ibinigay nya ang pinakamahirap na test kay Amaris. A fighting test, one on one fight with one of the best student.  Ofcourse we all expected her to fail, lalo na at ang makakalaban nya ay isa sa mga top students ng school. "




"She won?" Hindi makapaniwala na wika nya.



Their senior chuckle and shook his head "Hindi sya nanalo, pero hindi rin sya natalo. It was a tie. At dahil hindi natalo si Amaris, the owner acknowledged her skill and approved her admission. Honestly? Even other students acknowledge her, especially the seniors. But do you know what's funny? Kung hindi nila pinatigil ang laban noon, may pag asang nanalo sana si Amaris. But because she's a rouge and the opponent is an Alpha's son, malaking kahihiyan iyon sa pack pag nalaman nilang natalo ng isang rebeldeng lobo ang anak ng alpha nila."



Rise of the Hidden BloodWhere stories live. Discover now