"Haha oh diba. Effective ang ice breaker ko. So ngayon, pwede na kayong mag-usap ng masinsinan. Yun nga lang, nakatalikod si Harriet. Haha, anyway. Harriet, tutal naman ay ikaw ang may pasimula ng planong ito. Ikaw na ang magpaliwanag sa kanila." Utos ni manager kay Harriet.

Natigilan naman si Harriet. Inalis nya ang kamay nya sa ilong nya. Tsaka sya huminga ng malalim... eto na, malalaman na namin ang totoo... huminga ulit sya ng malalim pero napabuga din agad sya.

"Sh-t! Meron pa rin yung amoy!" ngiwi nya tsaka nagtakip ulit ng ilong.

=__=   ß reaksyon namin.

Grabe! Hanggang ngayon pala, nandyan pa ang amoy! FART is in the AIR nga naman!

"Haha. You'll survive Harriet. Nakasurvive ang EXO sa amoy na yan for almost 3 years. Wag kang mag-alala." Tawa ni manager, napapadyak pa sya sa sobrang galak.

=__=  ß reaksyon namin.

Napansin naman ni manager ang mukha namin kay nagseryoso na sya ulit. Lalo na ng makita nya ang nanlilisik na mata ni Tao(Chen). Mabuti naman.

"As I'm saying... sige Harriet. Ituloy mo ang kwento." Tikhim ni manager.

"First of all... gusto kong magsorry. Aminado ako. Ang balak ko naman talaga lahat ng nangyari. Planado iyon para lumayo kayo sa akin. Kahit pa ang masaktan kayo." mahinahon nyang panimula.

"Bago nyo ako husgahan, gusto kong malaman nyo na hindi ko intensyon ang lahat ng nangyari. Pero kailangan kong gawin. I was blackmailed. Yes, tama kayo ng narinig. May tao sa likod ng lahat ng ito. She's the one who's been telling me what to do. Idinaan nya ang lahat sa pambablackmail. Tao lang naman ako, syempre natakot ako. What would you expect?" she said with her voice almost cracking.

"Naipakilala na ako sa press. I had a wonderful debut on stage. Nagsimula na ring dumami ang humahanga sa akin. I've been receiving a lot of gifts galing sa mga fans. Until one day, nakatanggap ako ng isang box. Akala ko galing sa isang fan iyon, pero ng makita ko ang nilalaman niyon. Nagulat ako, kasi panay pictures iyon na kasama ko kayo, si Kai at si Chanyeol. The note says 'Be ready for more'.Natakot ako. Una kong inisip yung magiging epekto kapag lumabas ang mga pictures na iyon. At yun na nga yung mga pictures na kumalat sa internet."

"So wala akong nagawa. Hanggang sa may makita na naman akong note sa pintuan ng bahay ko saying na magpunta ako sa rooftop ng SM building. Yun din yung time na pinagtapat ni manager na alam nya ang sikreto nya, dahil na rin sa pagmamatyag nya sa inyo. Nagpunta ako, pinuntahan ko sya. Nagpakita sya sakin at sinabing alam nya ang sikreto nyo. At sasabihin nya sa lahat ang nalalaman nya. I tried to backfire her. Pero dun na nya ako binantaan na kapag hindi ko ginawa ang lahat ng gusto nya. Ay pipigilan nya kayong makabalik sa Pilipinas, at yun na nga ang nagyari kagabi."

Humihikbi na sya sa pag-iyak pero nagpatuloy pa din sya sa pagkukwento.

"Kinausap ko ng palihim si manager, tinulungan nya ako sa problema ko. Pinayuhan nya akong makiayon na lang sa nangyayari. Hanggang sa maaksidente ako. I know, hindi yun simpleng aksidente lang. Kagagawan nya iyon. Nasa hospital ako ng ipaalam ni manager na na-trace na nila ang naglagay ng bug sa cellphone ko. We had the smartest investigator. At dun, nakilala na namin kung sino sya. Tinuloy ko pa rin ang pagpapanggap para hindi nya mahalata ang plano."

"Dun ko na kayo pinalayo. Kailangang perfect ang pag-arte. Nakikita nya eh, may mata sya sa buong condo ko. May cctv's sa bawat sulok. Lagi ko syang kasama. Of course alam nya ang nangyayari. So I acted like a heartless person. Nagtagumpay naman ako. Hanggang kagabi, ng akala nyang magagawa nya ang balak nya. Dun ko naman sya naisahan."

"So I'm sorry if I had to do that."

Dun na sya nagbreakdown. Nilabas na nya ang lahat ng hinanakit nya. Parang ako pa yung mas nasasaktan kaysa kay Harriet. Nagsakripisyo sya para sa amin.

"I'm sorry Harriet." Si Chanyeol ang unang nagsabi.

~

Harriet POV

"I'm sorry Harriet." Naging sunod-sunod ang pagsabi nila nun. Lahat sila. Yes, lahat nga sila. Kahit nakatalikod ako sa kanila ay alam ko.

"No, hindi nyo kailangang magsorry. Naiintindihan ko kayo." Sabi ko na patuloy pa rin sa impit na paghikbi.

"No Harriet. We doubted you. Ang laki pala ng isinakripisyo mo pero mga masasakit na salita pa ang natanggap mo sa amin. For that we're sorry. Binabawi ko na ang sinabi kong mali kami ng pinagkatiwalaang tao. Kasi ngayon, tama pala. Tama na ikaw ang pinili namin, at salamat dahil dumating ka sa buhay namin." nilingon ko si Chen(Suho) na nakangiti na sa akin.

"Oh pano ba yan. Bati na tayo? Wala ng away?" sigaw ni Tao(Chen).

Napatawa na lang ako. Hindi ko talaga sila matitiis. "Sure. Bati na." sabi ko naman na tila nakikipagnegosasyon lang.

Bigla namang sumingit sa usapan si Chanyeol(Kai). "May hindi ka pa nasasabi Harriet... Sino sya? Sino ang nangblackmail sayo? Sino ang nanakit sayo?" he said in his serious tone.

Natigilan din maging ang mga kasamahan nya. Napatingin ako kay manager Heechul. Tinanguhan naman nya ako bilang pagbibigay ng permiso na sabihin ko sa EXO ang tinutukoy ni Kai.

Huminga muna ako ng malalim. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa ring isipin na sya ang nasa likod ng lahat ng ito.

"Si manager Dreya."

-

Someone's POV (Manager Dreya)

"Damn it! Paanong nakawala sila? Napakaiinutil nyo! Binayaran ko kayo para kidnappin ang EXO pero bumalik kayo dito na walang dala ni isa sa kanila?" i shouted at the goons in front of me.

"Natunugan kami ni FBI. Wala kaming magagawa. Nahuli nila ang iba sa amin. Nawalan na ako ng tauhan. At ni hindi mo pa nga kami nababayaran kaya wag mo kaming sumbatan!" sigaw din ng lalaking lider nila.

Aish bakit ba kasi ako nag-hire ng mga bobong tao.

"Umalis na nga kayo!" sigaw ko.

"Not until you pay us bitch!" nakangising sabi ng lider. Medyo kinutuban ako ng konti. Pero hindi ako nagpatinag.

"Oo na. Ilalagay ko sa account mo bukas. Lumayas na kayo!"

Umalis din naman sila.

Napaigting na lang ang panga ko.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now