Chapter 33: Stress Reliever

Start from the beginning
                                    

"How can a small baby like you take away all my stress?"

Iniwan niya muna ang anak niya at inayos ang mga pasalubong niya rito.  He bought his son dresses and toys. Lalabas sana siya upang kunin ang iba pang pinamili nang umiyak si Baby Samuel. Mabilis niyang nilapitan ito.

Nagising ito at nagpapahiwatig ng pag-iyak. Dahan dahan niyang kinarga ito. "Shhhsss..Don't cry, son. Daddy is here."

Lubos ang kagalakan niya ng makita ang maliit na labi nitong ngumiti. Parang sasabog ang puso niya sa kagalakan. Sabi nga nila, it takes someone special to be a dad. Sa simpleng ngiti nito, pakiramdam niya ay special siya. He was really thankful that he had been given a wonderful son.

Isinayaw sayaw niya ito. Ang ulo nito ay nakasandal sa dibdib niya. Niyakap niya ito. "Ang gwapo gwapo naman ng baby namin. Manang mana kay daddy." Nagpapadyak si Baby Samuel at tumawa tawa. Bungisngis talaga ito.

"Gutom ka na ba? Si daddy muna magtitimpla ng milk mo, okay? You drink na while we wait for Mommy." Lumapit siya sa bottle and milk. Alam niya kung paano magtimpla. He didn't learn how because it was needed. He willingly learned how to because he wanted to serve his son.

Umupo sila sa rocking chair malapit sa garden. He fed his baby. He was holding baby's bottle while his baby was looking at him. Ano kaya ang naiisip ng anak niya? Natawa siya. "Magkamukha tayo ano? Gwapo tayo 'di ba, anak?" nagboses baby pa siya. And, it was fun!

Pangiti ngiti ang anak niya sa kanya. Para tuloy talagang naiintidihan nito ang mga sinasabi niya. "You miss your mom? Me, too, anak. I wanna hug her tight like this. I wanna take care of her and I wanna be with her. Please support daddy, okay? I'll do everything to make her fall for me."

Tumitig ito sa kanya. Parang pilit nitong iniintindi ang sinasabi niya. "Promise, anak. I'll give you a happy family. We'll start a family. Me, you and Mommy. No matter what it takes, I will prove to her how much I love her."

Isang malakas na pagpadyak ang sagot sa kanya ni Baby Samuel. Natawa siya. "That's more than enough, Son."

[AMIA'S POV]

Hinatid si Amia ng driver ni Hena pauwi sa mansyon. Tumanggi siyang magpahatid kay Kurt. Nagmamdali siyang pumasok sa mansyon upang puntahan si ang anak niya na binilin muna niya sa yaya nito.

Narinig niya ang halakhal ng anak niya sa may garden. Lumapit siya doon. Tawa ng tawa ang anak niya habang karga karga ito ni Hiro. God, after a week of missing this guy,speechless siya.

"Hey..."

Lumunok muna siya bago sumagot kay Hiro. "H-Hello. Hindi ka man lang nagsabi na ngayon na pala ang dating mo." Lumapit siya sa mga ito at humalik siya sa anak niya. Ang lapit ng mukha nilang dalawa ni Hiro. Pinamulahan tuloy siya.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Ah, oo. Galing ako sa studio."

"Ah, yeah."

Natahimik na naman silang dalawa. "Kumusta 'yung pinuntahan mo dun?" Umupo siya sa isang upuang katabi nito.

"Okay lang. Puro conference and it was boring. Ikaw, kumusta 'yung photoshoot mo?"

"Nag-meeting kami kanina. Next week na 'yung pinaka-photoshoot namin kasi gusto ko munang pag-aralan mabuti bago ako sumabak."

Tumango-tango ito. "That's good. Are you having fun?"

"Saan? Sa modelling? Hmnn...Oo. Excited ako kasi magkakaroon ang ng experience dito na pwede kong ipagmalaki naman."

"You're perfect even without that, Amia."

Napatulala siya rito. He was staring at her. Para siyang malulusaw sa titig nito sa kanya. "Ah...salamat, Hiro."

"Welcome. May pasalubong nga pala ako sa'yo. S-Sana magustuhan mo."

"Ako? Nako hindi ka n asana nag-abala pa."

Ngumiti ito. At nagulat siya doon. Madalang niyang makita ang ngiti nito.

"It's no big deal, Amia. Lahat kayo rito may pasalubong."

"Salamat, Hiro."

"Welcome."

"Baka pagod ka na ako naman mag-babantay kay Alexander."

"No I am fine here. Na-miss ko rin siya, eh."

"Na-miss ka rin niya...." nauutal na sabi niya.

"Really?"

Tumango siya. "Tuwing umaga, lagi siyang nagigising at umiiyak. Ayun 'yung oras ng pag-alis mo. 'Di ba lagi mo siyang kinikiss bago ka umalis? Sabi ni Manang nasanay daw sayo kaya hinahanap hanap ka sa umaga."

Niyakap nito ang anak nila. What a perfect view!

"Talaga ba anak? Missed ko rin kayo...."

"H-Huh?"

"I mean, I missed him, too."

"Ahhh..oo. Wait lang ha magbibihis lang ako at saka ipapasok ko lang bag ko." Paalam niya.

"Ah, Amia...."

"Oh?"

Napaso siya sa tingin nito. "I miss you...."

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Where stories live. Discover now