"Si Tao hindi ko na kailanman nakitang magpractice ng wushu. Pero napansin ko ang madalas nyang pagbirit na kumanta. Si Chen naman ay laging seryoso. Sya dapat yung madalas na maloko eh, pero ngayon sya na yung responsable.

"Si Suho, imbes na magpakaleader, rubiks cube ang ginagawa, hello kitty ang pinagkakaabalahan. Si Luhan naman, napakadalas na magluto. As in sya na ang nagluluto every meal. Na ni minsan ay hindi ko inasahan.

"Si D.O laging nakakalimutan ang mga bagay-bagay. Si Lay naman laging nakaderp, napansin ko din ang pagimprove nya sa pagrarap. Pero bumaba naman ang peroformance nya sa dancing.

"Si Chanyeol ni minsan, hindi ko inasahan sa pagsasayaw. Tapos ngayon, sya na ang nangunguna sa rehearsals. Si Kai naman, hindi mo na maasahang sumayaw. Lagi na lang nagdodrawing.

"Si Kris madalas ng mabulol, madalas mag-aegyo. Ang weird. Si Sehun naman akala mo kung sinong matanda, kung makapagsalita tapos laging hawak ay baozi

"Si Xiumin halos hindi mapaghiwalay ng eyeliner nya, dapat baozi ang hawak nya eh. Si Baekhyun naman, akala mo ang laki ng katawan, kung makapag martial arts.

Tinignan nya ako ng mariin na parang hinahanap ang sagot sa akin.

"Now Harriet. Sinong hindi magtataka? Sa ikinikilos nila, sinong hindi maghihinala."

Tumawa sya ng malungkot tsaka tumingin sa itaas na para bang pinipigilang umiyak. Geez, hindi ko alam kung paano magpatahan ng weirdong matanda kaya wag dapat syang iiyak.

"Nakumpirma ko iyon ng makabalik na kami dito sa South Korea. Mas lalo kong napatunayan iyon ng magpunta ka dito, alam ko din ang lihim nyong pagkikita ng EXO."

"I came up with a conclusion base sa mga naobserbahan ko. Si Tao ay si Chen, si Chen ay si Suho, si Suho ay si Luhan, si Luhan ay si D.O, Si D.O ay si Lay, si Lay ay si Chanyeol."

"Si Chanyeol ay si Kai, si Kai ay si Kris, si Kris ay si Sehun, si Sehun ay si Xiumin, si Xiumin ay si Baekhyun, Si Baekhyun ay si Tao. Now, tell me Harriet. Did I miss anything?"

Hindi ako nakasagot agad. Akala ko ay hindi na sya matatapos sa rebelasyon nya.

"Yes manager. Tama ka. They've switched."

Napayuko na lang sya. nagulat na lang ako ng mag-angat sya ng tingin. Ang creepy. Bigla na lang kasi syang ngumiti.

"Wahaha! I knew it!! Sabi ko na nga ba. Ang poging manager na katulad ko ay hindi magkakamali Wahaha!" tili nya habang tumatalon sa couch.

O__O

Anyare?

"Wow! Paanong nangyari yun. Parang himala! Tell me more Harriet. Sabihin mo kung paano nangyari ang lahat.! Dali, em so eggzoited!!" tanong nya, bahagyang gumagalaw pa ang tenga nya na parang isang kuneho.

This manager is really weird.

At dun ko na naikwento sa kanya ang lahat. Mula umpisa. Nasabi ko na rin ang dapat gawin para makabalik sila sa dati at sinabi naman nyang sya na ang bahala dun.

End of flashback

~

Chanyeol POV

4 na oras ang tinagal ng byahe, 4 am na kami nakarating, may security na rin ng makalapag kami sa Pilipinas. Mahirap na kung malaman ng mga fans na nandito kami, baka magkagulo lang at hindi na namin maisagawa ang plano naming makabalik sa sarili namin.

Sinusundan lang namin si manager at Harriet, nangunguna sila sa paglakad. Sa isang simpleng hotel kami tumuloy. Walang imik si Harriet.

"So ito pala ang plano ni Harriet? Kaya nya tayo nilayuan?" nagtatakang tanong ni Sehun(Xiumin) hyung.

"Hindi rin siguro. Baka may iba pang dahilan yung paglayo nya." sagot naman ni Luhan(D.O).

"Oo nga. Ano namang mapapala nya kung lalayuan nya tayo, eh may plano na pala sila ni manager. Aish, kagulo." Napasabunot na lang si Xiumin(Baekhyun) sa kakaisip.

"There's a reason for everything. She wouldn't go this far it it wasn't." biglang sabi naman ni Kai(Kris) hyung.

Siguro nga, may dahilan ang lahat.

Apat na kwarto ang kinuha ni manager para sa amin, 3 members sa isang kwarto. Samantalang si Harriet at manager ay nasa tig-isang kwarto, na katapat din lang ng mga kwarto namin.

Kanina ko pa tinititigan si Harriet. Magmula sa eroplano, hanggang sa kotse, pati ngayon. I can't help it, I'm addicted to her. Kahit sa dinami-dami na ng nangyari, ganun pa rin yung nararamdaman ko.

Dineliver na lang ang breakfast namin, pagkatapos ng breakfast ay sinabihan na kami ni manager na magpahinga muna dahil 1 pm ang byahe namin papuntang Laguna. Right before dawn ang labas ng partial lunar eclipse. Nandoon na rin ang team ng mga experts para makatulong.

Nagpasya akong lumabas ng kwarto para kumuha o bumili ng tubig sa baba, tulog na ang mga kasama ko.

Pagbukas ko ng pinto ay sya ding pagbukas ng pintuan ng katapat ko, si Harriet. Medyo nagulat sya ng makita ako, pero agad din iyong nabawi tsaka sya naglakad.

No, hindi na sya makakawala ngayon.

Hinabol ko sya, nasa kalagitnaan na sya ng hagdanan ng maabutan ko sya. I immediately grabbed her right arm and pinned it to the wall, she tried to push me using her left hand pero kinuha ko din iyon at itinulad sa kabila nyang kamay. Now, she is completely helpless, napayuko na lang sya dahil hindi na sya makapalag.

"Why are you running away from me Harriet?" bulong ko sa kanya. Mas lumalim naman ang paghinga nya. Ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso nya. I'm glad that I have this effect on her.

"Look at me. Damn it. Sagutin mo yung tanong ko."

Napaigtad sya ng marinig ang mura ko kaya napatingin na rin sya sa akin.

"K-kasi nakakatakot ka."

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. She's afraid of me? Why? Dun naman ako nakaisip ng pilyong ideya.

"You should be Harriet. Cause right now, I really want to kiss you." I whispered using my husky voice.

Akala ko mas matatakot sya. But to my surprise, she leaned herself to me as she closes her eyes. Napatigil ako. She looks like she's submitting herself to me. Nakakatemp. Natetemp akong patulan.

Pinakawalan ko ang kamay nya tsaka ko pinitik ang noo nya. My pretty Harriet. Natawa na lang ako sa pagkunot ng noo nya, napanguso na lang sya ng magmulat sya ng mata dahil hindi nangyari ang inaasahan nya.

"Not today Harriet. Not now. Hindi kita hahalikan hanggang hindi pa ako nakakabalik sa katawan ko. Kay Lay hyung ang katawang ito, sa kanya ang labing ito. Trust me, gustong-gusto kitang halikan ngayon. Pero pag ginawa ko yun, para ka na ring hinalikan ni Lay hyung."

Namula naman ang pisngi nya sa sinabi ko. Maybe because of embarrassment. I don't know, all I really know is she looks pretty cute with her red cheeks.

"So wait till I get back to my body. Promise, pagkabalik na pagkabalik ko sa katawan ko. Ang unang gagawin ko ay ang halikan ka."

After saying that ay iniwan ko na sya. I smirked upon remembering her face. Maghintay k lang Harriet. Humanda ka sakin, pag nakabalik na ko.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now