ENDING

26 1 0
                                    

THE CHANCE'S
written by; Leiwrites

E N D I N G 


Naramdaman na lamang ni Crisha ang sariling nagugutom kaya nang magmulat sya ng mata ay takang napalinga linga sya kung bakit sya naroon sa kwarto nila ni Wreizz. Napaisip pa siya bigla ng huling maalalang nasa Paris sila at paanong nasa bahay na sila ng kuya niya?
Pero hindi na lang niya inisip 'yun dahil gutom na sya. Akmang babangon na sya mula sa pagkakahiga ng maramdamang may katabi pala siyang natutulog na ngayon ay nakayakap ang braso sa kanyang tiyan. Nilingon niya ito sa kanang bahagi ng kinahihigaan at napangiti siyang makita ang gwapong mukha ng asawa niya.

Eeeeehhh! Asawa niya?!
Parang gusto niyang tumili.

Sinong mag aakala na ang dating crush lang nya ngayon ay asawa niya na kahit noon pa lang ay alam niyang imposibleng mapasakanya ito. Lumakbay ang kamay niya sa gwapong mukha ni Wreizz na siya namang paggising  nito. Malapad ang ngiting tumingin ito sa kanya at agad na kinintalan ng halik ang kanyang noo.


Kaugalian na talaga ni Wreizz na halikan sya sa noo kapag bagong gising sila. At never itong naging absent sa kaugaliang 'yun simula ng maging mag asawa sila. Para sa kanya, para pa ding isang panaginip na nagkatotoo ang lahat ng pinapangarap niya noong bata pa sya.

Gumalaw sya ng konte para makaharap dito at yumakap sya sa bewang nito. Nagulat naman sya ng biglang pisilin ni Wreizz ang tiyan niya.


"B-bakit?"

Nagtataka sya. Maraming morning mannerism si Wreizz nandun na 'yung hahalikan sya sa noo, hahawakan siya kahit sa anong parts ng katawan niya para mag-do sila pero ngayon, nagtataka siya. Pinipisil nito ang tiyan niya although ineexpect niyang ang kamay nito mapunta sa kanyang dibdib hanggang sa mangyari na ang spg pero ngayon, nagtataka sya. Kasabay pa ng pagtwinkle eyes nito.
Na para bang natutuwa ito sa isang bagay na ipinagtataka nya.

"Thank you, baby."

"Huh? For what?"

Bigla nitong hinalikan ang pisngi niya hanggang sa napunta ang paghalik nito sa may tenga niya magpoprotesta na sana siya ng biglang may ibinulong ito na ikinatigil niya na parang tumigil ang mundo niya.

"Because you're pregnant baby. I'm going to be a father and I love you so much for that."

Dahil siguro sa hindi ako makapaniwala sa nalaman ko'y biglang nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura ko kaya mabilis na napabangon sya at tinungo ang banyo sa kwarto. Sumusuka siya kahit na tubig lang ang naisusuka niya. Bigla ding sumakit ang ulo niya at nanghihina ang katawan niya. Bigla niyang naramdaman ang kamay na humahagod sa likuran niya and it was her husband. Nilingon niya ito at parang gusto niyang maiyak sa nakitang pag aalala ng itsura ni Wreizz.

Kaya naman magsasalita pa sana siya ng masuka na naman sya. Mabilis ang reflex ni Wreizz dahil naramdaman na lang niyang tinalian ni Wreizz ang kanyang buhok habang hinahagod pa din sya sa likod. Pinagpapawisan na siya ng malagkit. Ano bang nangyayari sa kanya? Bigla niyang inalala ang ibinulong ni Wreizz sa kanya at napangiting nilingon nya ang asawa.

"I..I'm  pregnant?"


Tumango lang ito bagaman nakangiting nag aalala pa din. Gusto na niyang tumayo para magdiwang kaso nasusuka na naman sya. Lalo pa't amoy niya ang amoy ng mga toiletries na nasa loob ng banyo. Mabango ang lahat kaso ngayon nasu-suffocate sya sa amoy. Symptoms kaya ito ng pagiging buntis?

Makalipas lang ang ilang minuto ay nawalan na sya ng lakas matapos magsususuka. Ni hindi na niya nagawang linisin  ang mukha niya buti na lang ang asawa niya ang kasama niya at ito ang mismong naglinis sa mukha niya. Hinilamusan at pinagmugmog.  Napasandal na lang sya sa dibdib ni Wreizz at naramdaman na lang niyang binuhat sya nito pabalik sa kama nila.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now