CHAPTER 20

17 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

Chapter 20

CRISHA already realized how much she loved her boyfriend. Mistulang lumalabas lahat ng katangian niyang pandidirian siguro ng mga bitter dahil palala ng palala ang pagiging sweet niya at nagiging clingy na din sya publicly.  Parang wala na siyang hiya sa lahat basta kapag kasama niya si Wreizz, wala siyang pakialam sa ibang tao. Naisip niyang baka ito talaga ang totoong definition ng love.
Naipaliwanag na din ng binata sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Cia dito ng "honey" kaya hindi na daw siya dapat pang magselos. Kung meron mang mga babaeng nalilink dito, lagi niyang tatandaan na parte daw ng kagwapuhan  nito kaya hindi niya naiwasang sabunutan ang buhok ni Wreizz.

Eeksena ba naman ang kabaliwan  nito, grabe na talaga  ang angking galing ng pagiging siraulo ng kuya Aether niya, paano ba naman ang boyfriend niya ata ang second in place sa kaabnormalan. Idagdag pa siya na hindi marunong magmatured. Anong saysay ng loveteam nila ni Wreizz kung sya na brat lang at ito na gwapo nga pero kabaliwan at kaweirduhan ang alam. Paano na lang ang future nila? Pero bakit ang gaan ng lovelife  nila ni Wreizz? Naalala niya pa noong magkwentuhan ang asawa ng mga kuya niya. Nalaman niya ang mga kwento ng mga ito. Ang love story nila Chance at Cecaurus, Hadern at Czizea, Aether at Kwyn. Bawat love story na nalaman niya sa mga ito ay puro dumanas  ng sakit. Sa kuya Chance niyang pinipilit ipakasal sa taong di nito gusto hanggang sa makilala ang ate Cecaurus na may paghihiganti pa lang plano. Pero sa huli, nagka happy ending din ang mga ito. Tapos ang sa kuya H niya at sa pinsan ng ate Cecaurus niya  na si ate Czizea, Dahil  lang sa pitaka nahanap ng kuya H niya ang mamahalin nito pero nakakabwisit lang yung pagkakataon na hindi handang maging ama ito sa magiging anak nila ni Czizea. Napailing sya sa naalala pero napaisip din agad, Sa story pa lang ng dalawa masyado na siyang nasasaktan sa part na hindi pananagutan ang baby. Gago talaga ang kuya H niya pero masyadong mapaglaro ang tadhana dahil sa huli, nagka happy ending din ang mga ito. Ang kuya Aether niya na hindi nya aakalain na iba pala dumiskarte base sa salaysay ng ate Kwyn niya, sinarado mismo nito ang butones ng damit ng ate Kwyn niya dahil sa hindi okay tignan.  Kalaunan, dumanas ng sobra sobrang pag aalala pagkalungkot ang sinapit ng love story nila dahil sa sakit sa puso ng ate kwyn niya. Nung marinig niyang kinukwento 'yun ay halos lahat silang mga babae ay nagsisiiyakan. Ang buong akala nila ay mamamatay na ang ate kwyn nya pero masyadong swerte sa buhay ito dahil nabigyan ng Chance at sa huli, naging happy ending din ang dalawa. Ang ate Nefrie at Ate Kaz lang niya ang hindi niya alam ang love story dahil hindi ito gaanong makwento.

Hindi niya namalayan tumutulo na pala ang luha niya habang nasa harap ng salamin. Masyadong maganda ang buhay niya, may magulang sya, may kuya siyang doctor, may kuya kuyahan siyang mayayaman, may boyfriend siyang piloto  at habulin  pa ng mga babae. Masyado na hata siyang swerte sa buhay.  Wala pa siyang pinagdadaanang gaya ng napagdaanan ng buhay ng mga kuya kuyahan niya. Pero hindi niya din gustong may mangyaring hindi maganda sa buhay niya pero bakit parang may pakiramdam siyang parang may... hindi niya mawari kung ano. Pero ang pakiramdam niya ay halatang pag alala. Hindi siya naniniwala sa kasabihan ng Girl instint kahit pa babae sya. Masyadong nakakapahamak ng utak ang ganun.  Dahil sa iniisip ay nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya at nagmessage si Wreizz.

Ngiting ngiti naman na chineck nya 'yun agad at biglang nawala ang ngiti sa mukha niya sa nabasang message.

From; boyfie

Let's break up. I'm  tired.

Gusto sana niyang tawagan ito agad pero naisip niyang baka wala ng matirang pride sa kanya. Siya lang kasi. Mula pa sa simula siya lang talaga itong obvious na may pagtingin dito. Pero natawa siya bigla. Kanina lang iniisip niya kung bakit ang love story nila ni Wreizz masyadong smooth lang at walang hindrance tapos maya't maya heto ang nangyari?

Seryoso Wreizz? Nakikipagbreak ka sakin through phone at ang kapal ng mukha mong makipagbreak sakin through phone lang! Ang duwag mo!

Gusto niyang isigaw sa salamin pero nagtimpi sya, sa isip isip na lamang niyang kinimkim. Kitang kita niya ang kanyang itsura sa salamin. Ganito ba ang mukha ng taong hiniwalayan? Hanggang sa may narealize siya.

Let's break up. I'm tired.

Let's break up.  I'm tired.

Let's break up. I'm tired.

Anong ibig sabihin niya sa pagod na siya? Wala namang nakakapagod sa pagmamahalan nila bilang boyfriend girlfriend kaya bakit ito mapapagod?

O baka dahil sa pagod talaga itong magpretend na magjowa sila? Na ang totoo, hindi naman talaga sya gusto nito. Na hindi talaga sya nito mahal dahil ni minsan, sa ilang months na magkasama sila, ni minsan hindi nito sinabi sa kanya kung gano sya nito kamahal.

Napailing sya sa realization at unti unting pumatak ang luha sa mga mata niya. Bakit ganun? Ang pag aalala niya ba na naramdaman kanina ay para pala sa kanya?
Bakit ang sakit naman.
Wala siyang idea kung anong dahilan ni Wreizz para hiwalayan sya nito pero para lang makabawi ay buong lakas na nagtype sya ng reply dito.

To; Boyfie

I don't like you! I'm breaking up to you!
wag na wag kang magpapakita sakin dahil kung hindi, malalaman mo. Let's end it here!

Pagkasend nun ay tuluyan na siyang napaiyak.
Dahil na din sa sakit na naramdaman, ang lahat ng mga bagay na nasa harapan niya ay pinaghahagis niya. Nakarinig naman siya ng sunod na sunod na katok mula sa pinto niya pero binalewala niya.

Ang sakit.

Mas masakit pala talagang ibreak ka ng lalaki.

Matapos nilang magpakita ng motibo na gusto ka nila ayun, iiwanan ka din naman pala. Parang gusto niyang isampal sa mukha ni Wreizz ang gusto niyang sabihin na sana, kung hindi ito nag iwan ng mga salitang gusto sya nito di sana, tuloy tuloy lang ang buhay niya na walang special someone sa paligid niya di sana, hindi siya luhaan gaya ngayon. At lahat ng may kasalanan ng nangyayari na ito ay dahil sa kanya din. Masyado siyang naging marupok.

Masyado niyang inalagaan ang sarili na wag masaktan ang puso niya pero heto, wala. Unexpected. Nasasaktan siya.
Sumigaw na sya sa sobrang frustration hanggang sa naalala niya ang sleeping pills na binigay sa kanya ng kuya niya sa tuwing inaatake sya ng insomnia,  dali daling tumayo sya at hinanap sa kabinet nya bago pa mahanap 'yun napansin niya ang paa niyang may naapakan.

Nang tignan niya ang naapakang basag na bote ng perfume niya ay napangiti sya.

Bakit ganun? Bakit hindi niya maramdaman ang sakit nung bubog sa paa niya bakit mas lamang ang sakit na Dulot ng lalaking yun sa buhay niya? Iyak lang ang ginagawa niya at kahit  nanlalabo ang paningin ay sinikap pa din niyang hanapin ang pills at natuwa sya ng mahanap yun. Sandaling tinignan nya 'yun.

Sa isip niya, kesa masaktan pa sya ng paulit ulit na maalala ang break up na'to habang mas maraming memories na puro magaganda, mas gusto niyang alalahanin na lang ang good memories na 'yun sa Panamagitan  ng gamot na iinumin niya.

"Hindi..ko naman alam... ganito pala kasakit masaktan.. parang hindi ko kayang ihandle.. ang sakit... sobrang sakit..."

Bulong nya sa pagitan ng paghikbi at binuhos sa kamay ang gamot at mabilis  na nilulok ang lahat ng gamot na nasa kamay. Tumutulo lang ang luha niya habang unti unting nararamdaman ang epekto ng gamot.

"Gu..sto ko ng mawala.. ang sakit... sobrang sakit ng puso ko... hindi..ka...yang  ipa..liwanag... ang nararamdaman ko....."

Matapos sabihin ang pautal utal na sinabi niya saka siya nawalan ng malay.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now