CHAPTER 14

33 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

Chapter 14

Expectation not really good in mindset. Therefore, Wala ng ibang ginawa si Crisha kungdi ang ibaon ang sarili sa trabaho matapos ang mga sandaling nakasama niya si Wreizz sa Paris. Aaminin niyang natuwa siyang umamin itong gusto siya nito pero Hindi niya din maiwasang Hindi mainis na Kung bakit isang Piloto ito. Dinaig pa ang artista Kung dumugin ng mga nakakakilala dito. Ayun tuloy, out of place na siyang kasama ito hanggang sa umabot na ngang nakauwi sila ni Ktyn sa Pilipinas.

"Crisha, mag-o-overnight ka ba ngayon?" Tanong ni Keit na isa sa mga staff din sa botique ni Ktyn.

"Paano mo napansin na nag-o-overnight work ako?" Takang tanong nya dito habang nakatutok pa din sa Sketchnote ang pansin.

"Naaabutan kitang natutulog dito sa opisina mo. At makikita pa din Kita bago ang uwian ng lahat. Crisha wag kang masyadong magpakabayani sa overnight, malulugi ka niyan." Payo nito.

"Malulugi saan?" Natatawang napaangat sya ng mukha Kay Keit.

"Papangit ka. Masisira beauty mo." Nangingiting tugon ni Keit.

"Yun ay kung may beauty nga. Wag ka ng mag alala sa pag-o-overnight ko Kasi yakang yaka ko pa naman 'to." Pangungumbinsi nya although ilang days na nga siyang ini-endure ang pananakit ng katawan niya.

"Sigurado ka?" Nag aalalang tanong nito.

"Oo Naman no. Sige na, umuwi kana. Gabing Gabi na oh. Buti Sana Kung mag o-overnight ka eh malamang Hindi delikado ang dadaanan mo." Pagtataboy nya dito.

"Okay sige, Basta magpahinga ka din Maya Maya. Wag Todo work. Ikaw din, magkakasakit ka niyan." Anito.

"Opo ate Keit." Naisagot na lamang niya.

Tama, medyo mas head lang ng konteng edad si Keit kumpara sa kanya Kaya Ate ang tawag niya dito. Nang tuluyan ng iwan siya ni Keit sa Mesa niya, napasubsob na lamang niya ang mukha sa Mesa at napapikit.

Sa pagpikit niya pa Lang ay automatic ng rumehistro sa isip niya ang binatang Piloto. Naiinis siya dahil sa klase ng propesyon nito, Naiinis din siyang Wala man Lang siyang personal contact number nito. At mas Lalo siyang Naiinis na bakit siya nagkakaganito? Bakit siya nag eexpect masyado?

Actually, she can have his phone number if she wants too because her brother knows it though but then, nauunahan siya ng pride niya. Bukod dun, ayaw niyang malaman ng Kuya Evrio niyang may gusto siya Kay Wreizz at may gusto din Ito sa kanya.

Papaano na lang Kaya pag lumantad Ang pagkagusto ni Wreizz sa kanya sa kuya niya? Or worse sa mga kuya kuyahan niya?! Napulat siya ng Mata at bahagyang napabangon sa pagkakasubsob.

"Hindi naman siguro masamang tanggihan na may nagkakagusto sakin?" Tanong niya sa sarili na bigla naman siyang napatili ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Unregistered number ang tumatawag.

Nagdalawang isip pa siyang sagutin 'yun pero sa huli sinagot niya din. Baka si Wreizz. Sa isip isip niya.
Para tuloy siyang engot na ngumiti bigla ng mag isa.

"Nasa Lock Village ako. Hindi mo ba ako sasamahang magmidnight snack?" Mabilis na napawi ang ngiti niya sa labi ng mabosesan ang tumawag.

Ang kuya niya.

"Bakit Hindi mo tawagan mga kaibigan mong magmidnight snack? Busy ako kuya." Pag iinarte nya.

Actually kailangan niyang mag inarte talaga ngayon dahil mabubuking talaga na masama ang pakiramdam niya. Doctor Ang kuya niya kaya walang maitatago dito.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now