CHAPTER 11

26 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞.
written by; Leiwrites

Chapter 11

It has been one week and three days after Wreizz won't showed up in Crisha apartment. Wala naman dapat siyang pakialam dun, pero kasi nasasanay siyang laging nakikita ang pilotong 'yun. Namimis niya ang presensya nito. Ang pangungulit nito sa kanya and lastly, ang mapagsungitan niya.

Para lang balewalain niya ang pag iisip sa binata ay minabuti niyang magtrabaho na lamang ng maayos. Walang mangyayari kung puro siya kakaisip sa binatang 'yun. Nagiging malandi lang siya sa isiping namimis niya ito. Siguro nasa trabaho na nito ito ngayon.

When her break time is up, her Boss went straight to her table. Hindi siya sumama sa ibang kasamahan niya na naglunch sa labas ng boutique nila that's why, Nagulat sya na nilapitan sya ng boss nila.

"Miss Ktyn? What can i do for you?"
Shock pa din na tanong nya habang nahihiyang tinakpan ang burger niya at fries na nasa mesa. Hindi sa nagdadamot but she just shy to her boss. Lalo na kung i-o-offer nya dito ang ganun klaseng pagkain lang.

"Drop the word Miss. Crisha. Nakakairita."
Iritableng wika nito.

"Ehh? Boss kita eh."
Nakapout na sabi ko.

"Ganito na lang, kapag tayo lang don't be formal. Di ako sanay. Besides you're not different from me." Nangingiting wika nito.

"Ehh? Sige po."

"My tela akong ichi-check sa France then i intend to  go there with you. Pweding samahan mo ako?"

"B-bat ako?"

"Kasi malaki ang tiwala ko sayo. Besides, you really want to be a good designer just like me, right?"
Tumango agad sya sa tanong nito.

"So, pack your things  because the day after tomorrow, we're going on City of Love." Nakangiting imporma ng boss nya. Nahihiyang napangiti sya dito.

City of love is the place they called Paris.
Puro Frenchmen's ang mga tribe sa naturang lugar at ayon sa mga tulad nilang pinoy, marami din ang nanirahan doon dahil isang signifies niyon ay katunayan ng ibig sabihin ng lugar nila ay siyudad ng pag ibig. Kung saan magmamahalan ang mga taong naroon. Well, 'yun lang naman ang alam niya sa Paris noong nasa high school pa sya.
Hindi niya alam ang totoong history ng France pero alam niyang maganda ang lugar na 'yun.

-

Crisha and Ktyn is already done check-in and they're was heading to entered the airplane to find their boarding pass. Unang tapak pa lang niya sa Plane ay naramdaman na niya ang simoy ng aircon sa loob ng eroplano. Hinila na lamang niya ang maliit na luggage habang sumusunod kay Ktyn na seryosong naglalakad lang habang lumilinga sa loob. Alam niyang hinahanap nito ang boarding pass nila kung saan sila uupo.

Kung ano anong lahi ang mga pasaherong nakikita niya hanggang sa matanaw niya ang mga nakauniform na Stewardess. Hindi niya maalis sa isip ang mga imahe ng mga ito nang mahanap nila ang boarding house.

Those stewardess is gorgeous.
At napaka imposibleng hindi magkakainteres si Wreizz sa mga katulad nito na palagi naman nitong nakakasama. Naalala niya tuloy ang ate Czizea niya, Isang Piloto ito noon and still, Walang makakatalo sa kagandahan nito. Kaya siguro gustong gusto ito ng Kuya Hadern niya. Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya, Si Hadern lang din naman kasi talaga ang pinakagwapo kagaya ni Wreizz.

Masyadong nakakapanliit ang propesyong meron siya. Bukod sa mababa ang standard ng propesyong meron sya, hindi pa siya kagandahan. Kadalasan lampa pa nga sya. Tatanga tanga pa.

"Crish, ayos ka lang?" Baling ni Ktyn sa kanya na ngayon ay napansin ang pananahimik niya. Nilingon niya ito.

"Oo naman, wag mo kong intindihin Mis--Ktyn." Ngumiti pa sya dito.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now