CHAPTER 25

23 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 25

"Kuya magsabi kayo ng totoo sakin?! Anong nangyari jung umalis ako?" Galit na sigaw ni Crisha sa kuya Evrio niya ng hilahin ito palayo sa mga bisita. Agad sumunod sa kanila si Creill na may pag aalala sa kinakapatid.

"Bunso calm down. Huwag kang nagsisigaw sa kuya mo." Pagpapakalma ni Creill kay Crisha.

"Bakit kuya Creill may nag effort ba sa inyong sabihin sakin ang totoo?! May alam ka ba sa nangyayari kay Wreizz sabihin mo kuya Creill nang hindi ako nagsisisigaw dito!" Lumuluhang panunumbat ni Crisha sa dalawa.

Sobrang bigat sa pakiramdam na hindi siya nakikilala ni Wreizz tapos heto at may hindi pala siya nalalaman sa nangyari ng panahong wala siya. Mahal siya ni Wreizz kaya bakit bigla siya nitong pinagpalit ng ganun ganun na lang? Hindi niya matanggap.

"Bunso, naiintindihan namin na nagagalit ka ngayon but you're part of this messed." Seryosong wika ni Evrio.

"Pare! Wag." Warning ni Creill kay Evrio. 

Mabilis na humakbang palapit si Crisha sa kuya Creill niya. Hinawakan ito sa magkabilang braso habang umiiyak.

"Kuya Creill, ano bang pinipigilan mong sabihin ni kuya sabihin mo sakin. Please kuya ayoko ng pinaglilihiman ako please kuya tell me the truth..."

Hindi na nakayanan ni Crisha ang sobrang bigat ng pakiramdam niya kaya sa sobrang iyak niya ay nagkusa ng bumigay ang katawan niya at nawalan sya ng malay. Noon lang din dumating sina Aether na punong puno ng pag alala. Mabilis na binuhat ni Evrio an kapatid na siyang ikinabahala ng mga tao sa party. Maging si Wreizz na hindi niya alam pero nag aalala siya sa nangyari sa dalagang Hauker. Susundan na sana niya ang mga kaibigan ng pigilan siyang hawakan ni Chloe sa kamay at sinabihang ihatid na ito. Wala siyang ibang choice kung hindi magpaalam na lamang sa nag aalalang parents ng Hauker.

Nang maihatid  ng binatang si Wreizz si Chloe sa unit nito ay agad na bumalik siya sa lock Village kung saan naroon ang mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit siya nag aalala ng ganito kahit kakakilala pa lamang niya sa dalaga. Aaminin niyang hindi naalis sa paningin niya ang dalaga matapos makipagkamay dito. Hindi niya alam kung bakit may pakiramdam siyang kilala niya ito pero kahit anong pilit ang pag iisip niya kung saan ito nakita ay wala siyang makilala. Hindi niya alam kung bakit. Naiinis siya sa bagay na sobrang lakas ng tibok ng puso niya nung mahawakan ang kamay nito at matitigan ang mata nitong para bang sinasabi na namimis siya nito.

Who are you Crisha...

Pagkapasok sa Hauker house ay nandun pa din ang ibang bisita pero dumiretso pa din sya sa kung saan dinala ang Dalagang Hauker.  Lalapit pa sana siya sa mga kaibigan ng maulinigan niya ang pinag uusapan ng mga ito.
Hindi niya sana gustong makinig sa usapan ng mga kaibigan pero nakinig sya at piniling magtago sa likod ng wall.

"Kasalanan ni Crisha kung bakit sinaktan niya si Wreizz. Wala tayong kasalanan sa bagay na yun." Inis na turan ni Creill.

"Creill pare, bunso pa din natin  si Crisha. Hindi mo dapat sya sisihin." Inis na wika ni Neith.

"Hindi naman tamang tayong mga kuya niya ang sisihin niya sa nangyari kay Wreizz. Hindi mo kasi nakita Neith kung Gaanong paghihirap ang dinanas ni Waithern dahil kay Bunso. Mahal nating lahat si bunso pero hindi tamang kunsintihin natin sya dahil sinasaktan niya ang kaibigan natin!" Inis pa din na wika ni Creill.

"Hindi tayo pweding manghimasok sa buhay nila pre. Tama na, alam kong galit ka kay Bunso pero wala tayong karapatan manisi sa nangyari. Labas tayo dun. Isa pa nangyari na ang nangyari." Seryosong payo ni Chance.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now