CHAPTER 27

17 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 27

PINILING isuot ni Crisha mag long casual dress na tinernuhan pa ng jacket dahil ngayon ang araw ng birthday ng kambal ng kuya Aether niya. Mag-si-six years old kasi ang mga ito. Dahil birthday ng inaanak niya hindi pweding hindi siya dumalo dahil understood na talagang magkikita sila at kahit ayaw niyang pumunta kailangan niya pa din pumunta dahil siguradong dadalo din si Wreizz. Two days na ang nakalipas at hindi pa nakakarecover ang braso niyang nasugatan ng bubog at nagpapasalamat siya kay Cia na hindi talaga ito nagsalita tungkol sa nangyari. Tinignan niya muna ang sarili sa human size mirror at napangiti siya ng mapansin na hindi na mahahalata ang benda na nasa braso niya.

"Wala naman sigurong makakahalata ng braso ko." Kausap niya sa sarili bago kinuha sa kama niya ang ireregalo sa kambal.

Umalis na siya ng condo niya at pumara na lang ng taxi, hindi na siya nagpasundo sa mga kuya niya dahil alam naman niyang busy ang mga ito. Hindi naman siya makapagdrive ng kotse dahil wala talaga siyang talent magmaneho. Sinabi niya sa taxi driver na sa lock Village siya pupunta. Uunahin mo na niyang pumaroon sa bahay ng kuya Aether niya dahil panghuli pa ang bahay ng Kuya Evrio niya kung saan nakatira ang magulang niya.

Pagkabayad niya sa taxi driver ay bumaba na siya agad ng taxi at hindi sinasadyang malaglag pa ang dala niyang regalo  sa kambal. Pinulot niya  agad 'yun pero napalundag pa siya sa gulat  ng may bumusina. Tinignan niya ang bumusina at nakita ang isang asul na kotse lulan ang isang babaeng kulang na lang lumabas ang tinatago nitong yaman. Si Chloe na naman..

Nilingon niya ang sa driver seat at bumaba dun si Wreizz na simpleng  asul na polo na tinupi pa hanggang siko ang sleeve nito at nakagray pants pa. Sinadya din nakabukas ang tatlong butones sa polo nito. Nilagpasan lang siya ng dalawa habang siya parang tangang nakasunod lang ang tingin dito.

Okay, gwapo siya sa looks niya pero nakakainis pa din ang ginawa nito, nambusina ba naman. Pasalamat talaga to wala siyang sakit sa puso  kungdi baka nga dead on arrival ang lagay niya.

Pumasok na siya sa bahay ng kuya Aether niya at unang sumalubong sa kanya ang ate Kwyn niya.

"Salamat naman dumating ka, akala ko hindi ka pupunta. Lika, puntahan natin ang kambal." Masayang wika nito.

Ang ganda pa din ng ate Kwyn niya kahit nagkaroon na ito ng Kambal. Para pa din itong dalaga. Mukha ngang mas gumanda pa lalo at inlove na inlove pa din dito ang kuya Aether niya. Napangiti siya sa isipin 'yun. Parang hindi dumaan sa sakit sa puso ito at masaya lang ang pamilya nito.

"Tita Shaaaaaaa!" Narinig niyang sigaw ng cute na cute na kambal. Mabilis na nagsquat siya para yakapin siya ng kambal pero napangiwi pa siya ng mahawakan ng kambal ang braso niyang may benda. Tiniis niya ang sakit at dinama na lang ang yakap ng kambal.

"Namis nyo ba ang tita Niyong cute?" Tanong nya sa kambal. Si Aeyu at Aewyn ang pangalan ng kambal.

"Opo tita. Asan po gift namin?" Unang tanong ni Aeyu.
Kinurot niya ang pisngi nito.

"Excited  na ba kayong makita 'yun?"

"Opo opo!" Pumalakpak pa ang kambal sa tanong niya kaya agad na kinuha niya sa likuran ang dalang regalo at tuwang tuwa naman ang kambal na tinanggap 'yun. Magkasabay na hinalikan siya ng kambal sa pisngi.

"Tita you're so adorable po." Pambobola ni Aewyn.

"No, tita is cute. She's really cute that I'm so envy." Nakapout na wika ni Aeyu.

Hindi niya natiis kaya hinalikan niya ang kambal sa sobrang kakyutan.

"Babies, paalam muna kayo kay Tita. Kailangan niya din munang kumain." Sumingit na ang ate Kwyn niya kaya naman ngumiti na lang siya dito.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now