CHAPTER 26

18 3 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER  26

Three years ago nagkaroon ng Car accident si Wreizz at sobrang sakit sa kanya ang nalaman sa sinapit ng binata. Wala siyang ibang nagawa kungdi umiyak ng umiyak. Dahil sa kanya kaya sinapit ng binata ang aksidenteng  'yun. Tinago na lamang niya sa pamilya niya maging sa mga kuya kuyahan niya ang totoong nararamdaman niyang paninisi sa sarili niya kaya nga nagawa niyang lumipat na lang ng condo imbes na manatili sa bahay ng kuya niya. Nahihirapan siyang magpanggap na okay lang sya sa harapan ng pamilya niya. Simula ata ng pagbalik niya wala na siyang ibang ginawa kung hindi  ang umiyak.

Nalaman niya ang buong pangyayari sa kuya Creill niya dahil ang mismong kotse nito ang gamit  ni Wreizz nung panahong hinahabol siya nito. Kung hindi lang sana nakalipad ang sinasakyan niyang eroplano di sana nagawa pa niyang bumaba noon. Dahil alam niya sa sarili niyang hinintay niyang sabihin ni Wreizz na mahal siya. Pero hindi niya inaasahan na 'yung pagkasabi nito ay siyang huling pagkakataon na maalala pa siya nito na mahal na mahal siya nito.

Sobrang hirap. Tila ba bumalik siya sa nakaraan. Nagpakamatay siya para dito dahil nasasaktan siyang makipaghiwalay dito pero mas hindi niya kayang tanggapin 'yung nangyari sa binata na hindi na siya nito  maalala. Okay lang sa kanya na iwan siya nito basta natatandaan siya nito, okay lang na siya lang ang nasasaktan at naghihirap basta masaya lang ito pero iba ang sitwasyon ngayon.

Ang huling paghaharap nila ay nakita  niya kung paanong tila nangingilala ito kung sino siya. Ang matindi pa, nadagdagan pa niya ang kasalanan dito dahil nagkunwari siyang hindi niya ito kilala kaya heto sya ngayon, umiiyak lang. Kung nakakamatay ang pag iyak baka nga matagal na siyang ibinurol. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makausap ang binata pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Nahihiya siyang lumapit sa mga kuya kuyahan niya dahil this time, gusto niyang patunayan na kaya niyang ayusin ang nasira niya noon ng walang tulong ng mga ito. Kahit mahirap sa kanya, hahanap at hahanap siya ng paraan na makausap si Wreizz. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha. Pulang pula pa din ang mukha niya dahil sa kakaiyak. Halos namumugto pa nga at gulong gulo pa ang mahaba niyang buhok. Mukha na siyang bruha sa lagay ng itsura niya pero wala siyang pakialam, kailangan niyang ibuhos ngayong araw na 'to ang paghihirap ng loob niya dahil sinisigurado niyang uumpisahan niyang gawin ang planong pag usap sa binatang piloto. Kahit pa taken ito sa Chloe na 'yun wala siyang pakialam. Gagawa siya ng paraan kahit imposible pang mangyari 'yun. Tumayo sya palayo sa salamin at tinungo ang banyo. Kailangan niyang mag isip ng paraan.

Kinabukasan,

Maagang pumunta ng Airport si Crisha para hintayin ang pagdating ni Wreizz mula sa flight nito pabalik ng Pilipinas. Wala sana siyang balak humingi ng tulong kanino man sa mga kuya niya pero no choice, sa kuya Kihl siya humingi ng tulong dahil ito lang naman ang may kakayahan na mabigyan siya ng permission na makapasok ng immigration kahit pa hindi allowed ang tulad niyang wala namang flight. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya binigo ng kuya Kihl niya kaya naman umupo lang siya ng bench kung saan nakikita niya ang ibang mga tao na mukhang naghihintay lang din ng flight paalis ng bansa.

Kinakabahan siya pero sa tuwing naalala niya ang panahon nung sila pa ng binata ay lalo lang siyang naglalakas loob na harapin ito. Naalala pa niya noon, bawal na bawal siyang papasukin sa immigration kahit pa boyfriend niya ang piloto kaya nagkakasya na lamang siyang sa labas ng Airport hinihintay ang nobyo. Napapangiti siyang mag isa pero nalulungkot din dahil hanggang alaala na lang siya ngayon.

Ang laki ng sinayang niyang pagkakataon.
The Chance's of being his girlfriend she waste is really a big mistakes. Utak bata talaga siya. Sumuko siya agad ng walang pag iisip. Kung meron mang may kasalanan sa relasyon nila noon 'yun ay walang iba kungdi siya.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now