CHAPTER 34

15 3 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 34

(Geolk Side story)

"Ohshit! Do you really know how to smile infront of the camera? Paulit  ulit na lang Chloe. Ano ba, hindi ako nakikipaglaro dito. Kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon isantabi mo muna. Ayokong magsayang ng oras, marami pa akong gagawin!" Hindi na napigilan ng binatang si Geolk ang masigawan ang Dalaga.

Nakita niyang naiyak ito sa biglaang pagsigaw niya kaya naiinis na binitiwan niya ang digital at lumabas ng studio niya. Napabuntong hininga siya. Torture sa kanya ang makasama ang babae sa studio niya. Kung si Crisha lang ang nasa harapan niya at umiiyak tiyak na wala siyang ibang gagawin kungdi ang patawanin ito kaso si Chloe ang nasa harapan niya. Suot nito ang isang wedding gown na si Crisha mismo ang gumawa. Hindi pa 'yun ang final na isusuot ni Chloe sa kasal nito dahil temporary lang ang suot nito ngayon dahil sa photoshoot.

Sa dami dami ba namang pweding saktan ng babae bakit si Crisha pa? Ang kaibigan pa niyang iyakin. Ang malala pa, kailangan niya pang gumawa ng paraan para lang tulungan si Crisha. Hindi niya alam kung tulong pa ba an matatawag sa ginawa niyang pag set up? Chloe is his ex fiancee for fuck sake!.  Nababadtrip siyang makitang nakagown ito sa harapan niya habang nanumbalik sa alaala niya ang hindi nito pagsulpot sa kasal nila noon. Kung sumulpot ba ito noon, makikita niya  bang ganito kaganda ito magsuot ng gown? Ang nakakadagdag pa ng sama ng loob, hindi ito ngumingiti. Dapat matuwa ito dahil finally ikakasal ito sa taong mahal nito na may mahal namang iba at ang kaibigan niya 'yun. Oo nga't nasasaktan siya pero mas nasasaktan siya sa bagay na ang babaeng minahal niya noon ay mang aagaw na. Nakakagago!

Akala niya sa pagbalik niya nakamove on si Chloe kay Waithern pero tangna lang, hindi pa pala. Kaya ang lagay, ito lang ang nagpapahirap sa buhay ng dalawang nagmamahalan. Wala naman siyang balak pang magpakita kay Chloe pero no choice, Nag aalala siya kay Crisha. Simula pag balik niya mula States one month and two weeks and three days ng lagi itong umiiyak gabi gabi. Mas matindi ang awa na nararamdaman niya sa kaibigan dahil sobrang nasaktan ito at doble ang sakit nun sa kanya dahil alam niyang sa likod ng paghihirap ni Crisha ay mismong may pakana ay ang ex fiancee niya. Masyadong mapagbiro ang tadhana. Ano bang pwedi niyang gawin para hindi matuloy ang tanginang kasal ni Chloe sa Waithern na'yun? Kung tutuusin wala naman sa kanya kung makasal sa ibang lalaki ito tutal wala na sila kaso tangina, mahal ng kaibigan niya 'yung pinipilit nitong angkinin.

Bumalik siya ng studio at agad na hinila sa kamay si Chloe at dinala sa rooftop. Oo na oo na, para paraan lang. Kailangan niyang pigilan ito sa kahibangan.

"Umiyak ka dito hanggang gusto mo." Cold na sabi niya at tumingin sa langit. Ang ganda ganda ng kalangitan pero 'yung katabi niya pinagsakluban yata ng langit.

"You set everything.." mahinang turan ni Chloe. Nilingon niya ito. Kahangalan pag tinanggi niyang hindi niya ito namis kahit pa hindi ito sumulpot sa kasal nila.

"I admit. Tumigil kana Chloevhin sa kahibangan mo." Cold pa din na sabi niya dito. Mahirap  na, baka maloko na naman siya ng damdamin niya.

"I love him Geolk ano bang Mali sa ginagawa ko? Gusto kong makasal sa kanya!" Biglang sigaw nito na ikinagulat niya.

"Teka. Tangna naman oo na mahal mo na wag mo ng ipagsigawan sakin masakit." Hindi na niya napigilan na sabihin yun. Totoo naman tangina lang, aarte pa ba sya?

"Bakit ka pa bumalik? Wag mong sirain ang plano ko!" Nagsisigaw na wika nito sa kanya habang umiiyak pa din.
Galit na nilingon niya ito.

"Masasakal lang si Wreizz sayo kung pipilitin mong makasal sa kanya. Infact, hindi ka naman niya mahal." Ngumiti sya ng pang asar dito.

THE CHANCES (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz