CHAPTER 31

17 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 31

Nasa loob ng sasakyan ni Wreizz ang dalaga ng biglang dumating si Chloe na kakababa lang nito sa kotse nito. At kitang kita ni Crisha kung paano nito sinampal sa mukha si Wreizz. Balak sana niyang bumaba ng lumingon sa gawi niya si Wreizz na tila ba pinigilan siyang huwag bumaba.
Tatlong araw na simula ng maging okay na sila ni Wreizz at nalaman niyang hindi naman talaga girlfriend ni Wreizz si Chloe. Sadyang ito lang daw ang nagkakalat ng chismis na magnobyo sila kaya hinayaan niya lang. Kung dating siya pa din si Crisha na isip bata, siguro magagalit sya at aawayin si Wreizz kaso iba na ngayon. Mas naiintindihan na niya ang sitwasyon. Hindi siya agad agad gumagawa ng bagay na alam niyang makakasira lang sa relasyon nila.

Nakatutok lang ang paningin niya sa dalawa ng makarecieve siya ng message mula kay Geolk na next week ay uuwi ito ng pilipinas.  Natuwa naman siya sa balita dahil finally, maipapakilala na niya dito ang taong mahal niya. Inaasar kasi siya lagi ni Geolk noon na nag iimagine lang daw siya na may Wreizz siyang sobrang mahal niya at mahal siya. Maya maya pa'y bumalik na ng kotse si Wreizz. Badtrip ang mukha nito dahil umiwas ito ng tingin ng hinuhuli niya ang mga mata nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at napalingon ito sa kanya. Oo na, gwapo pa din ito kahit badtrip na ang mukha.

"Okay ka lang?"

Ngumiti ito sa kanya at kinuha ang kamay niya at hinalikan 'yun.

"Hindi ba masakit ang sampal niya sayo?"

Ngumiti sa kanya at tinignan siyang mabuti.

"Mas masakit sakin kung papayag ako sa gusto niyang iwanan ka."

"S-sinabi niya 'yun?"

"She really love me pero maraming beses kong sinabi sa kanya na kailanman hindi na lalagpas sa kaibigan ang tingin ko sa kanya, nawala man ang alala ko ganun pa din ang nararamdaman ko sa kanya."

"Wag mo na lang isipin masyado para hindi na masira yang kagwapuhan mo."

"Gwapo pa din ako kahit ano pang magiging reaksyon ko tss."

Kinurot niya ito sa pisngi kaya ito napadaing. Ang cute lang.

"Yabang mo talaga."

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya at tinitigan siyang mabuti.

"Konte na lang maaalala na kita. Pakiusap hintayin mo ako."

"Huwag kang magmadali ayokong maulit yung nangyari sayo sa labas ng mall. Paiiyakin mo lang ako sa sobrang takot."

"Pero muntik mo na akong patayin sa pag aalala nung iligtas mo ako. Tsk."

"Please Rish.. no matter what happen between us walang bibitaw. This is our second chance and I'm not going to waste it. Kahit pa wala akong maalala sa nakaraan natin still, hindi ako bibitaw."

Napaluha siya sa sinabi nito. Actually ang sarap sa pandinig lahat ng sinabi nito pero hindi dun nagpokus ang atensyon niya kundi sa pangalan na itinawag nito sa kanya.

"Hey, umiiyak kana naman ayoko ng nakikita kang umiyak please stop crying."

Pinunasan nito ang luha sa pisngi niya gamit ang thumb nito. At hinila siya ng konte para mahalikan siya sa noo.

"Naalala mo ang pangalan ko na madalas mong itawag sakin."

Ngumiti ito sa kanya na para bang proud na proud pa.

"I told you, konte na lang maaalala na kita. Nanaginip akong yan ang tawag ko sayo sa panahon na nagseselos ka sa mga babae ko. Grabe ang selosa  mo pala talaga." Pagmamalaki nito kaya natawa siya at tinampal ito sa balikat.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now