CHAPTER 40

29 1 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 40

F I N A L E

Wala sanang balak gumising ni Crisha ng araw na 'yun kaso may daliri ng nilalaro ang pilikmata niya kaya naiistorbo na ang tulog niya.

"Gising na babe, may lakad pa tayo."

Malambing ang boses na narinig niyang sinabi ng lalaking mahal niya kaya napangiti sya habang nakapikit at kusang gumalaw ang kamay niya para yumakap sa harapan niya. Naramdaman naman niyang humigpit na yumakap ito sa kanya at hinalik halikan ang sentido niya.

"I told you last night, Nine a.m susundin kita but you're still  sleeping. Bangon na babe. Marami pa tayong gagawin ngayong buong araw."

Napamulat siya ng kanang mata at natawa namang tumitig sa kanya si Wreizz.  Kung ganito araw araw ang mangyayari na sa tuwing gigising siya ay may gwapong mukha ng taong mahal niya, naku pwedi na siyang mamatay. Dinampian niya ng halik ang pisngi nito kaya napataas ang kilay nito sa ginawa niya.

"Himala babe, you kiss me without minding na hindi ka pa nakapagtoothbrush." Nang aasar na tanong nito.

"Sabi mo noon sakin wala kang pakialam kahit hindi pa ako nakapagtoothbrush basta mahalikan mo lang ako. Anong Silbi nun kung ngayon aasarin  mo ako? Tsk." Inis na turan niya dito. Piningkot nito ang ilong niya kaya napadaing sya.

"Yeah pero ayokong sa Pisngi lang. Gusto ko sa lips." Kumindat kindat pa'to kaya agad agad na nilayo niya ang sarili dito at tinakpan agad ang bibig. Natawa naman ito sa ginawa nya.

"Seriously? Hanggang ngayon nahihiya ka pa din? Paano na lang kapag asawa na kita? Mahihiya ka pa ding halikan kita kahit bagong gising ka pa lang?"

Pakiramdam niyang nangamatis na ang mukha niya sa banat nito kaya bumangon na siya at tinakbo ang banyo. Nang makapasok ay napahawak siya sa dibdib niyang banda sa puso. sobrang lakas ng kabog. Wala pa ding pinagbago ang puso niya, ang lakas pa din talaga ng epekto nito sa kanya. Ang dami na ng nangyari sa buhay nila pero pakiramdam niya sa tuwing magsasalita ito ng nakakakilig para siyang isang teenager na inlove na inlove pa din sa secret crush niya. Nakita niya ang hitsura sa salamin kaya nagulo na lamang niya ang buhok dahil sa pulang pula na nga talaga ang mukha niya. Dinaig pa niya ang kumain ng maanghang.

On the other hand, Wreizz type his message and send it to someone. Nang matapos 'yun ay nagtungo siya sa Cabinet ng dalaga at naghanap siya ng isusuot nito. Makalipas ang ilang minuto ay saka pa lumabas si Crisha na nakatupi lang ng tuwalya kaya napatulala sa kanya si Wreizz.

"B-bakit ganyan ka makatingin sakin?"

"Fuck Rish. Talaga bang wala kang idea kung gaano ka kasexy ngayon?"

"A-ano?"

Tinignan niya ang sarili at muntik na siyang mapasigaw dahil sa nakalimutan niyang naka tuwalya lang sya.

"I was thinking what's behind the towel." Pilyong Saad nito kaya sinipa niya ito sa tuhod pero tumawa lang itong hinila siya sa bewang at tinignan sya ng seryoso. Buti na lang hinigpitan niya ang paghawak sa tuwalyang suot.

"Mapapasakin ka din naman. Tutuloy pa ba tayo sa lakad natin? Parang gusto ko na lang magstay dito."

"Wreizz!"

"Oo na, Biro lang. Suutin mo 'yang nasa kama, i choose that for you." Sabi nito at hinalikan sya sa noo bago walang salitang lumabas ng kwarto niya. Napahinga naman siya ng maluwag at lumapit na sa kama niya. Nakita niyang isang long dress na kulay asul at may slack pa 'yun na alam niyang mula Hita hanggang legs niyon. Napangiti siya sa napiling pinapasuot ni Wreizz  sa kanya. May date ba sila? Ang galing nitong pumili ng maisuot. Pero namula siya ng makita ang two piece na katabi lang ng dress.

THE CHANCES (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora