CHAPTER 23

16 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 23

"Rish.... I love you.."

Huling narinig ni Crisha sa kanyang cellphone ng hindi niya matiis na marinig ang boses ni Wreizz. Masyado siyang nagulat pero napuno ng takot ng bigla na lang ito nawalan ng imik. Tinignan nya pa huli ang cellphone pero nasa linya pa din ito. Nasa loob na sya ng Airplane ng hindi niya natiis na sagutin ang tawag. Matapos marinig ang sinabi ng binata na mahal sya nito ay kusang tumulo ang luha niya at gustong matuwa ng puso niya pero huli na para bumaba pa sya dahil lumipad na ang Airplane na sinasakyan niya.

"Take this." Isang boses ng lalaki ang nagsalita sa tabi niya at iniabot sa kanya ang isang asul  na panyo. Nang tignan niya ito ay nakita niya ang dating kliyente nilang si Geolk. Nagulat sya ng makita ito at katabi pa pala niya. Nahihiyang iniwas niya ang tingin mula dito.

Nagulat sya ng biglang kunin nito ang kamay niya at nilagay dun ang panyo. Napatingin naman sya sa lalaki at nginitian lang sya nito na para bang sinasabing, okay lang na umiyak siya sa harap nito. Nagpasalamat na lang sya dito bago pinunasan ang luha niya.

"Wala ng signal dito para diyan sa katawagan mo." Paalala nito at agad na napatingin sya sa hawak na cellphone.

Tama nga ito, kaya pala wala ng imik dahil nasa himpapawid sila at sobrang nasasaktan siya ngayon sa desisyon niyang umalis ng hindi man lang kinausap si Wreizz. Sobrang mahal niya ito at sa sobrang galit nya dito ni hindi niya ito nakausap man lang para maintindihan ang nangyayari sa kanila at ang mas pinaka masakit pa ay umalis siya sa kaalamang Mahal na mahal siya ng lalaking sobrang mahal niya.

Gusto niyang bumaba ng plane pero naunahan na sya ng takot na baka masaktan pa siya lalo. Paano na lang kung nagkamali siya ng pandinig? O baka magiging marupok na naman siya kasi napakadali lang sa kanyang bumigay pagdating kay Wreizz. Bata pa lang sya, alam na niya sa sarili niyang hindi lang simpleng crush ang nararamdaman niya dito. Naniniwala siya sa fairy tale kaya nga naisip niyang isang Prince charming lang ang babagay sa kanya at si Wreizz lang 'yun. Walang makakapagpabago nun. Mahal niya ang binata kahit pa nasasaktan siya.

"Nakipagbreak ka ba sa boyfriend mo at umalis ka ng umiiyak ngayon?" Usisa ng katabi niya.

Pinunas muna niya ang luha sa mga mata niya. Kanina pa kasi siya umiiyak at ngayon na may distorbo sa pag eemo niya ay parang gusto niyang magtaray. Feeling kasi ang isang 'to.

"Wala kang pakialam dun. Tsk." Pagtataray niya dito na ikinangiti ng damuho.

Pesteng 'to. Nginitian pa sya. Kung umasta ito ngayon akala mo naman naging close sila dati.

"Ang cute mo pala."

"Alam ko, matagal na." Sabi niya sabay punas ng mga luha sa pisngi niya.

"No wonder, patay na patay sayo ang lalaking 'yun."

"Bakit ka ba nakikipag usap sakin?"

"Gusto ko lang."

"Tsk. Feeling close ka."

"Thank you at hindi mo ko nakalimutan."

Tumaas ang kilay niya sa lalaki. Hindi niya purpose na hindi kalimutan ito, nagkataon lang talaga na naalala niyang kliyente nila ito dati. Naalala niya tuloy yung expression ni Wreizz ng makausap ito. Pinagselosan ba naman.

"For your information, hindi ako ulyanin at nagkataon lang na maalala kita dahil once ka na namin naging client. Wag kang assuming Brad." Pina astig niya pa ang boses at napatawa naman sa kanya ang lalaki.

"Geolk nga pala, baka nakalimutan mong pangalan ko."

Ini-offer pa nito ang kamay niya pero agad niyang tinampal. Salbahe na kung salbahe wala siyang paki.
Tumingin na lang sya sa bintana ng plane at nakita niyang malayong malayo na sya sa pilipinas. Naiwan na niya ang mga kuya niya at higit sa lahat, hindi sya nakapagpaalam sa taong mahalaga sa kanya..

THE CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon