CHAPTER 2

38 3 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by; Leiwrites

CHAPTER 02

"Kuya naman bakit mo naman naisipan na dito magstay sa bahay si Wreizz?"

Pangungulit nya sa kuya Evrio nya kung bakit pumayag itong sa kanila tumuloy si Wreizz. Hindi sya makakapayag na magstay ang binata sa bahay nila.

"Dahil kaibigan ko sya. I don't have to explain sis about Wreizz. It's my final decision sa ayaw at sa gusto mo ako pa din ang masusunod."

Sabi ng kuya nya na nasa kabilang linya bago sya pinatayan ng telepono. Inis na naihagis ni Crisha ang cellphone sa kama dahil sa sobrang inis. Graduated na sya ng college at nagsisimula pa lang ang journey nya bilang assistant sa sikat na fashion designer na si Ktyn Galle. At ngayong nag uumpisa na sya sa journey nya ay sya namang pagbalik ni Wreizz sa buhay niya.

Hindi sya affected na nandito ito sa Pilipinas. Natuwa nga siya't bumalik ito pero Kasi alam niyang traydor ang puso nya.
Ilang taon nga na tiniis nyang magpakalunod sa pag aaral para lang kalimutan ang one sided love nya.

"Pero kahit na! Ayokong nandito sya! Araw Araw ko siyang makikita nito!"

Dahil sa frustration ay pabaling baling sya ng higa sa kama, babangon para sabunutan ang buhok at hihiga ulit para pagsipa sipain ang unan na nasa paanan nya.
Naagaw lang ang atensyon niya ng may kumatok sa kwarto nya.

Tumalikod sya para isnabin ang kumatok hanggang sa narinig niya ang boses ng kaibigan niyang si Thea.

"Crish ako 'to si Thea! Papasok na ko ha."

Hindi na lang sya nagsalita sa halip ay pumikit na lang sya ng mata. Narinig niyang bumukas na ang pinto ng kwarto nya at napatili sya ng hilahin ni Thea ang paa nya kaya sya nahulog sa sahig mula sa kama.
Pinagtawanan lang sya ng kaibigan bagaman Naparolled eyes lang sya dito.

"Anong drama mo today? Magmumukmok ka na lang ba ngayon? Hello. It's your perfect time to hang out."

Nakacross arm na wika ni Thea habang tinitigan sya. Bumalik sya sa kama saka nahiga ulit.

"Hoy girl ano bang nangyayari sayo?"

Takang taong nito.

"Naiinis ako kay kuya."

"Kay kuya Evrio na super gwapo?"

Excited na tanong nito na may kasama pang tunog na kinikilig.

"He let his friend stay in our house."

Sumbong nya dito na syang bilis na pagtabi ni Thea sa kanya sa kama.

"Omg omg! Gwapo ba? Mas gwapo kay kuya mo?"

Mas naexcite na naman ito. Sandali syang napaisip sa hitsura ni Wreizz. Kahit may bigote ito lumilitaw pa din ang kagwapuhan nito. The years goes by between them makes Wreizz looked matured. Siya lang yata talaga itong walang pinagbago.

"Hoy girl, tinatanong kita kung mas gwapo ba sa kuya mo?"

Nang maalala si Wreizz ay natakot syang makilala ni Thea ito. kaya mabilis na bumangon sya at tinungo ang banyo para gawin ang ritwals nya. Of course her daily routine. Napapailing naman na sinundan lang sya ng tingin ni Thea sa banyo.

--

"Si Crish pala Manang, nasaan?"

Curious na tanong ng binatang si Wreizz ng umagang 'yun. Patapos na siyang magkape noon sa leaving room ng magmessage sa kanya si Evrio na kailangan niyang gawin kahit ayaw nya.

"Nasa kwarto nya sir. Gusto nyo bang tawagin ko sya?"

Tanong ng maid na may katandaan na.

"No need. Gusto ko lang malaman Manang Kung may pupuntahan ba sya ngayong Araw? Hindi makakauwi ang kuya niya kaya sakin na hinabilin."

That was true.
Crish is his responsibility while Evrio is gonna marrying his patients.

"Ang alam ko sir day off ngayon ni Sha at nandito din ang kaibigan niyang si Thea para sunduin siya. May lakad yata ang magkaibigan."

Wika ng maid na agad nagsink in sa utak niya ang pagtawag nito sa pangalan ni Crisha.

"Sige Manang. Salamat."

"Sige po."

Nang makaalis na ang maid at saka naman sya uminom ng kape. Kinuha na muna nya ang magazine na nasa mesa saka 'yun binasa. Agad tumambad sa kanya ang feature photo ng Chance Boy's, kaya nabilaukan sya sa nakita. Tinignan nya kung sino ang naglagay ng article na 'yun at agad na nakita niya ang pangalan ni Kwyn. Ang asawa mismo ni Aether.

Balak na sana niyang babasahin 'yun ng makitang bumaba ang dalawang dalaga mula sa hagdanan at saktong nakita niyang parang tutulo na ang laway nung kaibigan ni Crisha habang nakatingin sa kanya.
He waved his hand to them and as expected the Crisha's friend wave back to him while Crisha still in a grimace face.

"Tara na nga Thea!"

Hinila na ni Crisha sa kamay ang kaibigan nito ng agad naman na tumayo sya at nilapitan ang dalawa.

"Hi Miss."

Nilingon sya ng nagngangalang Thea at ngiting ngiti pa ito sa kanya.

"Hi Pogi. Alam mo parang nakita na kita."

Napangiti sya sa sinabi ni Thea.
Masamang tingin naman ang natanggap nya kay Crisha. Anong nangyari dito?
Bakit parang hindi ito masayang makita sya pagkatapos ng ilang taon na lumayo sya.

"Baka naging isa ka sa mga pasahero namin."

Sabi na lang nya para balewalain ang masamang tingin ni Crisha sa kanya.
Honestly speaking he doesn't do anything wrong.

"Pasahero? Omg! Ikaw nga. Ikaw 'yung gwapong pilot?"

Tuwang tuwang wika ni Thea at agad na inilabas ang cellphone at

"Sir pweding magpapicture ng kasama kita? Pretty please?"

Napakamot sya sa ulo bago inabot ang cellphone pero dahil ayaw niyang akbayan si Thea sa harap ni Crisha iniabot na lamang nya kay Crisha ang cellphone ni Thea.
Nginitian nya ng matamis si Crisha baka sakaling magfade ang sama ng timpla ng mukha nito.

"Picture mo kami, Clumsy."

Sabi nya dito. Nakasimangot pa din ang mukhang kinuha nito ang cellphone bago sila kinuhanan ng picture.
Nang matapos 'yun ay narinig niyang bumulong si Crisha.

"Mang uutos na nga lang may extra pang lait."

Natawa sya sa narinig.
Who would be thought that this girl makes him smile without effort.

"salamat Sir!"

Tumango lang sya kay Thea at tumingin naman agad sya kay Crisha.

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka ng Pake don." Pagsusuplada nito.

"May Pake ako dun. Saan nga?"

"Wala ka ngang Pake. Diba hindi kita kuya? I mean kuya kuyahan kaya Wala kang Pake kung saan ako pupunta! Halika na nga Thea."
Sabi nito at mabilis hinila si Thea palayo sa kanya.

Napatampal sya sa noo dahil sa kasupladahan ng Kapatid ng kaibigan niya.
Nagkamali ata siyang walang pinagbago ito dahil ang totoo ang laki ng pinagbago nito. Hindi na madaling utuin dahil mautak na. In Short hindi na ito katulad noon na bata.

Mukhang mapapasubo sya bilang bodyguard ng isang Hauker. He was trying to play nice to her but it seem that she doesn't like the idea na nandito sya sa pamamahay nito.

He admits that he was bullying Crisha so many times and looked what he have done to her, nagaspangan yata ng ugali niya.
He miss the Chance Boy's princess.
Crisha is the only one Princess in their circle of friends. Sweet, maalaga at laging masayahin ito. Nakakaencourage ang ugali nito kaya minsan nati-trigered siyang asarin ito noon. Hindi niya aakalain na magtatanim pala ng sama ng loob ang dalaga.

Kung alam ko lang di sana hindi na ako nang asar noon sayo..

Nasabi na lang niya sa hangin.

Tobecontinued..

THE CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon