Wakas

97 9 0
                                    

errors ahead

Hello guys!

Sorry if ngayon lang ako nakapag-update. Inasikaso ko kasi yung requirements namin tsaka nag-review na din sa exam. Then, nawalan pa nang kuryente dahil sa bagyo.

Anyway,

I just want to thank you'll sa mga sumuporta sa Smile, my first novel here in wattpad. Kahit hindi kagandahan ang flow ng story ko, salamat pa din sa mga nag-basa. Thank you for supporting me. Na-appreciate ko kahit mangilan-ngilan lang yung reads at votes. Thanks for those who vote every chapter. Maraming salamat mga mahal!

Anyway, here's the final chapter!

Ps: sorry if pinatay ko si Sariya huhu.

------------------------------

Epilouge

Third Person's Point of View

Isang taon na ang nakaka-lipas pero parang kahapon lang nangyari ang sinapit ni Sariya.

Ang masaya sana nitong kaarawan ay nauwi sa trahedya.

Naulit na naman.

Para na namang walang buhay si Raptor pagkatapos mailibing ang labi ni Sariya. Wala siyang ibang ginawa kun'di ang uminom kapag naa-alala niya ang sinapit ng kaniyang kasintahan.

Nilulunod niya ang kaniyang sarili sa trabaho. Minsan nga, halos hindi na siya kuma-kain dahil nawawala sa isip niya.

Hirap na hirap siya sa bawat araw na dumadaan. Hindi niya makaya na hindi makita si Sariya. Nang-hihina siya.

"Sir?"

Na-balik sa reyalidad si Raptor nang tawagin siya ni Katrina, bago niyang sekretarya. Umalis na kasi si Leslie dahil gusto muna niyang pag-tuunan ng pansin ang kaniyang bagong sanggol na anak.

"Bakit?"

Walang gana niyang sagot dito. Hindi niya alintana ang madaming mga papeles sa lamesa nito. Para siyang wala ng ganang mabuhay dahil sa mga ina-asta niya nitong mga nakaraang araw.

"Sir, andito po sila Sir Zion at Ma'am Lean,"

Napa-buntong hininga na lang siya dahil ayaw na ayaw niya na may duma-dalaw sa kaniya. Wala pa siyang gana. Ayaw pa niyang maki-halubilo sa mga kamag-anak niya.

"Sige, papasukin mo,"

Naabutan siya ni Zion at Lean na ina-ayos ang kaniyang magulong lamesa. Napa-iling na lang si Zion sa nasaksihan. Nakikita na naman niya ang dating Raptor.

"Tito!"napa-tigil sa gina-gawa si Raptor nang marinig niya ang boses nang kaniyang pamangkin. Pinilit niyang ngumiti para dito.

"Charles,"bati niya dito tsaka kinalong sa kaniya. Pinilit niyang makipag-usap para lang hindi na naman umiyak si Charles. Para hindi nito isipin na ayaw nito sa kanya.

Hinalikan ni Charles ang kaniyang tiyuhin at doon lumawak ang kaniyang ngiti. Totoong ngiti niya na ito. Hindi niya alam pero guma-gaan ang kaniyang pakiramdam sa tuwing hinahalikan siya ng kaniyang mga pamangkin.

Tumingin naman siya sa mag-asawa bago ito nag-salita.

"Upo kayo,"

Sinunod naman nilang dalawa ang sinabi ni Raptor at pinagmasdan na lang ang mag-tito na mag-usap. Napa-ngiti si Zion dahil alam niyang masaya ang kaniyang pinsan dahil sa anak niya.

"Kumusta ka na?"

Napa-tigil si Raptor sa pakikipag-usap kay Charles dahil sa tanong ni Zion. Hindi niya alam. Hindi niya alam ang isasagot niya sa ganitong klaseng tanong.

SmileWhere stories live. Discover now