24

93 10 1
                                    

errors ahead

------------------------------

Chapter Twenty-Four

Raptor

Today is the day.

Aligaga na ako kahit ngayong umaga pa lang. Nasa opisina ako at ina-asikaso ang iba ko pang trabaho pero ang isip ko ay nasa celebration mamamaya.

Gusto kong walang aberya. Gusto kong maayos ang flow ng celebration. Gusto ko na perfect lahat. Naka-ayon sa plano ko.

Excited na ako para sa mangyayari mamaya. Sana magustuhan ni Sariya ang hinanda kong celebration para sa kaniya.

Dumating na din yung singsing na pinagawa ko pa sa kakilala kong ring maker. Binuksan ko yung velvet box at naka-ngiting pinagmasdan ang singsing.

"I'm excited to put this on her finger,"mahinang sambit ko. May naka-ukit sa loob na name niya at sa loob naman ay ang pangalan ko.

Palatandaan na ako ang nag mamay-ari sa kaniya.

Binalik ko ulit ito sa box at sinimulan ko na ulit mag-trabaho. Tatapusin ko na ang ilan sa mga papeles na naka-tambak sa lamesa ko para hindi na ako mataranta mamaya kapag malapit na ang oras nang birthday celebration ni Sariya.

"Sir, lunch niyo po,"

Nag-pasalamat na lang ako kay Leslie at balak na tapusin muna ang isa na 'to bago kumain nang tanghalian.

Kung hindi pa siguro ako dadalhan nang pagkain ng secretary ko, malilipasan na naman ako ng kain.

Pagkatapos kong kumain ay balik trabaho ulit ako. Tinignan ko ang oras at may ilang oras pa ako para mag-trabaho.

5pm ang start nang celebration at 2:50 pa lang kaya madami pa akong oras para gugulin. Nakahanda na ang regalo ko sa kaniya at ang susuotin ko mamaya.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay agad ko nang nilinisan ang aking table. Kinuha ko na ang dala kong bag at lumabas sa aking opisina.

"Una na ako Leslie. Pumunta ka na lang sa venue,"tumango lang siya sa'kin at nginitian ko muna siya bago ako pumunta sa elevator at pinindot ang sa parking lot.

Agad akong nag-linis ng katawan ko at nag-bihis. Exactly 4:00 pm. Nang makuntento na sa aking sarili ay kinuha ko na ang regalo ko at susi ng kotse ko at lumabas na ako sa kwarto ko at nag-tungo sa parking lot.

Maaga pa naman pero gusto kong makasigurado na maayos na sa hotel na pagdadausan. Sa isang hotel na pag mamay-ari ko gaganapin ang debut niya kaya kailangan ko na maaga ako sa venue.

"Magandang hapon Sir,"tanging tango na lang ang nasagot ko sa mga buma-bati sa'kin dahil sa naging busy na ako. Nilagay ko sa aking suit ang pang-formal attire ko dahil alam kong pagpa-pawisan lang ako pagdating ko.

"Rap,"napa-tingin ako kay Johncent nang tinawag niya ako. Naka-formal na siya at hawak niya sa bewang si Faulene. 7 months na siya kaya halata na ang umbok sa kaniyang tiyan.

"Hey,"nag-manly hug kami ni Johncent at hinalikan ko naman sa pisngi ang pinsan ko. Hinawakan ko naman ang baby bump niya at napa-ngiti nang maramdaman na gumalaw ang sanggol.

Bigla kong naisip si Sariya.

Kung sakali man ma-buntis siya, I swear palagi lang siyang nasa bahay namin. Hindi ko siya papa-pasukin sa kaniyang trabaho para wala siyang gagawin kung hindi ang kumain at gawin ang lahat nang gusto niyang gawin pwera lang kung tungkol 'yon sa trabaho at gawaing bahay.

Hinatid ko muna sila sa table at nag-paalam na may aasikasuhin pa ako. Bago pa ako maka-alis ay tinawag ako ni Johncent at nag-salita.

"Thanks for this Rap. Siguro kung wala ka, hindi 'to mangyayari. Sorry kung ni wala man lang akong na-itulong dito sa hinanda mo, mas naka-tuon kasi ang pansin ko kay Faulene,"

SmileWhere stories live. Discover now