02

182 24 11
                                    

errors ahead

------------------------------

Dalawa

KAKATAPOS KO LANG kausapin si Tita Vangie ng lumabas si Sariya sa bahay nila. Pina-alam ko kasi na ngayon ang punta namin sa probinsiya. Pina-alam ko din na kasama ko si Zion at may kasama akong babae. Biniro pa nga ako na girlfriend ko yung kasama ko pero ang sagot ko lang ay soon.

Hindi ko alam pero ang lakas ng tama ko kay Sariya na to the point na magiging girlfriend ko siya.

"Good morning Raptor."

"Good morning too Sariya."

I opened the door of passenger seat and she thanks me. Kinuha ko naman ang dala niya at nilagay sa backseat.

Pagkapasok ko sa driver seat ay agad ko ng pina-andar ito.

"Saang probinsiya nga pala tayo pupunta?"tanong niya. Hindi ko pala nasabi sa kanya kung saan ang probinsiya namin dahil nawaglit sa isip ko.

"Quezon. Tagkawayan."sagot ko naman.

"Tagkawayan? Ngayon na lang ulit ako makaka-punta sa hometown namin. Diba magka-klase kayo ni Kuya Johncent ng elementary at high school?"tanong niya habang naka-tingin sa bintana. Madilim pa kasi malayo-layo pa ang byahe namin. Dulo na kasi ng Quezon ang hometown ko.

"Yup. Sa Central kami nag-aral ng elementary then sa Tagkawayan High School kami nag-secondary. Sa Alexandria nga sana kaso dun namin napili eh!"paliwanag ko naman. I glanced at her and she's typing at her cellphone. Probably texting her brother that we're on our way.

Pina-una ko na si Zion dahil sabi niya miss na daw niya sila Lolo at ang hangin ng probinsiya namin. Hindi ko lang alam kung may kasama din siya pero palagay ko meron dahil na din sa sinabi ni Tita Vangie sakin. Hindi nga lang daw niya alam kung babae.

Alexandria talaga dapat ang papasukan naming tatlo nila Zion kasi halos lalakadin na lang namin pero mas pinili nila sa T.H.S. Ewan pero ang lakas ng trip nila at mas pinili pa nila sa malayo. Ayaw ko naman mahiwalay sa kanila kaya sa T.H na lang kami.

Nagka-hiwalay lang kami ng mag-college na. Sa abroad pinag-aral si Johncent habang kami naman ay sa Laguna since andun ang business namin.

"By the way, just want to ask. Bakit sa B.U mo pinili mag-intern?"natigilan siya sa naging tanong ko at sa tulong ng mga street lights ay nakita ko ang pag-pula ng pisngi niya.

"Ahm.."tumikhim muna siya bago nag-salita. "This is going to be awkward brtween us. I h-have a c-crush on you."mahinang sambit niya. Napa-kagat labi ako para itago ang ngiti ko.

So, crush niya pala ako? Damn! I felt my cheeks burning. So gay!

Tumikhim ako at iniba ang topic namin para hindi maging awkward.

"Matulog ka na muna. Mahaba pa ang byahe natin. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo."tumango lang siya at natulog na.

Magpapa-tugtog na sana ako ng biglang may tumawag sakin na unregistered number.

"Hello, Raptor Buenavente speaking. May i help you?"

"Hello? Rap? It's me Michelle!"

Michelle? Saglit akong natigilan at nag-isip hanggang sa maalala ko yung kapitbahay namin sa Javea.

"Oh, Mich? Kamusta?"

Matagal na kaming walang komunikasyon ni Mich simula ng mag-aral kami ni Zion sa Laguna. Sa Tagkawayan na din siya nag-college at akala niya ay doon din kami mag-aaral kaya nalungkot siya ng malaman na sa Laguna kami mag-aaral ng kolehiyo.

SmileWhere stories live. Discover now