09

91 22 2
                                    

errors ahead

eyyy so dahil hindi kaya ng isip ko na isang P.O.V lang ang isulat ko kada-chapter, kaya naman magsu-sulat na din ako ng P.O.V ni Sariya para malaman niyo kung ano ang ginagawa niya hihi

enjoy reading!

------------------------------

Siyam

Love You

Raptor

"I'LL PICK you up later."

Wala naman akong gagawin mamaya kaya susunduin ko siya. Minsan ko lang 'to gawin sa kaniya. Minsan kasi may mga urgent meeting ako kaya hindi ko nagagawa ang ginagawa ng isang manliligaw sa kaniya.

Ngumiti lang siya sakin bago umalis. Dali-dali naman akong lumabas at hinabol siya.

"Hey, wait!"tumigil naman siya sa paglalakad at nagtatakang bumaling sakin. Oh lord! She's so freaking beautiful! Walang araw na hindi ko napu-puri ang kaniyang ganda.

"Bakit?"tanong niya sakin. Nilagay ko naman ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng tenga niya. Natatabingan ang maaliwalas niyang mukha.

Nagulat naman siya ng halikan ko ang pisngi niya. Maaga pa at may mga ilang estudyante na sa loob ng school. May mangilan-ngilan naman na estudyante sa parking lot at nakita ang ginawa ko sa kaniya.

Bago pa siya makapag-react ay mabilis na akong pumunta sa kotse ko at mabilis ko itong pina-andar. Nangi-ngiti pa ako dahil sa reaksiyon ni Sariya. There were days I'm impressed with Sariya.

Inayos ko ang aking tie bago pumasok sa elevator. May mga nakasabayan pa akong employee kaya ng binati nila ako ng magandang umaga ay binati ko din sila pabalik. Ang ilan sa kanila ay may hawak na cup from starbucks at ang ilan naman ay sandwhich.

Binati ko din si Leslie ng maka-dating na ako sa floor ng office ko. Hinubad ko naman ang coat ko at nilagay sa sofa bago ako umupo sa aking swivel chair. Kinuha ko ang aking phone dahil nag-vibrate. Napa-ngiti ako ng mabasa ang text ni Sariya sa akin.

Sariya:

y did u kiss me?! tinatanong tuloy ako ni Nikolas kung may relasyon tayo. nakakainis ka😒

Ako:

srry can't help

Sariya:

arrgghh

Napa-tawa na lang ako dahil ramdam ko ang inis niya. Simple movements. Simple clothes. Simple lang talaga si Sariya pero ewan ko ba at nababaliw ako sa kaniya.

Sariya Winston

NATULALA AKO sa ginawa niya at ang puso ko naman ay halos lumabas sa aking dibdib. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil alam ko na may naka-kita sa ginawa ni Rap sa akin.

Bago pa ako maka-react sa ginawa niya ay mabilis siyang pumasok sa kaniyang kotse at mabilis itong pinaandar. Tsaka lang ako nabalik sa reyalidad ng may tumawag sa akin.

"Sariya!"nakita ko si Carl na papalapit sakin. May dala siyang dalawang cup sa starbucks at sandwich. Nang makalapit naman siya sa pwesto ko ay binigay niya sakin ang isa. Kahit nakapag-almusal na kami ni Raptor kanina ay tinanggap ko pa din.

Sabay naman kami nag-lakad papunta sa room na nakalaan sa aming mga interns. Carl is my guy bestfriend since elementary. Hindi na talaga kami nag-hiwalay ng mag-high school at college kami. Pati course, parehas kami.

SmileWhere stories live. Discover now