18

59 10 0
                                    

errors ahead

sorry ngayon lang ako nakapag-update kasi lugaw na lugaw na ang utak ko. madami kasing nangyari dito sa'min then tomorrow is the opening of summger leauge in our barangay. malapit na din kami mag-ftf kaya pinapa-punta kami sa school para mag-linis. sorry kung maikli lang 'tong udpate kasi sobrang lugaw talaga ng utak ko.

enjoy reading!

------------------------------

Chapter Eighteen:

Sariya

"GAGO ANG sakit ng panga ko."

Sino ba naman kasing bobo ang sasabihin 'yon tapos ng ma-suntok aaray-aray?

Si Carl lang po 'yon. Your one and only marupok Prince.

Tagkal angas niya ng ma-suntok siya ni Raptor. Pero ang sarap niya ulit suntukin kasi masyado ng exaggerated. Pabebe porket si Ashley ang guma-gamot ng sugat. Ibuhos ko sa kaniya 'yong alcohol eh.

"Anong plano mo ngayon?"tanong sa'kin ni Ashley habang nililinisan ang sugat ni Carl.

Napa-tungo ako at pinag-laruan ang daliri ko. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Siguro, dito muna ako kila Carl since dito din naman daw matutulog si Ashley. Hay buhay! Magiging third wheel na naman ako.

"I don't know."

Muli kong pinag-laruan ang aking daliri. Kunti na lang du-dugo na dahil sa kaka-likot ko. Ganito talaga ginagawa ko kapag hindi ko na alam ang gagawin ko. Titigil lang ako kapag dumugo na.

Nag-pakawala ako ng buntong-hininga bago tumayo. Hindi naman ako pinansin ng dalawa dahil nag-lalambingan na. Napa-busangot ako. Kung siguro nasa legal age na ako, aayain ko silang uminom sa bar. Sagot ko lahat.

Pumunta akong kusina at ako na ang nag-handa ng meryendahan namin. Nakaka-hiya naman sa kanilang dalawa. Sige. Tabi ako na.

Imbes na mag-emote ako ngayon dahil may problema kaming dalawa ni Raptor, heto at para pa akong katulong ni Carl at Ashley.

Raptor

DUMIRETSO AKO sa penthouse at doon na lang nag-inom. Hindi na ako nag-punta pa sa bar at dahil alam ko namang hindi na ako makaka-uwi sa penthouse.

Balak ko sanang tawagan si Zion para samahan akong mag-inom pero mas pinili ko na lang na hindi. Gusto ko muna mag-isa. Gusto ko muna pag-isipan ang nagawa ko kanina.

Napa-sabunot ako dahil sa katangahan. Hindi ko man lang napilit na makapag-paliwanag kay Sariya. Basta na lang ako umalis at parang asong duwag na mabilis na tumakbo palayo.

Hindi ko alam kung bakit parang nalunok ko ang dila ko kanina at hindi ko man lang nagawang makapag-salita sa kaniya. Alam kong malala na ang galit sa'kin ni Sariya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

NAALIMPUNGATAN AKO ng makarinig ng kaluskos. Naging alerto naman ako at hinawakan ang bote ng beer na nasa tabi ko at handa na sanang ipokpok sa ulo ng pumasok sa penthouse ko ng makita kong si Zion lang pala ito.

"Fuck!"napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng sakit. Tinignan ko ang mga naka-kalat na bote ng beer sa mesa at napa-mura ng makitang ang dami ko palang nainom kagabi.

"Ayan, sige inom pa."sabi ni Zion sabay lapag ng soup sa harapan ko. Ngumuso na lang ako at nag-mumog muna bago kainin ang soup na ginawa niya para sa'kin.

Habang kinakain ko 'yong soup, nilagay naman ni Zion ang mga nag-kalat na bote ng beer sa garbage bag bago punasan ang lamesa. Pagkatapos niyang ilagay muna ito sa tabi ng basurahan ay umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Bakit ka uminom?"nakahalumbaba niyang tanong sa'kin. Ang mga mata ay tamad lang na naka-tingin sa'kin.

Uminom muna ako ng tubig bago ko sinabi sa kaniya ang dahilan ng pag-inom ko.

Pagkatapos niyang marinig ang dahilan ay bigla na lang niya akong tinawanan. Sinamaan ko naman siya ng tingin at padabog na umalis sa lamesa para ilagay sa lababo ang mangkok.

"As in, hindi ka man lang nakapag-paliwanag?"natatawa niyang tanong sa'kin. Tinaasan ko na lang siya ng gitnang daliri ko dahil sa inis.

Anong magagawa ko eh sa hindi nga ako nakapag-paliwanag sa kaniya di'ba? Eh siya nga hindi man lang nakapag-paliwanag kay Nicole noong tinanong siya kung bakit gusto na niyang makipag-hiwalay.

"Alam mo kung mang-gugulo ka lang. Umalis ka na, hindi kita kailangan."

Humarap ako sa kaniya at tinukod ang aking kamay sa may lababo. Inikot naman niya ang upuan at gaya ko ay hunarap din siya sakin habang naka-ngisi.

Ngumuso siya at kinagat ang labi para pigilan ang pag-ngiti. Halatang gustong mang-asar. Pasalamat siya dahil wala akong pang-alas kapag inasar niya ako.

Akala ko ay may sasabihin pa siya pero agad siyang tumango at pumuntang sala. Ako naman ay uminom muna ng tubig bago ko siya sundan.

Naka-higa sya sa sofa habang naka-takip ang braso sa kaniyang mata. Lumapit naman ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat para gisingin.

"Pumunta ka lang ata dito para matulog."

"I don't want to go home yet. Baka masundan pa 'yong away namin ni Mommy kanina."

Napa-buntong hininga na lang ako at umupo sa pang-isahang sofa. Kailan ba siya titigil na sagot-sagotin si Tita? Kaya sila laging nag-aaway eh. Dapat pini-pili na lang niyang manahimik para maiwasan ang pag-tatalo nilang mag-ina.

Normal lang naman na mag-ayaw kayo ng Mommy niyo kasi syempre hindi maiiwasan na sagot-sagotin. Pero dapat alam niyo ang limitasyon niyo. Hindi kasi sa lahat ng oras naiintindihan tayo ng parents natin.

Pinabayaan ko na lang siyang humiga sa sofa. Kinuha ko na lang ang laptop ko at binuksan ang e-mail. Titignan ko kung na-send na sa'kin ni Arthur 'yong report niya. Binasa ko lang 'yon at nag-reply ako ng baka dumalaw ako sa Cavite para bisitahin ang restaurant ko.

Pagkatapos n'on ay kinuha ko ang aking phone at tinignan kong may mensahe bang pinadala sa'kin si Sariya pero wala. Binuksan ko ang messages ko at pinindot ko ang thread ng conversations namin.

Binasa ko lang 'yon at napapa-ngiti na lang ako bigla. Kahit gusto ko siyang i-text ay pini-pigilan ko ang sarili ko na h'wag dahil baka mainit pa ang ulo niya sa'kin.

Hanggang sa maka-alis na lang si Zion ay hindi pa din siya nagte-text sa'kin para sabihin na handa na niyang pakinggan ang paliwanag ko. Pero wala.

Huminga muna ako ng malalim bago nag-tipa sa aking cellphone ng mensahe sa kaniya. Hindi ko siya matiis. Gusto ko ng mag-paliwanag para maayos na ang problema namin.

Ako:

Hi love. Can we talk tomorrow? I'll explain everything. Please, I want us to be okay. I miss and love you.

*****

Don't forget to vote this chapter.
Voice out your thoughts.
Then follow me for more updates.
:*

SmileWhere stories live. Discover now