22

65 8 0
                                    

errors ahead

------------------------------

Chapter Twenty-Two

Raptor

Habang hinihintay si Sariya ay nag tingin-tingin muna ako dito sa mesa niya. Organisado ang kaniyang gamit. Walang mga basura sa kaniyang mesa ganun din sa paligid nito.

"Good afternoon Sir."

Napa-baling naman ako sa may pintuan at nakita ko ang dalawang kasamahan ni Sariya na intern. Nginitian ko na lang sila bilang tugon.

"Hinihintay niyo po ba si Sariya, Sir?"

"Yes."maikling sagot ko habang pina-pakialaman pa din ang mga gamit niya sa kaniyang mesa. Nang mabagot ay umupo ako sa swivel chair niya at binuksan ang kaniyang laptop.

Napa-ngiti naman ako ng makitang picture naming dalawa ang naka-homescreen sa laptop niya. Ang aliwalas talaga ng mukha niya kapag naka-ngiti. Mas lalo akong nahuhulog. Mas lalo akong napapa-mahal sa kaniya.

Gagalawin ko na sana ang laptop niya ng marinig ko ang bulungan nila. It's about Nikolas.

"Balita ko may third-party na naganap?"

"May cheating ba na na-ganap?"

"Ang sabi may scandal daw."

"Paano nakarating yun kay Mitzie?"

"Ang balita ko ay dump account ang ginamit. Ni-send through instagram."

Napa-kunot ang noo ko dahil d'on. Third-party? Cheating? And, what? Scandal?

Tumigil lang sila sa pag-uusap ng bumukas ang pinto at pumasok si Nikolas. Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa kaniyang lamesa.

Pumunta ako sa mesa niya at nanatiling naka-tayo. Tulala lang siya at hindi niya ako tinata-punan ng tingin. Para ngang hindi niya napansin ng pumunta ako dito sa mesa niya.

Hinampas ko ang aking kamay sa kaniyang mesa kaya nagulat siya miski na din yung dalawa pa naming kasama sa loob dahil sa ginawa ko. Tumingin naman siya sa'kin at kinunotan ng noo.

"Pwede ba tayong mag-usap Nikolas?"

"Tungkol saan naman?"saad niya at inayos ang mga papel na nasa kaniyang mesa. Umupo ako sa upuan at tinignan ang dalawang kasama namin.

Hula ko naman ay na-intindihan nila ang gusto kong iparating kaya lumabas muna sila. Muli kong itinuon ang aking pansin kay Nikolas at muli na naman siyang naka-tingin sa kawalan.

"Ano 'yung narinig ko tungkol sayo?"

Napa-tigil siya sa kaniyang gina-gawa at bumaling sa'kin. Kita ko sa mukha niya ang takot at pagka-balisa. Kung ano man ito ay hindi ko alam. I need to know what the hell is happening to him.

Tumingin siya sa likod ko at nang masiguro na kaming dalawa lang ang nasa loob ay nag-salita siya.

"I think, Kuya Zion did those videos."

Napa-tanga nama ako sa kaniya. Naguguluhan. Ano ang ibig niyang sabihin? Na si Zion ang nag-send ng scandal niya kay Mitzie?

"What?"napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Bakit naman gagawin 'yon ni Zion sa sarili niyang kapatid? May hinanakit pa din ba siya kay Nikolas dahil nasa kaniya na si Mitzie?

"I don't know. I just conclude it. Maayos naman kami ni Mitzie nitong pag-punta ko dito sa university pero nagulat na lang ako ng tumawag ako sa kaniya kanina tapos galit na galit siya. Hindi ko alam. Naguguluhan ako,"bakas sa tono ng boses ni Nikolas ang lungkot.

SmileWhere stories live. Discover now