16

65 10 2
                                    

erros ahead

------------------------------

Chapter Sixteen: Problem

Raptor

PAGKARATING KO sa baba ay wala na siya. Sinubukan ko na ding tawagan ang kaniyang numero pero hindi niya sinasagot. Damn!

Nag-sisimula na akong kabahan. Paano kung hindi niya pakinggan ang paliwanag ko? Paano kung makipag-hiwalay na siya sa'kin? Argh! Here I go again. Damn overthinking.

Muli akong bumalik sa opisina ko para kunin ang susi ng sasakyan ko. Wala na si Lean pagkarating ko doon. Siguro umalis na. Pagka-baba ko ulit sa parking lot ay agad ko na itong pina-andar at nag-tungo sa kanila.

"Oh? Rap? Bakit?" salubong sa'kin ni Faulene ng pag-buksan ako ng pintuan.

Mabilis akong humalik sa pisngi ni Faulene at agad ko din siyang tinanong.

"Andito na ba si Sariya?"tanong ko habang nililibot ang aking paningin.

"Akala ko ba nag-punta siya sa opisina mo?"sagot naman nito sa'kin.

Nasaan siya kung gayon? Saan pa ba siya pwedeng pumunta maliban sa bahay nila? Tinignan ko ang oras at nakitang malapit na mag alas-kwatro. Imposibleng nasa mall siya ngayon dahil alam ko na hindi siya pupunta sa ganoong lugar kapag hindi pa siya nakakapag-palit ng damit. Lalo naman sa mga bar dahil minor pa siya at sa December pa ang kaniyang kaarawan.

Saan pa ba siya pwedeng pumunta? Sino-sino ba ang mga kaibigan niya na pwedeng puntahan niya?

Bigla ko namang naalala ang kaibigan niya na lalake. Ano nga ulit pangalan niya? Carlo? Carlie? Carl? Oo, Carl nga ang pangalan ng kaniyang kaibigan na lalake. Ang tanong, saan siya nakatira? Alam kaya ni Faulene?

"Alam mo ba kung saan nakatira si Carl?"

Napa-kunot naman ang noo ni Faulene sa naging katanungan ko. Marahil ay naguguluhan na siya sa'kin. Hindi na ako magugulat mamaya na sinasabunutan na niya ako.

"Kanina si Sariya ang hinahanap mo, ngayon naman si Carl. Sabihin mo nga, may sikreto kayong relasyon ni Carl ano?"napa-maang na lang ako sa sinabi ni Faulene. Masyado talagang ma-issue itong babae na 'to.

"Faulene, kaya ko sayo tinatanong kung nasaan si Carl kasi baka nasa kanila si Sariya. Ikaw talaga, masyado kang ma-issue."napa-nguso na lang siya sa sinabi ko.

"Sa pagkaka-alam ko, sa Vero Village nakatira si Carl. Alam mo naman kung nasaan 'yon di'ba?"tumango ako sa kaniya at hinalikan muna ang pisngi niya bago umalis at pinatakbo ang aking kotse papunta sa Vero Village.

Kaibigan ko ang may-ari ng Vero Village. Si Atlas Vero. Naging kaibigan ko siya ng lumipat ako dito sa Laguna. Siya ang una kong naging kaibigan dahil ng mga panahong 'yon ay grade 12 pa lang si Zion. Hindi naman kami parehas ng kinuhang kurso n'on ni Jackie dahil Mass Com. ang kinuha niya.

Sumaludo sa'kin ang nag-babantay na guard sa labas ng village ni Atlas. Binaba ko ang bintana ng aking kotse para maka-usap ko si Manong.

"Manong, alam niyo po ba kung saan nakatira si Carl Suarez?"tanong ko dito.

Mabuti na lamang at kilala ako ng nag-babantay kaya hiningi na lang niya ang aking I.D. para ilagay sa logbook. Pagkatapos ay sinabi na niya sa'kin kung saan ko matatagpuan ang bahay ni Carl.

Nag-pasalamat naman ako kay manong at sinimulan ko ng hanapin ang bahay ni Carl. Ilang minuto lang ay nahanap ko na ito kaya naman madali akong bumaba sa aking kotse at agad na nag-doorbell.

Nanlaki ang mata ni Carl ng makita ako at dali-dali siyang lumabas at pinuntahan ako sa labas ng gate.

"Nandiyan ba si Sariya?"panimula kong tanong sa kaniya. Namulsa siya at humakbang papunta sa'kin. Hindi ako umatras at sinalubong ang matatalim niyang tingin.

SmileWo Geschichten leben. Entdecke jetzt