10

100 17 0
                                    

errors ahead

hello, nagkaroon ng errors sa chapter ko so skip nyo muna 'to kasi yung sunod na chap ang chapter nine, balikan niyo na lang kapag chapter 10 na kayo thankies.

------------------------------

Sampo

Sariya

NAPA-TAYO AKO sa pagkaka-upo ko sa sofa ng may bumusina sa'kin sa labas. Masaya akong lumabas ng bahay pero unti-unting nawala ang saya ko ng makita ko na hindi si Raptor ang sumundo sa akin kung hindi si Nikolas.

Pinag-buksan ako ni Nikolas ng pintuan sa backseat. Tanging ngiti lang ang na-sagot ko kay Mitzi ng batiin niya ako ng magandang umaga. Badtrip! Buong akala ko si Raptor ang susundo sa akin.

"Kuya Rap called me. Ako daw muna ang sumundo sa'yo."tanging tango na lang ang na-sagot ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Awkward. Third-wheel lang peg ko.

Kinuha ko ang aking phone at nag-padala ng mensahe sa kaniya.

Ako:
Good morning Raptor.

Nasa kotse na ako ni Nikolas, otw na kami sa school.

eat ur bfast

Inintay ko siya na mag-reply pero hanggang sa maka-rating kami sa school ay wala akong natanggap. Matamlay tuloy akong nag-lakad papunta sa room.

Hindi ko na sila nabati dahil hindi man lang nag-reply sa'kin si Rap kahit tuldok lng. Dumukdok ako sa mesa at napa-buntong hininga. Ngayon ko pa naman siya sasagutin pero siguro ipagpapabukas ko na lang.

Gusto ko kasi sa personal siya sagutin hindi sa cellphone.

Nag-angat ako ng tingin ng may tumapik sa balikat ko. Nakita ko naman si Carl na naka-ngiti tapos may ni-lapag na coffee at sandwhich sa mesa ko.

"Salamat."matamlay ko na sabi sa kaniya. Dahil pre-occupied ako, nakalimutan kong mainit ang iniinom ko kaya napa-sigaw ako dahil napaso dila ko.

Nag-peace sign na lang ako sa kanila dahil sa sigaw ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Carl dahil tinawanan niya ako. Bwesit! 'Yong kaninang antok kong diwa ay nagising dahil sa na-paso kong dila.

"Parang ang tamlay mo ata."puna ni Tiffany ng mapa-daan siya sa pwesto ko. Napa-nguso na lang ako dahil sa hindi sa'kin pag-sundo ni Raptor.

Naiinis talaga ako. Gusto ko pa naman na lagi ko siyang nakikita kasi maganda ang magiging mood ko buong araw. So technically, badtrip ako. Tsk, bwesit!

"You seem upset. Tell me, what happened?"

Pagod akong tumingin kay Carl. Sasabihin ko ba sa kaniya? O, wag na lang? Baka kasi lalo akong ma-wala sa mood. Ang kulit pa naman nitong lalaki na 'to.

Napa-nguso ako bago umiling. H'wag na lang pala. Siguradong aasarin niya lang ako. Hindi ko na lang pinansin ang masamang tingin na pinukol niya sakin bago siya bumalik sa pwesto niya.

Muli kong binalingan ang phone ko. Napa-buntong hininga na lang ako ng wala pa din siyang reply. I wonder if he's still sleep. Pero, malapit na mag-8.

Puyat ka siya?

Umalis na 'yong iba kong kasama dahil may klase na sila. Ang naiwan na lang ay ako, si Carl na nag-lalaro ng ML, si Tiffany na nag-babasa ng libro at si Hanna na nanunuod ng kung anong KDrama sa laptop niya.

SmileWhere stories live. Discover now