14

80 16 3
                                    

errors ahead

------------------------------

Chapter Fourteen: Explanation.02

Sariya

"KUMAIN KA muna bago ka mag-paliwanag."

May parte sa'kin na ayaw marinig ang paliwanag niya pero may parte naman sa'kin na gusto itong marinig. Nandoon ang takot sa maaari kong malaman pero kailangan para hindi mauwi ito sa pag-tatalo.

Dahil lumamig ulit 'yung soup ay pina-init ko ulit ito. Sumunod naman sa'kin si Raptor sa kusina at yinakap ako galing sa likod. Halatang nag-lalambing. Akala siguro niya galit ako.

Hindi naman ako galit. Siguro magagalit na lang ako kapag hindi ko magustuhan ang paliwanag niya. Hindi ko muna pangu-ngunahan ang galit ko para makapag-paliwanag siya ng maayos sa'kin.

"You mad?"bulong niya sa'kin. Medyo nakiliti pa ako dahil sensitibo ang leeg ko ng tumama ang kaniyang hininga dito.

"Hindi."sagot ko naman sa kaniya at kumuha ng panibagong bowl at nilagay ang soup. Dahil hindi pa siya humi-hiwalay sa pagkakayakap niya sa'kin, naka-sunod siya sa bawat galaw ko.

Clingy, huh?

Gusto ko sana siyang asarin kaso wag na lang dahil baka mawala sa mood. Baka mag-inarte pa at hindi kainin itong soup. Masasayang lang.

"Umupo ka muna."

Kahit labag sa loob niya na umupo ay ginawa niya pa din. Napatawa na lang ako at muling nag-salin ng tubig sa baso. Umupo ako sa katapat na upuan at pinagmasdan siyang kumain.

"H'wag mo nga akong titigan. Hindi ako makapag-concentrate sa pagkain."naka-nguso niyang sabi.

Napa-iling na lang ako at kumuha ng tissue bago punasan ang dumi sa gilid ng kaniyang labi. Nang nag-vibrate ang cellphone ko ay agad ko itong kinuha sa aking bulsa at binasa ang mensahe ni Kuya Johncent.

Kuya Johncent:

Sariya, pag-uwi mo, pakibilhan naman si Faulene ng tinapay.

Nag-reply lang ako ng okay at muling tinago ang phone sa bulsa ko. Iba din ang cravings ni Ate Fauelen eh. Nang maabutan ko siya sa bahay kanina ay nakain na naman siya ng tinapay na sinawsaw sa kape. Partida, tanghaling tapat 'yon.

"By the way, buntis pala si Ate Faulene."

Napa-awang ang labi ko ng ma-buga ni Raptor sa mukha ko ang soup na kinakain niya. Gulat naman siya sa kaniyang ginawa at agad na nang-hagilap ng bimpo. Binasa niya muna ito bago niya ako punasan sa mukha.

"Shit! I'm sorry! Sorry love. You just drop a bomb!"pag-hingi niya ng tawad habang pinu-punasan ang mukha ko. Natawa na lang ako dahil nga naman sa bigla kong pag-sabi na buntis si Ate Faulene.

Mas maayos pa 'yung pagka-gulat ni Nikolas kesa kay Raptor eh! Kasi si Nikolas, preno lang. Eh si Raptor, soup.

"Pero seryoso, buntis si Faulene? Ilang months na?"tanong niya bago kumuha ng wipes at 'yon naman ang pinunas sa mukha ko.

"Four."naka-ngiti kong saad sa kaniya. Tumango naman siya at muling pinag-patuloy ang pagkain sa soup. Medyo madami kasi ang nagawa ni Kuya kaya halos ma-kalahati pa lang niya 'yong soup.

"Anong cravings niya?"

Saglit naman akong napa-tigil at inisip ang mga cravings na kinakain ni Ate Faulene.

"Hmm, tinapay na sinawsaw sa kape. Duhat. Mangga. Mas gusto niya sa sinawsas sa tuyo ng may kasamang asukal. Ano pa ba? Singkamas."

Kagabi nga noong naalimpungatan ako ay bumaba ako para uminom ng tubig. Nagulat nga ako ng makita kong naka-higa si Kuya Johncent sa couch at tulog habang si Ate Faulene naman ay kumakain ng tinapay na sinawsaw sa kape.

SmileWhere stories live. Discover now