12

84 17 1
                                    

errors ahead

------------------------------

Chapter Twelve: Ate Faulene's Pregnant

Sariya

NAKA-TULALA PA din ako habang naglalakad papunta sa sofa at tinabihan si Ate Faulene. Bumaba naman ang tingin ko sa naka-umbok niyang tiyan. I bet she's four months pregnant dahil halata na may nilalang na nabubuhay sa loob ng kaniyang tiyan.

Kaya ba hindi siya nagpapakita sa'kin ng ilang buwan ay dahil buntis siya? Kaya ba hindi niya pinapa-unlakan ang pag-aanyaya ko dahil dito?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bubuka ang bibig ko pero agad ko din namang isasara dahil sa nagkanda-halohalo na sa utak ko ang gusto kong tanungin sa kaniya.

"Hoy! Kanina ka pa tahimik."sabay sundot sakin ni Ate Faulene sa tagiliran. Napakurap-kurap naman ako at muling tumingin sa kaniya. Napa-nguso siya at muling sumubo ng tinapay na sinawsaw sa kape.

I think, this is her craving. Bread and coffee. Not bad.

"I-ilang months ate?"ang tanging natanong ko.

Uminom muna siya ng kape bago humarap sa'kin. Hindi pa naman malaki ang tiyan niya kaya nakaka-galaw pa siya ng maayos. Kung titignan, parang tumaba lang si Ate Faulene pero hindi.

"Mag fo-four months."naka-ngiti niyang saad sabay himas sa tiyan niya. Si Kuya Johncent naman ay tumabi kay Ate Faulene at nakihawak din sa kaniyang tiyan.

Napa-ngiti ako sa nasaksihan. Ate Faulene and Kuya Johncent's relationship are not perfect. Nag-aaway. Nag-sisigawan. Pero heto't nasa bisig pa rin nila ang isa't isa. At ngayon, may madadagdag.

Paniguradong matutuwa sila Mommy kapag nalaman nila na magkaka-apo na sila. Matagal na kasi nilang hiling 'yon kay Kuya Johncent pero dahil busy pa masyado ang kapatid ko hindi niya muna tinupad ang hiling nila. Gusto daw muna niya mag-ipon ng pera at tsaka hindi pa siya handa. Kaya heto, lumago na kasi 'yong restaurant niya kaya siguro binuntis na si Ate Faulene.

"Alam na ba 'to nila Mommy?"

"Yeah. Mom and Dad are happy. Alam ko naman kasi na gusto na nilang magka-apo kaya ng malaman ko na buntis si Faulene, tinawagan ko agad sila para ibalita. Nahimatay pa nga si Mommy eh."napatawa kami dahil doon. Another member of family.

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Faulene kaya napa-baling siya sa'kin. Nginitian ko siya at sinuklian din niya ako ng ngiti.

"Welcome to the family Ate."

PAGKATAPOS KONG mag-bihis ng pantulog ay agad kong binuksan ang laptop ko at gumawa ng lesson plan. Tumawag sa'kin si Carl kung saan ako pumunta at hindi na ako nakabalik. Sinabi ko naman sa kaniya na pinuntahan ko si Raptor sa penthouse niya dahil nga birthday at death anniversarry ng Mommy niya.

Pagkatapos kong gumawa ng lesson plan ay nag-tungo na lang ako sa YouTube at nanuod ng mga ASMR. Ang ganda kasi sa tenga kaya gustong-gusto ko. Mga bandang 10 ay naisipan kong tawagan si Raptor pero ng maalala ko na kailangan niya pala ng pahinga hindi ko na tinuloy.

Nag-padala na lang ako ng mensahe sa kaniya.

Ako:

Good night love. Sleep well.

Napa-ngiti ako ng ma-hit ko ang send. Gusto kong love ang magiging endearment namin. Ang sarap kasi sa tenga. Parang may kung anong meron nagliliparang paru-paru sa tiyan ko.

Raptor

MASAKIT ANG ulo ko ng magising ako. Napahawak ako sa aking noo at napa-mura ng maramdamang mainit ang noo ko. Fuck! Bakit ngayon pa ako nagka-sakit?

SmileOù les histoires vivent. Découvrez maintenant